Topic: Buy Crypto using Binance P2P (Read 59 times)

08-24-20 11:22 AM
sajin_26
Jr. Member II
  • Posts: 223
  • Thanked: 199
  • Reputation: 0
Para sa mga Ka PD natin na naghahanap ng mabibilhan natin ng crypto like BTC, USDT, ETH, may iba pang madaling paraan para makabili at makapagbenta ng crypto.

Sa Binance mayron silang cash in/cash out option na tinatawag na P2P na kung saan pwede ka bumili at magbenta ng crypto sa kapwa binance user, ang kagandahan pa nito, walang hinihinging transaction fee ang binance, may mga legit merchant din dun na kung saan pwede ka bumili ng crypto na siguradong mapagkakatiwalaan. Kailangan lang na verify  mo muna ang account mo bago ka makapagtransact, lahat ng mga user na gumagamit ng serbisyong ito ay dumaan sa KYC . At di ka rin maloloko dahil bawat transaction ay may proseso na sinusunod. Pwede kang mag appeal kung talagang may nilabag si buyer o si seller at kakampi mo si binance para imbestigahan ang transakyon.

Ituro ko lang ang tamang proseso ng pagbili ng crypto gamit ang binance.

1. Click ang trade



2. Click ang P2P



3. Pwede ka mamili kung buy o sell, at pwede ka mamili kung anong crypto ang gusto mong bilhin, mas prefer kong bilhin ang USDT kasi mas stable ang coin na ito at ako na bahala magtrade sa kahit anong pair. Pili ka lang sa mga merchant. Note: may limit sila check na lang limit yung minimum at maximum na pwede bilhin




4. Lagay lang ang amount na bibilhin tapos click buy. Ang mode of payment kadalasan dito ay bank transfer, pwede din gcash, paymaya depende sa description na nakalagay. Magpoprovide sila ng bank account details, na kung saan ka magdedeposit gamit ang bank account mo.



5. After mo mabayaran click mo yung I make payment. Katunayan na nabayaran mo na. Importanteng may screenshot ka rin ng transaction mo para kung sakaling hiningi sayo may ipapakita ka sakanila.

6. After make payment, wait mo lang na irelease nila yung crypto mo at pag narelease na. Pwede mo ng itransfer sa spot wallet mo at pwede mo ng iwithdraw o ipangtrade sa kahit anong pair.


Sa mga wala pang binance account, register lang kayo dito [You are not allowed to view links. Register or Login]
« Last Edit: 08-24-20 11:44 AM by sajin_26 »

08-24-20 05:38 PM
aED
Administrator
  • Posts: 7043
  • Thanked: 8892
  • Reputation: 1033
Salamat hehehe. Ang ginagawa ko kasi para makapasok sa binance ay bumibili ng BTC sa coins.ph may alternative way na.

I love annapotpot :wub:
aED != ead :punish: