I will answer this based on the bible.
Since I am a christian, I will answer this the best as I can.
May tanong ako.....
Kung Bible/Doctrine/Koran/etcetera Scholar ba ang isang nilalang at sabihin na nating kabisado lahat ang nilalaman kahit naka pikit o nakapiring pa. Assurance ba ito para makamit mo ang pangalawang buhay na walang hanggan ang kaligayahan o makapunta punta ikaw sa langit?????
Hindi po basehan ng isang tao ang pagiging scholar ng biblia para maunawaan ito. Even po ang mga translator ng biblia may mga mali din pong translation o salin. Ang bible po may pitong tatak ( Apoc 5:1 ) kaya mahirap maunawaan, hindi ito mauunawaan ng di po pinagkalooban.
Dan 12:10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.
Ang assurance po ng kaligtastasan. Ay nasa pananampalatayang may Gawa ( San 2:26), Pagasa at pagibig. Pero ang pinakadalika sa mga ito ay ang pagibig.
1Cor 13:13 Datapuwat ngayoy nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa at ang pagibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
[line]
Ano pala ang kakahinatnan ng mga illiterate at walang kamuwang muwang sa Biblia/Doktrina/Koran/etcetera. Automatic ba sa Impierno sila malalaglag o sa ibang dimensyon ng mga Aliens?????
Mas malaki po ang tsansa nito sa kaligtasan kesa doon sa nakakaalam.
San 4:17 Sa nakakaalam nga ng pagagawa ng mabuti, at hindi ginagawa ito ay kasalanan sa kaniya.
Considering po na yong walang alam sa biblia ay ginagawa ang kautusang nasusulat sa kanilang puso.
Rom 2:14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;
[line]
Yunɡ mɡa non believers san pala destinasyon nila paɡ pumanaw sila?????
Yong mga non-believers na rebelde o masasama malamang nakakulong po yon sa kalaliman ng lupa. Efe 4:9,
Pero yong mabubuti babalik sa Dios. Ecle 12:7
[line]
Ang Relihiyon ba ang talagang nakakapagligtas sa tao?????? O ang tao ba ang nagliligtas sa pinapaniwalaan nilang tamang landas at pangaral?????
Ang relihiyon po nagtuturo kung paaano ka maliligtas. Sa loob po ng iglesia ng Dios o ng relihiyon itinututuro ang mga hiwaga ng kalaliman ng Dios. Mga aral at sa ikaliligtas ng bawat sumasampapataya.
Luc 8:10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
[line]
Ano ba talaga ang tunay na sangkap sa kaligtasan?????
Marami po ang sangkap ng kaligtasan.
Ang Dios po ang may ibig na lahat ng mga tao ay mangaligtas at makaalam ng kaligtasan. 1Tim 2:4
Pero ang sangkap na iyon nauuwi sa 3.
Pananampalataya, Pagasa at ang iag ibig.
Halimbawa.
Sumampalataya ka na, at next noon ay magkakaroon ka ng pagasa. At bunga ng pananampalataya ay gagawa ka ng may pagibig.
Pero overall pinakadakila sa mga ito ay kung mag pagibig ka.
1Cor 13:4-8 Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.. patuloy..
[line]
Pinatanong lang pala sakin ni Machete. Salamat sa sasagot.
Salamat...