Pwede ba dito sa PD gumawa ng topic like this. Kasi im learning Japanese/Nihongo i wonder if my mga Nihongo speaker dito or may Nihon Jin ba dito na pwede maka usap in Japanese para makapag practice.
Pwede rin yong mga gusto din matuto ng Japanese. Share ko nalang siguro ang basic. Ang Japanese language or Nihongo ay may 3 writing system actually 2. Chinese characters(KANJI) and syllabaries (HIRAGANA & KATAKANA).

So saan kaba dapat mag umpisa? i think you start with hiragana kabisado mo mag basa at mag sulat ng hiragana kasi yan talaga madalas mong makikita or mababasa, if marunong ka ng mag basa at mag sulat ng HIRAGANA pwede ka ng makasulat ng gusto mo yun if alam mo na ang grammar. then next is KATAKANA, para sa akin mas mahirap ang KATAKANA kesa sa KANJI you can read KATAKANA but minsan mahihirapan kang intindihin ang ibig sabihin nito, ginagamit ang KATAKANA mostly sa mga FOREIGN WORDS or if may gusto kang i highlight na word, for example nito is
ケキ - KEKI - CAKE
フライドポテト - FURAIDO POTETO - FRENCH FRIES
エアコン - EAKON - AIRCON
minsan mag katunog pero pag nag basa ka na ng buong sentence nakakalito minsan. hahaha
then if kabisado mo na ang hiragana and katakana suggest ko na mag aral ka muna ng basic vocabularies kasi pag nag KANJI ka tapos hindi mo din alam ang ibig sabihin nito wala din. hahaha ang 1 character ng kanji ay may meaning and some can be read on their on.thats why study atleast the jlpt n5 or elementary vocabularies

then mag kanji ka. kasi minsan sa mga textbook or kahit saan ang mga kanji character ay may maliit na hiragana na nakasulat sa taas or sa gilid na side ng kanji character tinatawag itong FURIGANA. thats why if alam mo ang word na yan maiintindihan mo ang binabasa mo, pero if alam mo ang character kung paanu basahin pero hindi mo alam ang meaning nito nonsense din. hahaha
If may mali sa sinabi ko or may gusto kayong idagdag pakisabi lang po. basic lang din kasi alam ko. haha
ito chart ng HIRAGANA at KATAKANA. Madali lang to 3 days kaya niyo na tong kabisaduhin, pero mas magandang dahan dahan lang mga 1 week.
HIRAGANA

KATAKANA

GANBARE!
