Topic: Di Ako Iiyak, A Song-Lenght Story (Read 513 times)

05-04-18 10:00 PM
fiona_applet
Full Member
  • Posts: 379
  • Thanked: 71
  • Reputation: 1
January 20, 2018
Sabado
Mga bandang alas-otso y medya ng umaga

"Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig
Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Patuloy ang pagtugtog ng radyo. Hindi naman Linggo pero di ko maintindian ang trip ng DJ at ang lumang masyado ang awiting pinagpipili.
"Bwisit, imbes makagood mood, eh, mapapaemote ka pa." Pabulong kong sambit sa sarili.
Lumabas na si Aloisa, ang aking anak na panganay. Dalaginding na ito kaya mahirap na ring pigilin sa bahay. Mula dito sa kusina, rinig ko naman ang pakikipagharutan ni Andi sa mga kapwa niyang mga bulilit. Sa edad niyang pitong tao naging likas na sa bata ang maging maaliwin at madaling sumaya sa mga simpleng ugnayan sa kapwa niya bata.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pintong dati-rati'y bukas sa aking pag-dating
Ngayo'y naka-sara at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
Kahit mahina pa sana ay iyong sagutin

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Padabog kung dumaan ang hanging Amihan. Ngunit ang lamig na dulot nito ay mas naghahatid sa akin ng pagkaawa kaysa inis. Malakas ang pwersa ng hangin ngunit sa tuwing dadantay siya sa akin, kilabot sa pakiramdam ang nanaig.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kay linis ng silid walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y walang nagkakalat

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dali-dali kong isinara ang pintuan. Nagsiliparan na kasi ang mga papel na nakapatong sa mesa at nagugulo na rin ang paligid.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sanggol na nasanay nasanay sa ama
Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa
H'wag kang magalala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bagamat malamig at malakas ang hangin sa labas, mas nanaig pa rin ang ingay ng hiyawan at masasayang tawanan ng mga bata sa may bakuran.
Maya-maya narinig kong may tumawag sa pangalan ng aking anak.
"Andeeee! Andiyan ba si Mama?"
"Opo, bakit po?"
"Sabihin mo magpapalaba ako bukas, ha."
"Sige po."
Dinig ko man mula sa kusina ang maikling usapan ni Andi at Aleng Uleng, inaasahan ko na rin ang excited na pagbabalita ni Andi.
"Mama! Mama!" sigaw ng anak ko na tila ba laging nanalo sa lotto kung magkwento.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pag-ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat
[/i]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa pagbukas ko ng pinto.
"Mama--" hingal pang bigkas ni bunso. "Papalaba daw po si Aleng Uleng bukas." Hinimas ko lang saglit ang malago't pawisang buhok ni Andi at sabay itong ngumiti sa akin. Dali-dali ring tumalilis ang bata at bumalik sa mga kalaro.
Di ko pa man muling naisasara ang pinto, napansin kong lumingon saglit ang papalayung si Aleng Uleng.
"Eloisa, palaba ako bukas ha. Mga alas-syete." Tinugunan ko lang ng maikling ngiti si Aleng Uleng at agad din itong nagpatuloy maglakad papalayo. Madalas na rin akong kuning labandera ng mga kapitbahay kaya kilala na rin nila akong sadyang tahimik at madaling kausap.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

H'wag kang magalala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat.
[/i]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa pagbalik ko sa kusina, binalikan ko ang kapeng kanina lama'y karamay kong magmuni-muni. Mabilis inagaw ng hanging Amihan ang init ng kape.
"Matabang na nga't ay maligamgam pa." Inis kong kinakausap ang sarili.
Nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ang malamig na kape. Sa aking pag-angat ng tasa, patay malisya kong nasulyapan ang munting ukit ng ilang salitang may dalawang pangalan sa nangigitatang mesa.
Aldo love Eloisa
~~~~~~~~~~~~

Hmmmm...
[/i]

~~~~~~~

"Mama..." hindi ko na namalayan na nasa likod ko na si Andi. Matama nitong pinagmamasdan ang pagbuhos ng maputlang itim na likido patungo sa butas ng labado.




*****


Inspired by the song  Di Ako Iiyak by Flippers
I originally wrote this story on Wattpad, pero walang pumapansin, huhuhu
Sorry about the quality, mga one hour or two ko lang yata ito ginawa after hearing yung song sa radio ng kapitbahay then search on Google for lyrics...
Write something, even if it's just a suicide note.

 GORE VIDAL, RIP to my fave author