Topic: dalagang maka DIYOS sinisinta (LarNet) (Read 509 times)

03-02-18 06:21 AM
larnet
Jr. Member II
  • Posts: 229
  • Thanked: 18
  • Reputation: 0
Babae Maka DIYOS

Dalagang sinisinta, aking pag ibig ay nahayag na sa iyong kautusan, aking pag sunod lamang, sambitin mo lamang mga salitang na sa iyong puso't isipan at ako'y hindi mag aalinlangan, basta aking salita iyong pang hahawakan, para sa dalagang anak ng Diyos nating makapangyarihan

Sa umaga'y nag papasalamat sa kaitaastaasan, na ako'y malakas na handang lumaban, para sa panibagong buhay at kinabukasan na inaasahan, aaminin sayo dalagang sinta'y laman ng aking isipan tuna'y at tapat aking nararamdaman

At muli sa bawat Oras na lumilipas hindi magawang ika'y kalimutan, bawat sandali ng buhay laan lamang para sa isang gintong perlas ng silangan, ang syang halaga ng babaeng nagugustuhan

At muli sa pag himlay sa dapit hapon at matapos ang umaga na may ngiti sa labi, dahil natapos ang panahon ika'y nasa isipan lamang hindi mabubuhay ng walang hangin,  gayundin na ang iyong pag lisan lungkot sa mga mata'y mag dudulot ng kasawian

At mag papasalamat araw't gabi sa DIYOS na makapangyarihan,  dahil ang dalagang dinarasal at sinisinta'y may sagot ng Oo galing sa matamis na labi  ay akin nang makakamtan,


LORD
« Last Edit: 03-02-18 06:24 AM by larnet »