
walang nakakatakot kun mangakaalam nga ng mga sa aral na mabuti ayon sa banal na aklat at
Hindi rin kahinaan ng panginoong dios na mabuti at Hindi makapagsisinungaling ang hayaan tayo na mga tao sa mga ating mga ayaw at gusto
at sapagkat Hindi hinangad ng lumikha sa mga lahat ng bagay na mabuti na ang nilalang nila sa kanilang larawan , ayon sa kanilang wangis
ay maging isang robot na sunod sunoran lamang lang sa kanyang mga utos kasi ang kalooban ng nya sa mga tao ay
gumawa ng ayon din sa kanilang mga kalooban na dapat sana nga ay may paggawa ng mabuti at magpatuloy na gumawa ng mabuti talaga
kya nga nananaig ang mga kagustuhan ng mga may dugo at laman buto at balat kapag nasa mundo pa nga silang mga nilalang
na kun tawagiy tao lalo nga sa mga nahihila ng mga masasamang pita maging sa kanilang mga kapwa
ay sinasadya nila na may mga gagawin silang mga karumaldumal na
huwag nilang gawin kasi Hindi iniutos sa kanila
dahil kahit kailan ang panginoon ay Hindi nagisip na gagawin nila ang mga dinidikta ng mga kasamaan sa kanilang
mga utak
Jeremias 32: 34. Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.
35. At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch;
na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda.
... . gusto nga din nain yung sinasabi mo ayon sa obserbasyon namin na dapat sana ay nilipol na ng dios ang mga lahat ng mga kasamaan kasi
ayaw din namin ng mga kapanaglihian sa laman
maski sabihin nila ng sabihin na sa mundo lang lamang raw ang pagkakataon na
makipagtalik sa kun sino sino kasi wala ng ganyan sa langit kya kailangang samantalahin daw
nasusulat sa talatang eto ang pinagmulan ng kanilang teorya
Lucas 20: 34. At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
35. Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
36. Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
-IBANG PAGKAUNAWA KASI NILA SA SULAT NA ETO
SAMANTALANG SA SULAT NGA NANGASIKUKUMPARA KUN MABUTI NGA TALAGA ANG MAY KAUNAWAAN SA MGA NANGAKAUNAWA AYON SA MGA BAGAY NA NANGASUSULAT
:
Lucas 17: 26. At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. 27. Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
28. Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.
29. Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: 30. Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.
Mateo 24: 35. Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
36. Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
37. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39. At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
bastat wag mo ngang kalimutan ang lahat ay may katapusan sa mundo ng mga kasamaan
dahil alam ng mga nangalilingkod sa mabuti ang kahinaan ng mga tao na sinasamantala ng mga masasamang nilalang
datapuwat Hindi nangapapabaya ang mga nangasa panig ng mabuti sa mga taong lingkod nya . ...

Exodo 13: 21. At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.
22. Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.
realtalk sir?
bakit di nya kayang puksain si satanas? at ipinatapon nya lang ito sa lupa?
bakit kelangan pang labanan ito ni san miguel kung kaya naman ni God na burahin si satanas.
di ba ayaw nya ng masama, kaya nga may pina baha nya sa panahon ni noah.
di ba ayaw nya ng masama, kaya nya sinira ang sodoma at gomora.
di ba ayaw nya ng masama, kaya pinapako nya si jesus para mapatawad kasalanan.
dapat. nung time na nadaya si eva ng ahas.
dapat binura nya yung isipan ni eva at ibinalik sa pagiging inosente o nire-create nya ulit si eva. at pati na din si adan.
sa panahon na lumipas till now.
dapat may binura na ni GOD yung mga masama sa mundo.
tsaka nung iniimbento pa lang mga gamit pangdigma ng mga malalakas na bansa at dapat ginawa nyang sirain o hadlangan.
lets accept the fact. na may weaknesses si God.
at kahit takotin nyu pa ako ng mga sitas sa bibliya.
thats the truth.
God has weaknesses.