Topic: spoken (Read 808 times)

09-02-17 12:08 PM
LORD_THOR
Sr. Member
  • Posts: 6096
  • Thanked: 863
  • Reputation: 16
Maghahating gabi
Ikaw pa rin ang nasa isip
Laging tinatanong sa sarili
Kung bakit di mo ako kayang mahalin?


Napagod na sa aking paghihitay
Sa mga pangakong  di mo naibigay
Hanggang kelan aasa?
Hanggang kelan maghihintay?

Andito nanaman sa isang sulok sa kwarto
Nagbabalik tanaw sa kahapon
Nung mga panahong sinabii mo
Na tayo'y di magbabago


Naalala ko  noon
Mag mamadaling araw na nun
Yung Nagkwekwento tungkol sa iyong kahapon
Pero ang sabi ko
Ang kahapon ay kahapon
Ang mahalaga ay ngayon
Ikaw at ako sa habang panahon


Lumipas ang mga araw
Nag daan ang mga panahon
Unti unti ikaw ay nagbago
Nalanta na ang pagtingin mo

Di ko maintindihan
Hindi ko mawari
Saan ako nagkamali?
Sana ay sinabi

Ngayon ay nagtatanong
Nalimot mo na ba ang ating pangako?
Na ikaw at ako hanggang sa dulo
Ngayon ay nasan na ang sinabi mo?
















Devices:
Samsung GT-I9300
 ROM-Archidroid 2.5.2
 Kernel-Boeffla kernel 2.4 cm11

iTouch 5 7.1.1
 Status-jailed