Topic: Sasakyan(poem) (Read 1659 times)

04-19-17 09:49 PM
Ice-Crystal
Semi-Newbie
  • Posts: 9
  • Thanked: 3
  • Reputation: 1
Pinagmamasdan ang mga nagdaraan,
mga tao at mga umaandar na sasakyan,
napapaisip ng malalim sa kinauupuan,
iniisip ang ating naging hantungan.

Natutuwa ako kapag nakikita kong mabilis ang pagtakbo ng iba't ibang tao,
napapangiti ako kapag naiisip ko ring maaaring madapa ang mga ito,
dahil ganitong ganito ang naging karanasan ko,
noong minadali ko ang pagtatapat sayo,pero..
nabigo ako.

Hindi pala kailangang palagi nalang mabilis,
dahil ang dulo nito'y 'di magiging kanais nais.
Ayos lang na bagalan ang bawat bagay,
para umayon ito sa iyong pakay.

Pero ginawa ko naman ang lahat eh,
naging isang kalawanging bisikleta ako para sayo,
naging isang gulong na sasakyang napipis na,
ginawa ko lahat para maging mabagal.
Pero kulang naman pala.

Wala ring nangyari.
Walang nangyari sa ilang buwan kong paghihintay sa pagkakataon.
Sa bawat araw na hindi na mabilang sa ngayon.
Sa mga ngiti mong kaytagal kong hinintay na sakin ay umayon,
sa damdamin kong nasasaktan hanggang ngayon.

Akala ko talaga magiging isang sasakyang sira nalang ako na nakakabit sa isang matibay na gaya mo,
pero tinanggal mo ang kadenang nagdudugtong dito,
pinutol mo ang pag asa ko,
kasabay nito ang hinaing mong 'tama na,bitaw ka na,ayoko naman talaga sayo'

Sa isang iglap ay nawalan ako ng balanse,
sa kalsada'y naiwan ako sa isang tabi,
ninanamnam ang sakit na naramdaman ko ngayong gabi,
iniisip parin ang tila patalim mong sinabi.

Pero hindi,tumayo ako.
Hindi ako susuko ng ganito,
hinabol kita pero huli na,
ikaw na isang matikas na sasakyan ay nasa iba na.
[You are not allowed to view links. Register or Login]

04-23-17 12:19 AM
camille_joy
Sr. Member
  • Posts: 6132
  • Thanked: 82
  • Reputation: 1
Sh!t happens! :lol: :lmao:

04-28-17 11:44 AM
ELSILRAC
Full Member
  • Posts: 660
  • Thanked: 64
  • Reputation: 0
ang lupet nakarelate ako.. :clap:

06-16-17 05:12 AM
megatoollica
Full Member
  • Posts: 2252
  • Thanked: 194
  • Reputation: 0
sasakyan kita sa lahat ng gusto mo
"I rule the forces that fueled your hate." :naughty:

07-02-17 05:07 PM
SFIer
Semi-Newbie
  • Posts: 16
  • Thanked: 1
  • Reputation: 1
Nice one!
Pang fliptop!
[You are not allowed to view links. Register or Login]

07-03-17 07:48 AM
SexSexSex
Full Member
  • Posts: 1703
  • Thanked: 151
  • Reputation: 10
Gawin ng kanta yan :thumbsup:
sex ?

07-05-17 08:21 PM
reddington
Newbie
  • Posts: 2
  • Thanked: 1
  • Reputation: 0
mahusay ang pagkakagawa