Topic: Ang Kagandahang Kanilang Tinitingnan (A Poem) (Read 1294 times)

04-19-17 12:50 PM
Ice-Crystal
Semi-Newbie
  • Posts: 9
  • Thanked: 3
  • Reputation: 1
Ang kagandahan daw ay nasa panloob na kaanyuan,
ito raw ang magiging dahilan para ika'y magustuhan,
ang pisikal na anyo raw ay hindi basehan,
pero wala akong nakikitang totoo sa opinyong iyan.

Hindi ba't kapag maganda ka'y wala ng pakialam ang iba sa ugali mo?
Hindi ba't kapag hindi ka kagandahan ay iyon na agad ang unang kapintasan mo?
Hindi ba't ang kadalasang nililigawan ay iyong maipagmamalaki sa lahat dahil sa mukha nito?
At hindi ba't  kapag simple lamang ang hitsura mo ay hindi ka agad kwalipikado?

Mabait ka,iyan ang pang laban mo.
Pero nakikita ba nila ito?
Hindi. Dahil hindi ka maganda.
Hindi ka narararapat sa kanilang mga mata.

Hindi totoong ugali ang batayan.
Hindi nila iyan tinitingnan.
At maging sa pagpili ng gustong maging kasintahan,
ang unang hinahanap ay ang kagwapuhan o kagandahan.

Ang dami kong nakikilalang magnobyo,
na kahit hindi maganda ang ugali ng isa'y tinitiis nito,
at ano ang dahilan?Alam na ninyo.
Kasi nga,maganda o gwapo.

Nababase sa pagtingin nila sa atin ang kaayuan natin,
kung maganda o gwapo ka'y 'sige. kaibigan ka namin',
pero kapag hindi'y 'lumayo ka sa amin'
mapanghusga kasi tayo,hindi man aminin.

Itanggi man ng ilan sa inyo,
alam ko namang sa sarili nati'y aminado tayo,
na ang una nating tinitingnan sa isang tao,
ay ang..hitsura nito.
« Last Edit: 04-22-17 05:52 PM by benjie_03 »
[You are not allowed to view links. Register or Login]

04-22-17 08:52 AM
amatsumagatsuchi
Full Member
  • Posts: 3314
  • Thanked: 72
  • Reputation: 1
[You are not allowed to view links. Register or Login]