Kaya nga malinaw na hindi yan kautusan ng Dios may unawa ka ba?
susundin ko ba yung alan ko hindi Dios ang nag-utos.
Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon
Ang biblia naglalaman yan ng salita ng Dios, nang demonyo, nang tao na kinakasihan ng espiritu santo at nang taong ayon sa kanyang sariling katha.
At tungkol sa tanong mong sa pinagsama ng Dios.
Utos yan sa lahat ng naniniwala sa Dios.
kaya nga ang linaw ng sinabing pinagsama ng Dios.
hindi sa mga " kayo sa inyong Amang Diablo"
yung sa mga anak ng Diablo ang diablo na ang may kapangyarihan sa mga iyon.
JUAN 8:44
44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
lahat naman ay may kanya-kanyang dios at naniniwala sa dios na panilang sinasamba.
ang tinatanong ko, kanino ipinatutungkol ng dios ama ng ating panginoong jesus na sinomang pinagsama ng dios ay huwag paghiwalayin ng tao.
malinaw na pinatutungkol yan sa sumasampalataya sa ama at sa panginoong jesus.
at yung sinasabi ni apostol pablo na siya ang nag uutos hindi ang panginoon...
kasi nga hindi yan iniutos ng panginoon sa israel. kasi sila ang may utos sa katutubo.
ang utos sa israel hindi pwedeng magsama ang israel na may dios sa gentil na walang dios.
sa madaling salita, hindi pinagsasama ng dios ang sumasampalataya sa hindi sumasampalataya.
at kung babasahin mo ang ezra 10, inuutusan ang mga israelita na hiwalayan ang mga asawa nilang hindi sumasampalataya!sa israel kasi yan.ang utos sa israel ang naging referensiya ni apostol pablo sa pagkakasabi niya na siya ang may utos, hindi ang panginoon.
bakit niya nasabi yon? balikan natin ang talata...
1Co 7:12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan.
1Co 7:13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.
1Co 7:14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.
yung nasa ezra 10, iniuutos ng panginoon na hiwalayan ang mga asawang hindi sumasampalataya.
kay apostol pablo, huwag hiwalayan kung nais makisama pa ng hindi sumasampalataya.kasi kaya ipinahihiwalay ng dios ang israelita na nagasawa ng hindi sumasampalataya, baka mahikayat sila na sumamba sa mga diosdiosan.
kay apostol pablo naman, huwag niyang hiwalayan ang hindi sumasampalataya kung nais makisama pa.
dahil kung si lalake o babae ay dating mananamba sa diosdiosan at nakakilala sa tunay na dios, baka rin mahikayat ng sumampalataya ang asawa na maliwanagan rin gaya ng asawa na naliwanagan.
pero kung nais ng hindi sumasampalata na humiwalayan ay pabayaan ng humiwalay. kasi nga hindi nga sila piangsama ng dios.
hindi pwedeng magsama ang sumasampalataya sa hindi sumasamplataya.
ngayon, dahil iba ang sitwasyon ng israel sa pag aasawa at sa mga gentil na may asawa.
nagpapayo si apostol pablo na hanggat maaari ay maisalba ang pagsasama ng mag asawa.
kaya yung payo ni pablo o utos ni pablo...
utos rin ng panginoon yon dahil magkaiba nga ang mga sitwasyon.
1Co 14:37 Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko,
na pawang utos ng Panginoon. cycle makinig ka na lang sa facebook live ni bro. willy santiago .
[video]http://www.youtube.com/watch?v=Nqxg_UTVEGg[/video]
oo nga pala may nagpadala sa akin ng picture na pinang uuto na naman sa mga ADD members.

isa daw himala ang rebelasyon na nasa larawan.
may sinag daw na mula sa langit na suminag sa ulunan ni soriano.
isa daw itong himala na nagpapatunay na sugo ng dios daw si soriano.
eh ang babaw naman na paniwalaan na himala yan.
yan ay reflection ng mirror o salamin na natapat sa araw at gumawa ng sinag.
dahil alam ko yan naglalaro ako niyan nung bata na itatapat ang salamin sa araw.