si cycle talaga walang unawa sa biblia.
kahit anong palaki mo sa mga talata kung walang unawa... walang pakinabang.
para rin yang binulag ng dios, kahit anong lakas ng ilaw, dilim pa rin ang nakikita ng mga bulag.
para rin yan bingi kahit malakas ang audio na nakakabasag salamin wala pa ring marinig.
eh ang tanong ko nga hindi mo masagot na hindi ba ang sumulat ng pinagbabatayan mo sa genesis na ...
Gen_2:24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.
na ini-quote naman ni jesus ...
Mat 19:4 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
Mat 19:5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Mukhang sadyang iniwasan mo yung kasunod na talata niyang Mateo tinutukoy mo a. Bakit kaya?

"Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: [size=8]datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.[/size]"
(Matthew 19:8 )
Malinaw na pinayag lang ni moises iyon at hindi kautusan ng Dios. Kaya nga ang sabi..
[size=8]datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.[/size]
E, hindi naman pala dapat ganun.
Bakit kaya? Ituloy natin sa sumunod mong tanong.
eh nag asawa pa ng isa si moises... nilabag ba ni moises ang kanyang sa genesis 2:24?
" [size=8]Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: [/size]Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan."
(1 Corinthians 7:12)
Iba ang panahong kinalalagyan ni moises.
Sa panahong yaon may hain at handog pa.
Ang kaharian sumasakop pa ng kaharian, pumapatay ng kaaway, kumukuha ng alipin na pinapayagan pa ng Dios.
Kaya nga may bagong tipan e.
At ito na ang tama.
"Dapat nga na ang obispo ay
walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo;"
(1 Timothy 3:2)
Wala daw dapat kapintasan.
"Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail."
(Titus 1:6)
Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
(Jude 1:24)
Ngayon ano ang tama at walang kapintasan?
Asawa ng isa lang o asawa ng higit sa isa?
o yung asawa na babae bagaman na dalawa ay nakipag isa kay moises?
eh bakit hindi nagkasala ng pangangalunya si moises, eh ang parusa don ay kamatayan?
bias ba yan kay moises at hindi siya kasama pati si haring solomon, haring david etc...
bias ba ang dios?
HINDI MO KASI ALAM ANG KAUTUSAN SA ISRAEL AT SA MGA JUDIO.
at hindi si willy santiago ang humiwalay sa asawa kundi ang babae ang humiwalay kay willy!!
si willy ayaw niyang hiwallayan ang babae. ang may gusto ay ang babae.
ano ang sabi ng biblia?
1Co 7:15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.
kaya kung mag asawa muli si willy sa isang sumasampalataya ... ano ang kasalanan niya sa dios?
kasi ayaw mong sagutin kung bakit si moises ay may asawa at nag asawa pa siyang muli... nagkasala ba si moises?
eh sa pagkakataon na yan dalawa ang umiiral na asawa ni moises.
eh si willy sa pagkakataon ngayon, iisa ang umiiral na asawa
dahil ang una ay wala na dahil itinakwil na siya.
Akuliti naman o!
Yang talatang yan e hindi kautusan ng Dios.

" [size=8]Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: [/size]Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan."
(1 Corinthians 7:12)
Kasi ang tama e ito...
"Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay
ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: [size=8]datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.[/size]"
(Matthew 19:8 )
Hindi dapat ganun.
Sa bagong tipan na tayo!
Hebreo 8
13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
Hebreo 10
9 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.