saan mababasa na mali ang ginawa ni haring solomon ng mag asawa siya ng marami?
naparatangan ba siyang nakikiapid o nangangalunya?
wala kasi akong nabasa na nagkasala ng pangangalunya si haring solomon.
ang naging kasalanan ni haring solomon, sumamba siya sa mga diosdiosan ng kanyang mga asawa.
si haring david ay maraming asawa, pero sa isang babae lamang siya naparatangan na nangalunya ng makipagtalik siya sa asawa ni urias.
si moises, higit sa isa ang asawa... nagkasala ba ng pangangalunya?
ang parusa sa pangangalunya sa panahon ni moises ay kamatayan.
sa israel ang mga hari ay maraming asawa.
hindi sila nagkakasala kapag ang naging asawa nila ay dalaga o biyuda.
kaya nga para makuha ni haring david si batseba ay ipinapatay niya ang asawa ng babae sa digmaan.
si herodes nangalunya rin dahil yung ginawang asawa ni herodes ay asawa ng kanyang kapatid.
kaya ipinabilanggo si juan bautista at pinugutan ng ulo.
at sa panahon ni apostol pablo ang sabi niya ang nais na maging obispo ay dapat asawa lamang ng isang babae.
logic lang kaya sinabi ni pablo yan may mga miyembro na higit sa isa ang asawa.
kasi ang lalake, pwedeng mag asawa ng higit sa isa. pero ang babae ay hindi.
dapat ay dalaga at biyuda.
kasi noon walang nagbabawal sa lalake na mag asawa ng higit sa isa.
pero bawal ang pangangalunya.
ngayon tinitira ng mga ADD fanatics si willy santiago sa pag aasawang muli.
eh nakita naman natin sa youtube kung papaano siya laitin at itakwil ng kanyang asawa.
ikinahihiya daw niya siya ang naging asawa niya. sa bibig na mismo nanggagaling ang pagsumpa ng babae sa lalake.
sa tutuo lang masama yan sa mata ng dios. pwedeng pawalan ng bisa ng dios ang kasal ng lalake at babae.
hindi ba ng itakwil ni esau ang kanyang pagkapanganay ay inalis ng dios sa kanya ang karapatan na yon at ibigay kay jacob?
at ang hindi alam ng mga add fanatics, maraming itinali (tawag ni soriano sa kasal) ay mga hiwalay sa asawa na nag asawang muli.
kung naririnig ninyo noon sa tv, sabi ni soriano, na di bale ng mawalan ng asawa huwag lamang ng dios. maraming kapalit. kasi ang sinasabi ni soriano ang kasal daw na binayaran o kasal ng katoliko ay peke.
kaya sa apalit taon taon meron ginaganap na mass weddings. itinatali niya pero hindi yon rehistrado o may kontrata na ipapasok sa gobyerno para legal ang kasal. pero hindi pwede dahil ang mga iba roon ay may dating asawa o kasal sa una. kaya nga sa ADD maraming nagli live in na itinali ni soriano pero hindi rehistrado sa gobyerno.
kaya nga doon sa maguidanao massacre na yung isang add media ay napatay, na interview yung babae na isa roon na napatay ay live in partner niya kasi nga hindi kasal. ang nag umpisa niyan ay si daniel razon. si daniel razon ay nangako yan sa dios at sa kapatiran na hindi mag aasawa. kaya ang ginagawa na lamang ay live-in pero dahil marami ng nakakaalam at nakakakita ay ikinasal na lang ni soriano pagkatapos ng 7 taon na nagsasama na hindi kasal. ganoon rin si josel mallari may ka live-in. hindi na nalihim dahil nabuntis ang babae. matagal na rin na nagsasama. at dahil diyan lumuwag na ang pagaasawa sa ADD. dahil pinagbabawalan ni soriano ang mga manggagawa na mag asawa. at dahil kay daniel at josel lumuwag ang asawahan at kaya si willy santiago ay nag asawa na rin.
kaya mga add bago ninyo tirahin si willy santiago, alamin rin ninyo ang mga ikinasal ni soriano na mga kasal sa una.
si willy itinakwil ng asawa. at dahil diyan NAWALAN NA SIYA NG ASAWA.
ano ang sama kung mag asawa siyang muli dahil nawalan na siya ng asawa?
at nasusulat sa biblia, nais ni pablo na ang mga lalake magkaroon ng kanya-kanyang asawa.
pero sabi niya mas makakapaglingkod siya kung hindi siya mag aasawa. pero dahil baka magkasala ng pangangalunya ay mag asawa.
si soriano, nagtatali (kasal) na hiwalay rin sa unang asawa.
Ang hari maraming asawa pero ilan ang reyna?
Ang pagbabasa ng biblia ibinabatay sa panahon ng pagkakasabi nito.
Noon pinapayagan pa ang pagpatay ng hari sa isang kaharian.
Noon may alipin pang tinatawag.
Eto na utos.
1 Corinthians 7 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
1 At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae.
2 Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa. 3 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.
4 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.
5 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. 6 Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos. 7 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.
8 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko.
9 Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.
10
Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.11 [size=8](Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.
[/size]
12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. 13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. 14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. 15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.
16 Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?
17 Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia.
1 Timothy 3 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
1 Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.
2 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; 3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; 4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan;
5 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)
6 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo.
7 Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo.
Baksak si willy sa talata diba?
Ang pagbabasa ng kasulatan (biblia) sa aking pagkaunawa dapat ay bumabatay sa panahon ng pagkakasabi.
May ibibigalang ako usapan na magiging halimbawa ng aking batayan.
May dalawang tao akong nakausap noon.
Ang sabi ng una e, "sa aming bayan paggusto mo ng sariwang bunga ng buko aakyat ka ng napakataas na puno bago mo ito matikman."
Ang sabi naman ng ikalawa ay "sa aming bayan paggusto mo nga sariwang bunga ng buko e, iuunat mo lang ang iyong mga braso at presto may sariwang bunga ka na nga buko."
Ang siste e, magkapit-bahay lang yung dalawang nakausap ko at iisang puno ng buko lang yung tinuturan nila.
Ba't nagkaganoon? Kasi yung isa isinaysay nya sa akin iyon bago pumutok ang pinatubo at yung isa naman ay noong matagal ng pumutok yung pinatubo.
Ganyan di po dapat ang pagbabasa ng kasulatan.
Kailangan nakabatay sa panahon ng pagkakasabi.
Halimbawa sa utos na huwag kang kakain ng bunga ng puno ng pagkakaalam ng mabuti at masama.
Malinaw na kautusan po ito ng Dios pero utos po ba ito sa lahat?
Tulad din po ng utos ng Dios na magpakarami at kalatan ang buong lupa.
Utos pa po ba sa ating panahon ang utos na iyon gayong napakarami na ng tao?
Tulad din sa nasusulat sa sinabi ng Dios na "walang ibang Dios liban sa akin".
Kailan po sinabi ito at kanino sinabi?
Sinabi ito ng Dios noong panahong wala pang alam ang tao tungkol sa kanyang Bugtong na Anak.
Noong mahilig pang gumawa ang tao ng mga inanyuhang sasambahin.
Kasi Dios din ang nagsabi ng bagay na iyo...
Hebreo 1:6,8
6 At muli nang dinadala
niya ang panganay sa
sangkalupaan ay sinasabi,
At sambahin siya ng lahat
ng mga anghel ng Dios.
8 Nguni't tungkol sa Anak
ay sinasabi, Ang iyong
luklukan, Oh Dios, ay
magpakailan man; At ang
setro ng katuwiran ay
siyang setro ng iyong kaharian.
At may nasusulat din pong ganito.
1 John 5:20
At nalalaman natin na
naparito ang Anak ng
Dios, at tayo'y binigyan
ng pagkaunawa, upang
ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa
kaniya na totoo, sa
makatuwid ay sa
kaniyang Anak na si
Jesucristo. Ito ang tunay
na Dios, at ang buhay na walang
hanggan.
Colosas 2:8-9
8 Kayo'y magsipagingat,
baka sa inyo'y may
bumihag sa pamamagitan
ng kaniyang pilosopia at
walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't
saling sabi ng mga tao,
ayon sa mga pasimulang
aral ng sanglibutan, at di
ayon kay Cristo:
9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong
kapuspusan ng pagka
Dios
sa kahayagan ayon sa
laman,
At ng mabuksan po ang mata ng isa sa mga alagad ay ito ang tinuran mismo sa kanya.
Juan 20:28-29
28 Sumagot si Tomas, at sa
kaniya'y sinabi, Panginoon
ko at Dios ko.
29 Sinabi sa kaniya ni
Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay
sumampalataya ka:
mapapalad yaong hindi
nangakakita, at gayon
ma'y nagsisampalataya.
At tulad sa mga nasusulat.
Isaiah 9:6
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang
isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha,
Tagapayo,
Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Wala pong kontra-kontra sa biblia unawain lang po at ibatay sa panahon ang pagbabasa dito.
Ang kalibungan kasi nasa puso ng bago nyong puno.
kaya pati pag-aasawa ng marami ginawa ng aral para mabigyan ng katwiran ang kalibugangjn