malamang sa title palang ng thread na ito alam niyo na ano ang tinutukoy ko. ano sa tingin niyo ang pinagkaiba ng mga datihan ng user kumpara sa mga bagong user ngayon pero hindi ko nilalahat, datapwat mangilan ngilan lang naman sa kanila. ang mga datihang users MARUNONG MAGBASA NG RULES MAY RESPETO AT PAGGALANG SA BAWAT KAPWA KA PD. MATAAS ANG TINGIN LALO NA SA MGA MAY POSITION DITO. while those new users mahahalata mong hindi na marunong magbasa ng rules at regulation dito sa loob ng bahay ni Sir AED, kahit saan ka magpuntang board o section dito sa PD nagkalat na ang mga baguhan na di gumagamit ng tamang pagbuo ng salita. JEJEMON na sila makipag usap alam ng datihang user na bawal ang ganyan dito. Then napapansin ko nagkukulang na ata atensyon sa UBT/FBT section, bakit? ang dami na nagkalat doon na spam post o di naman kaya puro WRONG BOARD. Walang lugar ang mga taong ganun dito sa Pinoyden. 2009 pa ako dito kumbaga pioneer na kami. Sana matugunan ng pansin masyado ng magulo section board na yun. Lot of dummy accounts created to annoy other user which is very disturbing and non educated atittude. Ganito na ba kagulo ang Pinoyden ngayon? Nasaan na ang dating maayos at malinis bawat board. Mula symbian palang o java noon ang ayos. Nagiging jejemon na din ibang board halatang hindi sila nagbabasa ng Rules and Regulation. Respeto naman sana para kay sir AED. cheer up PINOYDEN. matagal ko na gusto mag react pero tumatahimik ako dahil ang inaasahan ko nandiyan ang mga moderators.. but nowadays mas priority na nila ang pamilya at hanap buhay ng bawat isa which is tama naman. We need to promote new ACTIVE MODERATORS.
#RESPECT