Topic: [SHARE]Minsan may isang P*t@ (Read 1479 times)

09-11-15 06:04 PM
cengian
Hero Member
  • Posts: 10286
  • Thanked: 534
  • Reputation: 24
MINSAN MAN AY ISANG P*T@
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw
ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako
daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming
lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil
dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna
tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto
at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako
ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari
sa akin. Bukas palad ko naman silang
pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba.
Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya
siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa
katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari,
hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang
hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na
nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming
dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya,
nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko
mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi
ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya
mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang
mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may
chocolates, yosi at ano ka! May datung pa!
Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang
ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa
kanya namin natutunan mag-inggles, di lang
magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin.
Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko
napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-
tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya
akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak
niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag.
Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko.
Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako
natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na
parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin…
Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko
ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga
ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o
nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay
sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya,
kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog
kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa
namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang
tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim
sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat
ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo
kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na
kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating
hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang
halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari
sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko.
Kailangan makita ng mga anak ko, na
masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin
na maging maganda ang buhay namin. Nag-
aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga
anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung
iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw
umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi.
Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na
tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami
ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at
kayaman na itinatabi ko para sa punyetang
kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang
panahon na halos di na kami makaahon sa hirap
ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa
ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa
pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang
ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga
anak kong naiwan sa aking puder? At paano na
lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na
nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na
importante kung laspagin man ang ganda ko,
madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal
ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa
kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko
maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa
akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita
ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga
anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko
eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta.
Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o
mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw
pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na
ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos
lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang
gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas
kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama
ba akong nanay para magturingan ng ganito ang
mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang
mga anak kong maituturing mong may mga pinag-
aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa
paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip
kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng
ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang
inaasahan kong magbabangon sa amin.
Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan
ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa
hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa
tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na
ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula
sa pinagputahan ko. Buong angas nilang
pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at
ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga
makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula
ang materyal na kayamanan at mga titulong
ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na
nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala
naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa,
magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong
darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang
susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa
nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa
kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang
sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na
gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa
akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong
isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang
kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na
ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan
mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita.
Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako
nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
_____________________
[You are not allowed to view links. Register or Login]
Sa panulat ni Ms. Mike Portes ng Minsan may
Isang Puta facebook page.

10-11-15 03:44 PM
MiawN70
Jr. Member
  • Posts: 73
  • Thanked: 3
  • Reputation: 0
« Last Edit: 10-24-15 06:48 AM by MiawN70 »

05-09-18 09:03 PM
ukok102nak
Full Member
  • Posts: 1340
  • Thanked: 3
  • Reputation: 0
:smoke: lahat ay may katapusan sa mga gumawa ng mga kasamaan sa kanilang mga kapwa nilalang

At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:
Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios.