Topic: PiNOYDEN HORROR THREAD™ (Read 16789 times)

03-06-16 08:14 PM
crinz_05
Full Member
  • Posts: 2113
  • Thanked: 318
  • Reputation: 1
wala na updates? :(

Share ko na lang po yung sakin.. Kinuwento lang sa amin ito nila papa

Nueva Ecija:

Gabi daw nun di ko alam kung anong oras.
Buntis nuon yung nanay ko. Nung time na yun kakagaling daw ni papa sa inuman. Nasa sinapupunan pa ako ng nanay ko nun. bigla daw nakaramdam si mama na sobrang init. kaya pinapay payan daw ni papa siya hanggang sa naging malamok na daw. unusual daw yung lamok kase sobrang laki.. nagkabit daw ng kulambo si papa tapos pinahiga nya dun si mama para hindi lamukin..

After nun parang may tuko ("TIK") na sound daw na narinig sila papa. sumakit daw bigla yung tyan ni mama hanggang sa tuloy tuloy pa din yung tunog ginawa daw ni papa nanguha sya ng itak tapos binigay nya kay mama kinuha ni papa yung itak ni lolo tapos nanguha ng  bawang at asin tapos pinagsasaboy sa bubungan namin. galit daw nun si papa pinagmumura nya daw kahet wala pang tao nun tapos biglang may lumundag daw palayo sa bubungan namin.. nawala na daw yung lamok saka yung init sa paligid.. yun lang po..

sana ts buhayin mo itong thread mo masyadong interesting hehe :naughty:
« Last Edit: 03-06-16 08:15 PM by crinz_05 »
完全な対称性!

06-12-16 08:08 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
inantabayanan pala itong thread. sorry naman, naging busy eh ;D

Bangungot
this is a true story


¡°Makulimlim sa labas, ah¡±, mahina kong sabi. Madilim sa loob ng aming bahay dahil pinatay ko ang ilaw. Sayang kasi ang kuryente. Ako lang ang tao sa bahay, hindi ko alam kung saan silang lahat pumunta.

Muli akong nahiga sa aming lumang sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng black and white silent movie. Hindi ko alam ang pamagat ng pelikula. Hindi ko rin alam kung comedy ba ito, action, horror, o drama. Basta¡¯t nagrerelax lamang ako dahil maya-maya ay papasok na ako sa trabaho.

Kinuha ko ang isang balot ng sitsirya na nakalagay sa lamesita sa harapan ko.

¡°Luma na ata ito,¡± sabi ko dahil malambot na ang sitsirya at wala ng lasa ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

¡°Dong! Dong! Dong! Dong!

Sunud-sunod ang batingting ng maliit naming orasan na nakasabit sa pader, hudyat na alas-singko na ng hapon. Oras na upang maghanda at pumasok sa trabaho. Oras na upang makinig at makipag-usap sa mga kanong laging galit at gustong makipagtalo.

Dahan-dahan akong tumayo at napabuntong-hininga. Nakaligo na ako kanina at nakahanda na rin ang isusuot kong damit. Hinubad ko ang suot kong sando at pagkatapos ay kinuha ang kulay gray na polong nakahanger sa tabi ng cabinet sa aking kanan. Dahil tinatamad, parang ang bigat ng polo ng ito ay isusuot ko na.

Pagkatapos ay isinuot ko ang aking itim na pantalon at ang aking lumang sinturon. Matapos itong higpitan ay sinimulan ko nang magsuot ng medyas. Muli ay sinilip ko ang kalangitan mula sa aming bintana.

¡°Makulimlim sa labas, ah¡±, mahina kong sabi. Madilim sa loob ng aming bahay dahil pinatay ko ang ilaw. Sayang kasi ang kuryente. Ako lang ang tao sa bahay, hindi ko alam kung saan silang lahat pumunta.

Muli akong nahiga sa aming lumang sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng black and white silent movie. Hindi ko alam ang pamagat ng pelikula. Hindi ko rin alam kung comedy ba ito, action, horror, o drama. Basta¡¯t nagrerelax lamang ako dahil maya-maya ay papasok na ako sa trabaho.

Kinuha ko ang isang balot ng sitsirya na nakalagay sa lamesita sa harapan ko.

¡°Luma na ata ito,¡± sabi ko dahil malambot na ang sitsirya at wala ng lasa ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

¡°Dong! Dong! Dong! Dong! Dong!¡±

Sunud-sunod ang batingting ng maliit naming orasan na nakasabit sa pader, hudyat na alas-singko na ng hapon. Oras na upang maghanda at pumasok sa trabaho. Oras na upang makinig at makipag-usap sa mga kanong laging galit at gustong makipagtalo.

Dahan-dahan akong tumayo at napabuntong-hininga. Nakaligo na ako kanina at nakahanda na rin ang isusuot kong damit. Hinubad ko ang suot kong sando at pagkatapos ay kinuha ang kulay gray na polong nakahanger sa tabi ng cabinet sa aking kanan. Dahil tinatamad, parang ang bigat ng polo ng ito ay isusuot ko na.

Pagkatapos ay isinuot ko ang aking itim na pantalon at ang aking lumang sinturon. Matapos itong higpitan ay sinimulan ko nang magsuot ng medyas. Muli ay sinilip ko ang kalangitan mula sa-

¡°T-Teka lang,¡± bigla akong natigilan.

¡°Parang ginawa ko na ito, ah. Hindi ba¡¯t nagbihis na ako at nagsuot na ng medyas?¡±

Muli ay tiningnan ko ang black and white na palabas sa TV. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pinanonood ko. Basta¡¯t may mga taong naglalakad, titigil, pagkatapos ay lalakad ulit.

Ibinaling ko ang aking tingin sa sitsiryang nasa lamesita. Wala itong tatak. Basta¡¯t isa lamang itong plastic na kulay abo.

Dong! Dong! Dong! Dong! Dong!

Nagulantang ako sa tunog ng orasan, na sa pakiwari ko ay mas malakas pa kaysa sa kanina. Nang tingnan ko ang aking sarili, mas lalo akong nagulat na makitang nakasando at shorts akong muli. Ang aking polo ay pantalon ay maayos na nakahanger malapit sa cabinet sa aking kanan.

¡°H-Hindi! Anong nangyayari?¡±
Humarap ako sa salamin sa cabinet. Tiningnan ko ang aking sarili ngunit wala naman akong kakaibang nakita.

¡°Ano ba ito? Nananaginip ba ako?
Pagkasabi ko nito ay naisip ko ang ginagawa ng mga tao sa pelikula upang tiyakin kung nananaginip ba sila o hindi. Dali-dali ay pinagsasampal ko ang aking mga pisngi.

Bigla akong nanlamig. Hindi ako nasasaktan!

Tuluyan na akong nataranta at nilamon ng takot. ¡°Inay! Itay! Nasaan kayo? Ate?¡±
Tanging katahimikan lamang ang sumagot sa akin.

Napasabunot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Muli ay napasulyap ako sa labas, sa kalangitang unti-unting nagdidilim.

¡°Kailangang kong makaalis dito.¡± Agad kong binuksan ang pinto at dumiretso sa aming gate. Ngunit bigla akong natigilan sa aking nakita.

Sa kalangitan ay may mga kung anong bagay na nagliliparan. Mukha silang mga ibon o kaya¡¯y mga paniki. Napakarami nila, halos hindi mo mabibilang. Paikot-ikot silang lumilipad sa kalangitan, wari bang may hinihintay.

Dong! Dong! Dong! Dong! Dong!

Muli kong narinig ang tunog ng aming orasan. Hindi na ako nag-atubili pa at binuksan ko na ang aming gate at humakbang palabas.

Dito ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mga lumilipad na bagay. Kahit malayo sila ay pakiwari ko ay nakatingin silang lahat sa akin. Para bagang naramdaman nila ng ako ay lumabas sa aming gate.

Walang anu-ano¡¯y bigla silang lumipad papalapit sa akin. Mabibilis sila. Ilang segundo lang ay napakalapit na nila sa akin, na halos naaaninag ko na ang kanilang mga hitsura. Agad kong inilayo ang aking tingin mula sa mga ito at ipinikit ang aking mga mata sa takot. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag nakita ko ang tunay nilang anyo.

Muli kong idinilat ang aking mga mata at nakita ang second floor ng aming bahay. Mula sa bintana ay may kulay dilaw na liwanag. Hindi ko alam kung bakit tanging ang kuwartong iyon lamang ang may liwanag at kulay sa buong paligid. Ramdam ko rin na magiging ligtas ako kapag pumunta ako sa lugar na iyon.
Sa aking likuran ay narinig ko ang nakakakilabot na ingay ng mga nilalang na lumilipad papunta sa akin. Hindi na ako nag-isip pa. Muli akong pumasok sa aming gate at tinungo ang aming pintuan. Ngunit laking gimbal ko ng hindi ko ito mabuksan. Nakapinid itong mabuti, hindi man lamang gumagalaw kahit itulak ko.
Muli ay narinig ko ang mga lumilipad na bagay. Alam kong napakalapit na nila sa akin. Tumingala ako at sinilip ang bintana ng aming second floor.

¡°Paano ko maaabot iyon?¡±

Iginala ko ang aking tingin, naghahanap ng puwedeng maakyatan. Sa gilid ng bintana ng aming 1st floor ay mayroong airconditioner. Agad kong inakyat ang aming bintana, at pagkatapos ay tumuntong sa ibabaw ng aircon. Dito ay naabot ko ang aming bintana. Bagama¡¯t hirap ay pinilit kong hilahin ang aking sarili paitaas at sumilip.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Sa kama sa tabi ng bintana ¡ª sa kama ko ¡ª nakita ko ang aking sarili na natutulog. Nakaupo sa tabi ng aking natutulog na katawan ang aking ate. Niyuyugyog niya ako, siguradong sinusubukan niya akong gisingin. Mayroon siyang sinasabi ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Kita ko sa mukha niya ang takot at pag-aalala.

¡°Ang katawan ko. Kailangan kong makabalik sa aking katawan.¡±

Muli ay hinila ko ang aking sarili upang makapasok sa bintana. Ilang dipa lamang ang layo ng kama mula sa bintana. Iniunat ko ang aking kamay upang abutin ang aking katawan.

Bigla- bigla ay may mga malalamig na kamay na humawak sa mga paa ko at hinila ako papalabas. Buti na lamang at nakakapit ako sa aming bintana. Napakalakas ng ingay na naririnig ko, para bang mga asong ulol na sabay-sabay na umaalulong. Bagamat ayaw ko ay napalingon ako upang silipin ang mga nakakapit sa aking mga paa. Napasigaw ako sa aking nakita.

Walang salitang makakapaglarawan sa hitsura nila. Lubhang kakaiba ang anyo nila, halatang hindi sila mula sa mundong ito. Ngunit ang nakakuha ng aking atensyon ay ang kanilang mapuputi at malalaking mga mata. Parang walang buhay ang mga ito, ngunit kapag tiningnan mo ang mga ito ay para bang isa itong butas na kahuhulugan mo.

Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakakapit ko sa aming bintana. Dito ay para akong natauhan at inilayo ang aking tingin sa kanilang mga mata at itinuon ang aking pansin sa loob ng aking kuwarto. Tinitigan ko ang mukha ng aking kapatid, na pakiwari ko ay mukhang naiiyak na sa pag-aalala. Dito ay nakakuha ako ng lakas. Hinila ko ang aking sarili papasok sa bintana. Muli kong iniunat ang aking kamay.
Bagamat hindi nakakaramdam ng sakit, naramdaman ko ang pagkagat ng mga nilalang sa aking mga paa. Ramdam ko ang pagdanak ng dugo sa aking mga binti. Dinig ko ang malakas nilang sigawan ng malasahan ang aking dugo.
Napasigaw ako ng malakas. Ibinuhos ko ang lahat ng aking enerhiya at itinulak ang aking sarili papasok ng aking kuwarto. Dito ay naabot ko ang kamay ng aking natutulog na katawan.

Bigla akong nagising. Napaupo ako at napasigaw. Sa aking tabi ay umiiyak ang aking ate.

“A-Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya sa akin. “Kanina ka pa umuungol diyan. Hindi kita magising. Ayos ka lang ba?”
Hinihingal man ako ay itinango ko ang aking ulo. Dito ay niyakap ako ng aking ate ng mahigpit.

Niyakap ko rin siya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang basang-basa kong likod dahil sa pawis. Dahan-dahan kong hinawakan ang aking pisngi at kinurot ito ng madiin. Napangiwi ako sa sakit.

Buhay ako , nasabi ko sa sarili. Buhay ako.

Pero ano nga ba talaga ang nangyari? Nananaginip lamang ba ako? Iyon ba ang tinatawag nilang bangungot? O baka naman sadyang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan?
Don’t get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-15-16 11:50 AM
simpleonlywoof
Full Member
  • Posts: 1006
  • Thanked: 70
  • Reputation: 0
nice story.. naexpi. mu ba talaga to or gawa mu lang?

06-18-16 12:49 AM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
[You are not allowed to view links. Register or Login]
nice story.. naexpi. mu ba talaga to or gawa mu lang?
paki basa po maigi mga posts ;D salamat :ty:

-------------------—--——-------------------------------


Safety Belt

Lineman si Noel sa isang electrical company ng kanilang lugar. Hindi kalakihan ang sahod niya dito ngunit mabuti na rin iyon, iisa pa lang naman ang anak nilang mag-asawa. Nakakaraos naman sila kahit papaano. Sa hirap ng buhay ngayon maswerte na rin si Noel na nakapasok sa kumpanyang iyon. Minsan, nakatoka siyang magtrabaho ng pang gabi. Graveyard shift kumbaga, 11pm-7am. Napaka smooth ang trabaho ng gabing iyon, wala siyang ginagawa.

Walang tumatawag para mag complain at wala rin namang sira-sirang kuryente ng oras na iyon.

Kaya napagdesisyonan niyang pumunta na lamang sa lamay ng kasamahan niya sa trabaho.

Namatay si Eric dahil na kuryente ito nang nakaraang gabing inayos nito ang poste ng kuryente sa national highway ng lugar nila.

Nandoon si Noel nang mangyari ang kagimbal gimbal na insidenteng iyon. Wala din naman siyang nagawa para sa kaibigan dahil sobrang bilis ng pangyayari. Segundo lang at agad nasunog ito habang nakabitin ang sunog nitong katawan sa safety belt nito. Kaya ngayon ay pupunta siya sa lamay ni Eric. While on his way, he smelled something na parang nasusunog na barbekyu. Hindi iyon nawawala. Kinalibutan si Noel habang nag mamaneho siya sa kanyang line truck. Tinatahak niya ang daan na kung saan madadaanan niya ang mismong poste ng kuryente kung saan naaksidente ang kaibigan niya. Biglang tumirik ang line truck ni Noel sa mismong tapat ng poste ng kuryente na iyon.

Waring sinadya talaga ng pagkakataon at doon pa mismo namatayan ng makina. Parang may humawak sa sasakyan niya na hindi niya mawari. Nakaramdam siya ng takot kaya pinaandar niya ang line truck. Ngunit hindi umandar ang makina kahit ilang beses na niyang sinubukan ito. Kaya nag pasya na lang si Noel na bumaba para suriin ang makina ng sasakyan. Kumabog ng malakas ang dibdib niya lalo nang nakalanghap ng parang nasusunog na tao o hayop. Ngayon, lalong tumindi ang amoy nito na parang nasa malapit lang. Wala sa isip niya, nang tumingala siya sa poste. Laking gulat niya sa nakita! Si Eric nasa poste. Nakabitin ang sunog na katawan nito sa safety belt. Ka awa-awa ang kalunos-lunos na kondisyon nito. Nanghihingi pa ito ng saklolo sa kanya.

Nakadilat ang mapupulang mata nito. Gustong tumakbo ni Noel ng mga oras na iyon pero pilit niyang linabanan ang takot at kinausap niya ang kaibigan

.“Partner, huwag ka namang ganyan, wala namang takotan. Pasensiya na dahil wala akong naitulong sa iyo. Sobrang bilis kasi ng pangyayari, sana matahimik kana partner, wala namang may gusto ‘nun, aksidente lang.

Pupunta naman ako sa burol mo eh.
Ipagdarasal kita partner”, sabi ni Noel habang napaluha sa mga sinasabi.. Nang tumingin ulit si Noel sa poste ay wala na doon ang kaluluwa ni Eric. Ngayon lang napansin ni Noel ang safety belt ni Eric. Naroroon pa din iyon naka hang sa poste. Naiwan pala ng mga kumuha sa bangkay nito.

Kinuha ni Noel ang safety belt ni Eric at pinasok niya ito sa loob ng line truck. Sinuri niyang mabuti ang safety belt at nakita niya ang isang papel na nakaipit sa coil swivel, nakayupi ito kasama ang P8,000 na pera. Nakalista sa papel ang mga ito:

Matrikula- 2,000
Pagkain- 3,000 Tubig at
kuryente- 1,000
Allowance- 2,000

Tinago agad iyon ni Noel at linisan ang lugar na iyon patungo sa burol ng kaibigan. Binigay niya ang pera at budget list sa asawa ni Eric. Kinuwento na rin niya ang nangyari. Humagulhol ang asawa nito at mga anak sa nalaman.

Napagtanto ni Noel kung gaano kamahal ni Eric ang pamilya nito. Hindi pala siya tinakot ni Noel.

Nagpapakita lang sa kanya ito para matulungan siya na ibigay ang pera nito sa pamilya na naiwan sa safety belt nito. Isang huwarang ama at asawa si Eric dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay pamilya pa rin nito ang iniisip.

Wakas
Don’t get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-18-16 02:08 PM
camille_joy
Sr. Member
  • Posts: 6132
  • Thanked: 82
  • Reputation: 1
Quote from: LeizeLwho link=topic=357497.msg10670670#msg10670670
 date=1448203927

wow nabubuhay pala to.
post ako next time, sensya
na super busy kasi. pero marami ako collection,
icompress ko na lang sq
susunod. kayo muna ang magshare ;D



writer ka pala,galing ah,ngayon ko lang nabasa,mahilig pa naman ako sa horror :)
Sh!t happens! :lol: :lmao:

06-18-16 08:48 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
[You are not allowed to view links. Register or Login]
writer ka pala,galing ah,ngayon ko lang nabasa,mahilig pa naman ako sa horror :)

ngeh. isa lang ang orig story ko dito, yung 13th roommate. ;D iniba ko lang yun settings pero naganap yun sa totoong buhay :lol: yun iba dito galing sa collection ko.

happy reading! ::)

Ganti

MASYADONG maalinsangan ang panahon pero tila may bagyong sumasalakay at inaanod ng baha
ang puso ng isang ina habang yakap nito ang katawan ng anak.

"Magbabayad siya! Ipaghihiganti ko ang ginawa niya sa'yo. Magbabayad siya," wika nito saka ubod ng pait na muli itong humagulgol. Maya-
maya ay may hinugot itong isang larawan mula sa bulsa ng anak.

"Sa pamamagitan ng aking
kapangyarihan ay magbabayad ka," dugtong nito saka umusal ng isang lumang wika. Pagkatapos ay dinuraan nito ang imahe sa larawan. Bawat daanan ng laway ay nalulusaw ito hanggang sa mawala na ang imahe. Lumipad ang paningin niya
sa salaming nakasabit sa dingding ng kuwarto.

Nanlilisik ang mga mata niyang titig na titig roon. Ilang sandali pa ay nabasag ang salamin at
umagos ang sariwang dugo.

" MAHAL na mahal kita," wika niya sa binata habang hinila siya palapit sa dibdib nito.

Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga nito. Pakiramdam niya ay sinisilaban
sa init ang kanyang mga pisngi. Gusto niyang itulak palayo sa kanya ang lalaki subalit walang lakas ang mga braso niya para pigilin ito.
Basa ang kanyang mukha ng mga luhang naibuhos niya. Kanina lamang ay kayakap niya ang lalaking iniibig. Ngayon, mag-isa na lamang
siyang nababalutan ng puting kumot na nabahiran ng pulang mantsa.

"Bakit mo ako biglang iniwan?"



GUWAPO, matalino, at matangkad. Ang mga iyon ang katangian ni Alex. Matinik siya sa mga babae. At ilan sa mga iyon ay lumuha ng dahil
sa kanya.

Lumaki siya sa Maynila. At dahil nasa wastong edad na siya ay malaya niyang inililibang ang
kanyang sarili sa mga babaeng kanyang napupusuan. Ang babae sa kanya ay parang isang manika. Kapag pinagsawaan ay wala ng
halaga. Lalo na kung nakuha na niya ang pagka-berhen nito.

Naglalakad siya sa kalsada nang maramdaman niyang may tila tumatawag sa kanya. Iginala
niya ang kanyang paningin, at nang matiyak na walang ibang tumatawag sa kanya ay muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad bitbit ang kanyang maleta. Patungo siya sa bahay-bakasyunan nila sa isang liblib na lugar sa Iloilo.

Pansamantala niyang iiwan ang buhay sa Maynila. Ang totoo ayaw niyang magawi sa kanayuan dahil malayo ito sa mga lugar na hilig
niyang puntahan.

"Di bale marami namang magagandang babae rito," piping usal niya. Tama nga ang kanyang
hinala, maraming magagandang dalaga siyang nakakasalubong sa daan. Mga dalagang malayo sa asal ng mga babaeng lumaki sa syudad.
Mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang bahay-kubo. Maya-maya pa ay may lumabas na isang matandang lalaki. At natitiyak niyang ito ang kanilang katiwala – si Mang Ambo.

"Mabuti at napadalaw ka. Eh, baka naman may tinatakasan kang babae," pabirong wika nito sa kanya. Isang buntung-hininga na lamang ang
kanyang itinugon.

MASUNGIT ang panahon sa gabing iyon. Hindi siya makatulog kaya minabuti niyang dumungaw
sa bintana. Maya-maya ay tila galit ang hangin na hinampas ang kanyang mukha. Ipiniid niya
ang bintana ng bahay-kubo at naupo siya sa kawayang upuan. Natanaw niyang mahimbing na natutulog ang kanilang katiwala sa papag na
kawayan. Naalala niya ang sinambit nito sa kanya kanina. Baka raw may tinatakasan siyang babae kaya siya napapadpad sa kanayuan.
Muling nag-flashback sa kanyang utak ang mga huling tagpo nila ni Dolores.


"Buntis ako, at ikaw ang ama." Tila tinambol ang kanyang dibdib sa narinig. Buntis ang kanyang
nobya. At alam niyang hindi niya kayang panagutan iyon. Iniwan niya itong luhaan sa plaza. Alam niyang masama ang kanyang ginawa
pero ito lamang ang paraan para makaiwas siya sa responsibilidad. Itinanggi niyang siya ang ama
ng dinadala nito kahit pa alam niyang siya ang nakakuha ng pagka-birhen nito.


Ngayon, nandito siya sa kanayunan para tumakas. Ayon sa kanyang mga kaibigan ay hinahanap siya nito ngunit makalipas ng dalawang araw ay hindi na ito nagparamdam.



Natigilan siya nang makaramdam ng pagsusuka. Tumayo siya para buksan ang bintana at doon
ilabas ang isusuka niya. Muli siyang naduwal hanggang sa masuka na siya. Habol ang paghinga nang maisuka niya ang lahat ng
nakain niya. At sa kanyang pagtingala ay napaigtad siya sa kanyang nakita. Isang babaeng nakaputi ang nakatalikod mula sa di-
kalayuan. Nakalutang ito sa hangin. Napaantada siya sa labis na sindak pagkasara niya ng bintana. Humugot siya ng isang malalim na hininga. At sa kabila ng takot ay nanaig ang
kuryosidad niyang muling buksan ang bintana.

Wala na ang babae. Nakahinga siya ng maluwag, at inisip na namamalikmata lamang siya. Nasaklot niya ang kanyang tiyan. Parang may mabigat na bagay na unti-unting nagpapaduwal sa kanya. Nahihilo siya na nasusuka. Napahiga siya sa papag hanggang sa
nakatulog na siya.



"BUNTIS ako...." mahinang daing ni Dolores.

Bakas ang pait sa kanyang mukha. Ibinigay niya ang lahat kasama na ang puso niya subalit ano ang napala niya. Iniwan siya ng lalaki, at
itinangging ito ang ama ng dinadala niya. Mula sa isang pahina ng libro ay kinuha niya ang isang larawan ng lalaki.

"Alex, mahal na mahal kita," wika niya habang hinalikan ang lumang larawan. Maya-maya ay kinuha niya ang isang punyal. At agad itong
iniamba malapit sa kanyang puso.

"Mamatay kami ng anak mo ng dahil sa'yo. Magbabayad ka!"

Kasabay nang pagkalat ng dugo sa sahig ang pagdagundong ng kulog. Tila galit ang langit sa kanyang nasaksihan. Hanggang sa unti-unting bumuhos ang ulan na tila nakikiramay sa mga kaganapan.


MULA sa di-kalayuan ay nakaramdam ng pagkabahala si Aling Petra. Nakita niya ang
pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Naalala niya ang anak na nagdadalang-tao. At napuno ng
pag-aalala ang kanyang puso. Tila
nagsusumbong ang langit sa nangyari sa kanyang anak. Mula sa kanyang bulsa ay hinugot niya ang isang maliit na bote na nasisidlan ng lana, at sa loob nito ang isang ulo
ng ahas. Tila may ibinulong ito sa kanya. Isang bagay na siya lamang ang nakakaunawa. Bigla siyang napasigaw, at ang sigaw na iyon ay
umeko sa buong kapaligiran.




TAKAM na takam si Alex habang namimitas ng mangga. Gamit ang panungkit ay nagtagumpay
siyang makuha ang inaasam na bunga. Mas malaki kumpara sa mga naunang nasungkit niya. Nabalot ng asim ang kanyang mukha nang
kagatin niya ang mangga. Ang sarap, nasabi niya sa sarili. Talo pa niya ang babaeng naglilihi kung masunggaban niya ang hilaw na mangga.

Pagtingala niya ay nabitawan niya ang mangga.

Isang babae ang kanyang natanaw mula sa di-kalayuan. Lumulutang sa hangin.

Namamalikmata lang ba siya?

Napapitlag siya nang humarap ito sa kanya. Titig na titig ang mga mapupulang mata nito. Sa labis na
pagkasindak ay napasigaw siya.

"Alex, a-anong nangyayari sa'yo?" pag-aalalang wika sa kanya ni Mang Ambo, ang katiwala nila.
Pinainom siya nito ng tubig saka pinaupo sa isang kawayang upuan. "Baka namamaligno ka
lamang?" Napatingin siya sa matanda. Ang totoo hindi siya naniniwala sa mga maligno,
pero ngayon gusto na niyang maniwala.

Tumayo siya nang biglang umasim ang kanyang sikmura. Tumakbo siya para sa banyo isuka pero hindi na niya nagawa. Nahihilo siya na
naduduwal hanggang sa bumigay na siya.

Isinuka na niya ang nilalaman ng kanyang tiyan. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang paghimas ng matanda sa kanyang likuran.

"Dadalhin kita kay Aling Selya," wika
nito sa kanya. Tumanggi siya. Ayaw niyang magpatingin sa isang albularyo. Sa isang klinika
malapit sa bayan siya nagtungo. Kulang-kulang isang oras ang ginawang pagsusuri sa kanya.
Hanggang sa pina-ultrasound siya. At ang resulta ay gumimbal sa buong klinika.

"B-buntis ka," hindi makapaniwalang wika sa kanya ng doktor.




ISANG linggo na ang nagdaan nang madatnan ni Aling Petra
ang kanyang anak na dalaga na nakahandusay sa sahig. May punyal sa dibdib nito at naliligo
sa sariling dugo. Umusal siya ng lumang wika saka kinuha ang isang lumang larawan. Maya-
maya ay binuhusan niya ito ng lana na gawa sa katas ng ahas. Muling nagsambit ng lumang wika, at sa kanyang pagtingala ay lumabas
mula sa kanyang bibig ang malapot na laway.

Pumatak iyon sa larawan. Bawat madaanan nito ay nalulusaw ang imahe ng isang lalaki.
"Mamatay ka! Mamatay ka!"




BUTIL-BUTIL ang pawis sa noo ni Alex nang bumangon siya sa kama. Habol ang kanyang paghinga. Nakapa niya ang kanyang tiyan.
Lumaki na ito na parang isang babaeng buntis.

Apat na araw na ang nakakaraan nang suhulan niya ang doktor ng malaking halaga para huwag
ikalat ang kababalaghang naganap sa kanya.

Buntis siya. Paano nangyari ito?

Tatayo na sana siya sa kama nang biglang sumakit ang tiyan niya. Napasandig siya sa kama hanggang sa mapahiga na siya. Nabalot ng sindak ang puso niya nang mapansing tila lobong lumalaki ang
kanyang tiyan hanggang sa magsilabasan ang mga ugat nito. "Hindi" , piping usal niya. At sa
kanyang paglingon ay labis ang kanyang pagkabigla nang matanaw niya ang isang babaeng nakalutang sa hangin. Humarap ito sa
kanya. At halos mangalisag ang balahibo niya sa katawan nang makilala niya ito.

"D-dolores?" Lumaki ang mga mata nito na tila bolang apoy na nagliliyab.

"Oo, ako nga," Nakakapanghilabot ang boses nito. "Hindi ako matatahimik hanggang hindi ka
nagbabayad sa ginawa mo sa akin."

Iyon lamang ang nawika nito nang tila pulbos na nilipad iyon ng hangin.
Nasaklot niya ang kanyang tiyan nang makaramdam ng isang bagay na gumagalaw mula sa loob nito. Maya-maya ay tila napupunit
ang kanyang tiyan hanggang sa magsilusutan ang mga uod, kasunod niyon ang mga bulateng
lumalabas sa butas ng kanyang pusod.

Nasakmal na ng takot ang kanyang pagkatao. Nagsisigaw siya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.
Muling pumasok sa kanyang isipan ang kanyang kasintahan. Si Dolores, isang babaeng nakilala niya sa tabing dagat, na ngayon ay minumulto siya.
Paano namatay ito? Kailan pa?
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nagawa niyang makabangon sa kama. At sa pagtapak niya sa
sahig ay muling tinambol ang kanyang dibdib nang matapakan niya ang mga malalaking uod
sa sahig. Gusto niyang masuka nang mabahiran ng kung anong malapot na likido ang kanyang mga paa. At sa kanyang pagtingala ay natanaw
niya ang kaluluwa ni Dolores. Titig na titig ito sa kanya. Ilang sandali pa ay nasa harapan na niya. Ang matutulis nitong mga kuko ay
sumayad sa kanyang malaking tiyan. Tila may plano itong dukutin ang ano mang bagay na nais nitong makuha.

MABILIS ang mga hakbang na ginawa ni Mang Ambo. Alam niyang nasa panganib ang buhay
ng kanyang amo. Nakita niya kung paano ginawa ng albularyo ang ritual. Mula sa isang kumukulong tubig sa palayok ay natanaw niya
ang isang babaeng nagpatiwakal, at isang matandang babaeng may hawak na lumang larawan. Ayon sa matandang albularyo ay nasa
ilalim ng kulam ang binata.
Ngayon, ay patungo siya pabalik sa bahay-kubo para sagipin ang buhay ni Alex. Kasunod niya si
Aling Selya na bitbit ang mga kagamitan sa panggagamot. Pansamantala siyang natigilan
nang marinig ang malakas na hiyaw ng binata.

Patakbo na nilang tinungo ang bahay-kubo. Halos masuka siya nang madatnang inu-uod ang
tiyan ni Alex. Malaki pa rin ang tiyan nito na sa tingin niya ay lalo pa itong lumobo. Nakita niyang namimilipit sa sakit ang binata. Tila
isang babaeng manganganak na.
Nilapitan ito ni Aleng Selya saka umupo sa tabi ng binata. Umusal ito ng isang dasal saka
binuhusan ng langis na gawa sa dugo ng kobra ang tiyan ng lalaki. Maya-maya ay tumili ito na
siyang pumukaw sa mga ibong namamahinga sa sanga ng kahoy. Ang tili nito ay umeko sa
buong kagubatan. Tila nagkahugis ang boses na siyang itinangay ng hangin sa kalawakan.

"HINDEEEEE!" hindi makapaniwalang nawika ni Aling Petra. May kumokontra sa kanyang
kapangyarihan. Mas malakas kaysa sa kapangyarihang taglay niya. "Dapat siyang mamatay."

Umeko ang boses nito na tila nagsa-
usok hanggang sa liparin ng hangin  ang mahiwagang tinig na siyang sumabay sa isa pang tinig. Nagkasalubong ang dalawang tinig
hanggang sa balutin ng dilim ang kalangitan.

Kasunod niyon ang pagguhit ng kidlat sa langit.

HABOL ang paghinga ni Aling Selya. Batid niyang mas malakas ang enerhiyang taglay niya
kaysa sa kumulam sa binata. Nagtagumpay siyang isalba ang buhay nito subalit isang bagay
ang hindi niya kayang kalabanin. Ang paglabas ng sanggol sa sinapupunan nito.

NAPAKAPIT si Alex sa magkabilang gilid ng papag. Pawisan na siya. At sa pakiramdam niya ay hindi niya kayang pigilan ang isang bagay na
gustong kumawala sa kanyang tiyan. Hubot-hubad na siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari.

 Manganganak ba siya? Paano?

Muli siyang napatili nang makaramdam ng kirot.
Tumigas ang kanyang malaking tiyan, na tila nauunat ang balat nito. Sa kabila ng hirap ay nagawa niyang magdasal sa panginoon.

"O, Diyos ko! Huwag n’yo po akong pababayaan ,” dasal ng kanyang isipan.

"Sige, i-ere mo," malakas na sigaw ni Aleng Selya. Sumigaw siya ngunit walang boses na
lumabas. Tumulo ang kanyang mga luha.

Naaalala niya ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay, mga babaeng niloko niya, at
ang babaeng nabuntis niya.
"Dolores, patawarin mo ako", piping usal niya. Kasabay ng malamig
na hangin ang muling pag-ire niya.

Isa, dalawa, tatlong ire hanggang sa matanaw niya ang kaluluwa ni Dolores. Umiiyak habang
nagmamasid sa kanya. Binalot ng takot ang puso niya nang mapansing lumalaki ang butas ng kanyang pusod, na tila doon lalabas ang
sanggol na isisilang niya.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

 Kasabay ng kanyang sigaw ang pagsilang ng isang malusog
na sanggol.

NAALIMPUNGATAN si Alex nang makarinig ng iyak ng sanggol. Nababalutan siya ng puting kumot na nabahiran  ng pulang mantsa.

Nanganak siya, at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. Puno ng pagsisisi ang puso niya. At ngayong alam na niya kung gaano kahirap ang manganak, ipinapangako niya sa kanyang sarili na paninindigan na niya ang babaeng mabubuntis niya. Sa kanyang pagtingala ay pansamantala siyang nabigla. Ang takot ay nawala nang makilala ang babaeng nakaputi. Lumapit sa kanya ang kaluluwa ni Dolores.

Pinapatawad na kita. Alagaan mo ang anak natin. Wala siyang kasalanan." Iyon lamang ay nawala na sa kanyang paningin ang babaeng ina ng kanyang anak. Tumingala siya sa itaas at taimtim na nagpasalamat. Nagsisi sa kanyang kasalanan, at humingi ng tulong na harapin ang kanyang buhay kapiling ang kanyang anak.

Tinanggal niya ang puting kumot na bumabalot sa hubad niyang katawan. Napangiti siya sa kanyang natuklasan. Bumalik sa normal ang laki ng kanyang pusod at tiyan. Salamat, Diyos ko! ang dasal ng kanyang isipan.

“Maraming salamat, Dolores! Napatawad mo ako,” bulong niya sa hangin.

Minsan ang kababalaghan ay nagaganap na hindi natin inaasahan. Mga kaganapan na kay hirap paniwalaan. At sa kabila ng lahat, sa Diyos ikaw ay manalig! Matakot ka sa karma!

Hindi lahat ng mga babae ay kaya mong lokohin. Mag-ingat, baka ikaw na ang sumunod!

WAKAS
« Last Edit: 06-19-16 01:45 PM by LeizeLwho »
Don’t get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-19-16 10:23 AM
Nemesis777
Full Member
  • Posts: 1282
  • Thanked: 71
  • Reputation: 0
ayun nag-update na si ts. :ty: hitted ka na. ;D basa mode muna.

06-22-16 02:08 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
Jogging

Lumipat kami ng kaibigan ko sa isang apartment sa San Roque Village. Una, dahil mura ang renta at pangalawa, malapit sa pinagta-trabahuan naming
dalawa.

Ang kaibigan kong si Leo ay
nakasanayan ng magjogging tuwing
alas-kuwatro ng madaling araw sa
paikot na kalye ng village. Rason niya ay para presko daw sa pakiramdam kapag pumasok na kami ng alas-otso.

Hindi naman daw delikado dahil may
mga security guards naman.
Tatlong linggo ang nakalipas, napansin kong pumapayat si Leo. Siguro dahil sa nagja-jogging ito araw-araw. Dahil medyo tumataba na ako, naisipan kong sumabay sa kanya magjogging. Lunes. Alas-kuwatro ng madaling araw.

Lumabas kami ni Leo ng apartment at nag-inat para daw hindi sumakit ang katawan namin.
Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na kaming mag-jog. Habang tumatakbo ng mabagal, sinabi ni Leo na may madadaanan daw kaming isang kalye na medyo may kadiliman. Wag daw ako matakot kasi hindi naman delikado.

Nang malapit na kami sa kalyeng
sinasabi nya na medyo may kadiliman, tumakbo ng mabilis ang loko at iniwan ako. Sinadya nya talaga akong takutin kasi alam nyang matatakutin ako. Nagkataon pang wala akong nakikitang ibang nagja-jogging.

Tumuloy ako sa pagtakbo mag-isa
palapit sa madilim na kalye. Hindi ko
na din nakikita si Leo. Sa isip ko,
bibilisan ko nalang para makalampas
kaagad.

Nang nasa madilim na kalye na ako,
naramdaman kong may sumusunod sa akin na tumatakbo rin. Medyo
kinabahan ako kasi wala naman akong nakita kanina sa likuran ko.
Kinilabutan na ako ng maramdaman
kong nasa tabi ko na sya. Dahil
madilim pa rin, di ko sya nakikita. Sa
isip ko, kung multo ito, mahihimatay
ako.

Nang malapit na kami sa medyo
maliwanag na bahagi ng kalye, halos
magkadikit na kami ng nagja jogging.

Lalaking naka-green na kasing tangkad ko lang din. Medyo nawala ang kaba ko nung nakita kong jogger din pala.

Pero nung tiningnan ko yung paa nya, taena, muntik na akong himatayin.

Hindi sumasayad sa lupa yung mga paa nya. Nanginig ako at halos hindi na makatakbo. Pakiramdam ko, nawala
lahat ng dugo sa katawan ko.

Tumingin ang lalaki sa akin. At dito na ako bumagsak sa takot. Biyak ang
kanang bahagi ng ulo nito at parehong butas ang mga mata.

Dumilim nalang ang paningin ko ng
sinabi ng multo sa akin na “sa susunod ulit.”
Don’t get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-25-16 05:28 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
CALL CENTER

MAHIRAP ang trabaho ng isang call center agent. Halos laging gabi ang oras ng trabaho lalo na yung mga naa-assign sa graveyard Shift…

Si Leonarda ay isa lamang sa
napakaraming mga call center agent. Dahil bihasa sa pag-i Ingles ay naging madali para sa kanya ang makapasok sa nasabing hanapbuhay.

Ashley ang nickname niya sa pinapasukang IT outsourcing company kung saan ay isa siyang inbound technical support representative.

Nakabase ang kanilang kumpanya sa
Amerika kaya halos Amerikano ang kanyang mga callers. 10pm to 6am ang pasok niya kayat halos alas siyete pa lamang ay umaalis na siya buhat sa kanilang bahay sa Sampaloc sa Tanay Rizal patungong Makati city.

Bagong tayo pa lang ang dalawampung palapag na gusaling pinagtatrabahuhan ni
Ashley. Ngunit kakatwang kahit noong bago pa lang itong itinatayo hanggang sa matapos na ang pagtatayo rito ay tila
naging batbat na ng misteryo ang nasabing gusali.

Habang ginagawa at inilalagay pa lamang ang mga pundasyon ng gusaling iyon ay nahulugan ng mga bakal ang ilang trabahador na nagtatrabaho sa ibaba. Ang insidenteng ito ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong katao.

Nagkaroon din ng insidente kung saan ay nakuryente ang ilang electrician dahil pinagtrabaho pa rin ang mga ito sa kasagsagan ng bagyo. Nag-trip ang circuit breaker dahil tinamaan ng kidlat kaya nakuryente ang mga electrician na nagtatrabaho ng mga oras na iyon. Nang matapos ang gusali ay may mga insidente namang nangyari kung saan ay tumalon mula sa pinakaituktok ng building ang isang empleyado ng call center na nasawi sa pag-ibig. May mga sumunod pang pangyayari kung saan ay may natagpuan na isang empleyado na nagbigti sa isa sa mga cr ng nasabing gusali dahil naging aburido ito sa problema sa pamilya.

Ang lahat ng mga pangyayari hinggil sa gusali ay hindi lingid sa kaalaman ng mga empleyado.

Sa katunayan ay ito ang isa sa
pinakapaboritong paksa ng mga
empleyadong katulad nina Ashley, Bert at Toni. “Alam n’yo sa palagay ko ay talagang kakaiba at haunted itong building natin dahil sa maraming hindi maipaliwanag na pangyayari,” sabi ni Ashley kina Bert at Toni na kasama niya noon sa loob ng elevator. Ilang segundo pa ay biglang tumigil ang elevator. Bigla ring namatay ang ilaw nito.

Walang operator ang elevator ngunit sa kada palapag na hinihintuan nito ay maririnig ang recorded voice ng isang babae na nagsasabi kung nasaang palapag ka na. Nang muling mag-ilaw sa loob ng elevator ay binalot ng kilabot ang tatlong magkaka-opisina dahil boses ng isang lalaki ang kanilang narinig. Iba ang boses na iyon at tila hindi mawari kung saan nanggagaling. Sa takot ay nagyakapan sina Ashley at Toni habang si Bert ay umuusal ng panalangin. Takot ang naramdaman ng tatlo hanggang sa huminto at bumukas ang pinto ng elevator sa ikaanim na palapag.

Hindi na nila natandaan kung paano sila nakarating sa unang palapag at kung paano sila nakalabas ng gusali ng gabing iyon.

Ang sumunod na insidente ay talagang nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Ashley. Alas tres ng madaling araw noon.

Nakapuwesto si Ashley sa “line 3″. “Hello technical support, how can I help you?”sagot ni Ashley sa linya. “Hey, is this 911here? Please call the police, the national guard or even the FBI. For God’s sake, someone break in to our house and is slaughtering my family, please help!!!” at agad naputol ang linya.
Inakala ni Ashley na prankster lamang ang nasabing caller dahil may mga pagkakataon talaga na nakakatanggap siya ng mga kaparehong tawag kung saan ay nanloloko lamang ang nasa kabilang linya. Kagaya ng dati ay hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin.

Lunes ng matanggap ni Ashley ang tawag na iyon. Martes ay muling tumawag ang nasabing caller sa ganoon ring oras ngunit ng mga panahong iyon ay nasa line 4 na siya.

Hindi katulad sa mga kaparehong tawag na natanggap na niya, nakaramdam ng kakaibang takot at kilabot sa katawan si Ashley dahil sa mga tawag na iyon.

Nagpasya si Ashley na magpalipat sa eighteenth floor kung saan ay mas marami sila at kung saan ay na-assign siya sa line 56. Miyerkules noon at pagsapit ng alas tres ng madaling araw ay tumawag pa rin ang misteryosong caller. Sa pagkakataong iyon ay nagawa niyang sumagot bago naputol ang linya.”Hey sir you might have dialled the wrong number, we’re quite a hundred miles away from each other. I don’t think I can help you with….” ngunit naputol na ang linya.

Ang caller ay halos isang linggong singkad na tumatawag kay Ashley nang walang patid tuwing alas tres ng madaling araw at magpalipat-lipat man siya ng telepono at floors ay laging sa kanya bumabagsak ang tawag na iyon.”

Makaraan pa ang ilang araw ay may
nabasa si Ashley mula sa isang lumang diyaryo na kanyang nadampot sa kung saan hinggil sa isang sensational na balita na nalathala sa pahayagang iyon. Isang Kano ang pinatay sa loob ng condo kasama ang pamilya nito.

Napag-alaman ni Ashley na ang kaso pala ng napatay na Kano ay iniimbestigahan ng kanyang boyfriend na si Ronnie na isang pulis. Sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat ay may naikuwento ang nobyo ni Ashley na si Ronnie habang pauwi na sila ng sunduin siya nito sa trabaho ng Sabadong iyon.

“Mahal, magulo ‘yung iniimbestigahan kong
kaso ngayon. ‘Yung tungkol sa Amerikano na pinatay sa loob ng kanyang condo unit kasama ng kanyang pamilya. Nung i-check kasi namin ang mga cell phone na nakita namin sa crime scene, nakita ko na naka-register sa telepono niya ang number ng kompanya n’yo. Hindi ako maaaring magkamali dahil kabisado ko iyon dahil doon ka nga nagtatrabaho.”
Ewan ni Ashley kung bakit kinilabutan siya sa narinig mula sa nobyo. Kaagad niyang niyaya si Ronnie upang bumalik sa opisina. May gusto siyang tiyakin.

At hindi nga nagkamali ang kutob ni Ashley.

Ang mga numerong nag-register sa caller ID ay ang cellphone number ng napatay na Amerikano. Lalong nanindig ang kanyang balahibo ng maisip niyang ang tumatawag pala sa kanya sa loob ng isang linggo ay isang linggo na ring patay sanhi ng isang karumal-dumal na krimen.

Ang inakala niyang overseas call ay mas malayo pa pala ang pinaggalingan dahil sa hukay na ito nagmumula.

Isang taimtim na panalangin ang inialay ni Ashley para sa Amerikano at sa pamilya nito na pinatay Ipinanalangin niya na sana ay makamit ng mga ito ang katarungan nang matahimik na ang kaluluwa nito at nang hindi na rin sila gambalain na ang hangad lang ay maghanapbuhay ng malinis.

Ikaw kakayanin mo ba na ma-assign sa graveyard shift???

Wakas
Don’t get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

09-24-16 02:21 PM
camille_joy
Sr. Member
  • Posts: 6132
  • Thanked: 82
  • Reputation: 1
Ngaun ko lang nabasa, galing ni liezel :clap:
Sh!t happens! :lol: :lmao:

10-24-16 08:54 PM
peeweeopao18
Full Member
  • Posts: 783
  • Thanked: 43
  • Reputation: 0
kakatakot... pero nakakaaliw..hehe.. share ako next time

05-25-17 08:42 PM
WilberX
Semi-Newbie
  • Posts: 9
  • Thanked: 1
  • Reputation: 0
share lang po ako ng story ko, this happened way back 2013. nag iinuman kami sa bahay namin ng magpipinsan sa sala ng redhorse bale anim kame kasama ako. kwentuhan at tawanan kami ng tawanan dahil habang nagkkwentuhan kami nanunuod kami ng vids ni kuya jobert (nung time na yun kasikatan nya sa youtube :-)) medyo nagkaamats na kami nun di parin kami natigil sa ingay at tawanan nang biglang nagring yung phone ng pinsan ko na si kuya bryan. pagtingin nya sa phone nya ung kptid nya tumatawag which is kainuman lang nmin and yung phone nya is nkacharge sa room ng kptid ko at walang tao dun. tapos nagtaka kami pinunthan namin sa kwarto madilim then chineck namin ung phone sa call history naka register ung tawag napamura at nagtakbuhan talaga kami palabas nawala amats namin. note: ung cp ng kptid nya nakalock un habang nkacharge kaya imposibleng magalaw yun at wlang sira yun kaya tlgang ntakot kami. i think spirits from other world try to make us quiet. kaya after nun di na namin tinuloy mag inuman

share ako marami pang iba kong karanasan pag may time
« Last Edit: 05-25-17 10:31 PM by WilberX »

05-25-17 10:14 PM
reVinVAPMS
Full Member
  • Posts: 346
  • Thanked: 4
  • Reputation: 0
Patapak gusto ko magbasa :)

07-18-17 09:01 PM
Chrizzyloky
Full Member
  • Posts: 2750
  • Thanked: 111
  • Reputation: 3
patapak din more PA :pd:
"don't never ever stop dreaming your dreams :)