Topic: PiNOYDEN HORROR THREADô (Read 16793 times)

05-26-15 09:56 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
yun sinasabi nilang may nilulunok na bato o pinapahid na langis.. di ako naniniwala eh. bakit mo naman gugustuhin maging aswang di ba? dati nun HS ako sinasabi nila may nakita daw aswang yun mga galing sa pyestahan kinakain daw yun kalabaw. parang dambuhalang ibon siya. pero later on di napatunayan kung totoo kasi wala naman nawalan ng kalabaw that time. baka lasing lang daw yun nakakita :lol:
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

05-30-15 10:17 PM
ryzen
Full Member
  • Posts: 864
  • Thanked: 54
  • Reputation: 1
hello ito si ryzen kwento ko ulit ang aking karanasan at karanasan ng iba na nakwento na rin sakin. . . 
.mahilig kasi talaga ako sa horror unang una favorate ko na movies insidious. . dati talaga hindi talaga ako naniniwala sa multo. . . 

tanda ko pa nun at ako naman nanliligaw pa nun sa gf ko. . .medyo mag ka dikit lang kami ng barangay.  pero hindi naman kalayo yung nilalakad ko para makapunta sa kanila. . dinadalaw ko siya.  . nag lalakad ako ng hapon mga bandang mga 3pm kasi maganda mag lakad pag hapon hindi mainit at kitang kita mo talaga ang view ng bukid pag nag lalakad ka. . ganda talaga mag lakad kitang kita mo ang mga kambing at baka sa bukid. . .

minsan isang gabi nasubrahan ako sa pag uwi dahil andun din kasi mga kapatid ng gf ko kwentohan kaya umabot ng gabi na mga bandang 10 pm na. . .bukid kasi nilalakad ko may kalsad din pero sa gilid talaga mostly talaga bukid at may mga mangga at taniman ng kamoteng kahoy.     

minsan tinixt ko si papa ko para sunduhin ako kasi hating gabi na bilog pa ang buwan. .  hindi ako takot umuwi yun nga lang takot ako sa mga aso at baka makaapak pa ako ng ahas. . dun lang naman ako takot. . .  kaya minsan nag papasundo ako. .   
tinixt ko yung father ko nun.  .. nag overtime sila sa bangko kaya kapilitan nauuwi na din ako. . nag lakad ako mag isa. .. . medyo malamig nun at mahangin talaga kasi nasa gitna ng bukid nga at dami pang puno. .   

buti nalang pag ka lusot ko kamay ko may dalawang yosi pa ako natitira marlboro. .
sinindihan ko nagyoyosi habang naglalakad. .lowbat na din cp ko nun kaya liwanag ng buwan nalang pag asa ko.  pero hindi gaano ka liwanag.     

medyo malayo pa sa bahay namin naglalakad na ako.   nakarating na ako sa may isang mangga mismo sa gitna ng bukid nag shortcut ako wala bahay dun iisang puno ng mangga lang ang nandun at takot ako luningon sa mangga na yun kasi subrang dilim. .
straight lang ang paningin ko diretso lang medyo kinakabahan na ako at tumatayo balahibo. .

bilis na paglakad ko nun ng naiwan yung slipper ko.  . lintik kako hinanap ko pa sa bukid kasi bumibilis na tibok ng puso ko. . sindi ulit ako sigarilyo.   
ng may narinig ako mismo umiyak na bata as in talaga.  .panganak na bata. .  sa gitna ng bukid walang ka bahay bahay nakarinig ako ng ganun. . kala ko nung una parang pusa ng umiiyak. .dininig ko talaga ng husto. . bata nga.  hayz diyos ko kako. . medyo mabilisab na ng lakad ko medyo malayo pa kasj uwian ko. . tanda ko pa pag may umilaw na sa may kalsada binibilisan ko para makasabay ako sa tryckel. . .yun nga lang nahihiya ako parain minsan kaya diretso nalakad ulit. . .
hanggang nakarating ako sa bahay namin. . . mga 11.30 na ng gabi un.   nde ko na kwenento kasi tulog na mama ko nun. .   sinabi ko nalang sa sarili ko na kung tao siguro yun matagal na ako patay. .   


marami pa ako kwento sunod naman yung bantay namin dito mismo sa bahay namin. . whitelady madalas siya mag paramdam maslalo pag bisita.     
always single

06-03-15 01:11 AM
therealchoppork
Full Member
  • Posts: 877
  • Thanked: 33
  • Reputation: 0
Share ko lang experience ko dito sa bahay namin matagal na kame dito tapos gumagawa ako assignment. And focused yung mata ko sa paper then bigla ako napalingon sa kusina, maliit lang tong house namin at madami kurtina. Pagtingin ko sa kusina, may naglalakad. As in kitang kita ko may taong naglalakad, diba yung kurtina open sya sa gitna.  Ayun kitang kita ko talaga tingin ko babaeng matanda sya. The same nangyare sa akin nasa kwarto ako tapos wala naman kaming pinto, kurtina lang tapos nakita ko dumaan ulet sya sa kusina. Then last year tumira ate ko dito sa house namin and may nakita din daw sya matandang babae naglalakad sa kusina namin.

06-03-15 02:31 PM
kuyaNG
Full Member
  • Posts: 1320
  • Thanked: 37
  • Reputation: 0
eto share ko experience ko last year lang ito
nag lalaba ako non sa tapat ng bahay namin umaga yon siguro mga 10am nang bigla akong napalingon at nakita ko yong kapit bahay namin na naka upo sa may sidecar (bisekletang ginagamit pamasada) parang wala lang nung makita ko siya kasi parang normal lang,tapos inalis ko na ang tingin ko sa kanya don ko lang naalala na patay na pala siya kaya nilingon ko siya ulit pero wala na siya don nag laho siya na parang bula..napaisip nalang ako kung bakit siya nag pakita sakin..hindi na ako natakot kasi ilang beses na akong naka kita kahit sa panaginip nakakakita din ako ng spirit maski dwende nag paramdam nadin sakin ..

06-07-15 11:37 AM
simpleonlywoof
Full Member
  • Posts: 1006
  • Thanked: 70
  • Reputation: 0

06-21-15 07:55 PM
kopecool
Full Member
  • Posts: 1118
  • Thanked: 34
  • Reputation: 0
Wala pa naman akong nakitang multo pero mga nagparamdam madami na. Ito naman ang experience ko nung my work pa ako sa cavite, sa boarding house namin ng mga kawork ko bale 3 kami s bahay habang nagkukwentuhan kami at sabay tawanan ng mga 9pm nakaharap ako sa lamesa at merong isang 1.5 na coke na wala nang laman sa lamesa sa kasalukuyang tawanan kaming 3 nakita ko nalang yung bote na lumundag ng isang ruler at sa pagbagsak ng bote ay tuluyan ng nahulog sa baba. Nagulat kaming tatlo at sabi ko sa dalawa kung kasama pare kitang kita ko ung bote lumundag nalang bigla pano nangyari yun? Pero tulala silang dalawa at napaisip tapos yung isa bigla nalang tumakbo sa labas at napatakbo nalang na rin kaming dalawa sa takot namin napatagay kami ng tigisang 500ml na redhorse, paguwi namin sa bahay nakita namin ung bote bumalik sa dati nyang pwesto sa lamesa wala na kaming magawa kundi natulog nalang na nakatalukbong ng kumot buong magdamag. Kinaumagahan pumasok na kami s work namin at kinausap ko yung isang kawork namin na lihitimong tiga don sa lugar na yun at ikwenento ko ang nangyari nung gabi, ito ang sabi nya sakin, pare yung nakuha nyong bhouse nyo ay dating funeral yung pinagtayuhan ng bahay! Sa narinig ko sa kanya buong katawan ko yata ay tumayo ang balahibo ko. Kinausap ko naman ang mg ksama ko na maghanap na ng ibang bahay at hindi na rin kami nag-OT non naghanap na talaga kami ng ibang bahay at sa arw n yun ay umalis na rin kami sa bahay na yun. Mas natakot kasi ako nung nalaman kung dati palang funeral ung mismong pinagtayuhan ng bahay e. Huhuhu...

06-21-15 11:32 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
grabe naman yun. tumayo balahibo ko :o buti nakalipat agad kayo. sabi nila ayaw daw ng multo ng maiingay. magpapapansin daw sila pag naiingayan..
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-22-15 10:25 PM
kopecool
Full Member
  • Posts: 1118
  • Thanked: 34
  • Reputation: 0
Yap hindi naman kami nahirapan maghanap ng malilipatan dahil madaming paupahan kasi madaming factory don. Tama po kayo ayaw nila ng maingay, madaming paramdam sa bahay na yon minsan sa banyo parang may naghuhugas ng paa o kamay parang nagbubuhos ng tubig. Minsan din gumagalaw mga sandok na nakabitin kumakalansing ang mga kutsara. Kaya pala wala daw tumatagal na nangungupahan don dati palang funeral homes, madami daw nakikita ang mga tiga don noon at nagpaparamdam may kwento ang isa na tiga don kusa daw bumubukas yung kabaong at may nakikitang anino ng babae na nakabitin. Nalaman lang namin nung mga 2 weeks ng wala na kami don.

06-23-15 05:46 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
haha grabe. ganyan din yun nangyari sa dati ko tinrhan.. pero wala pa raw kami doon. swerte lang hindi ganun ang paramdam nun dumating kami sa house na yun. habang nandoon kami, lagi sinasabi nung caretaker na nakikita niya yun lalake (yun nagpaparamdam) biglang lumilitaw tapos mawawala. nangyayari yun pag madami bisita. siya lang ang nakakapansin tapos mayat maya may paramdam na. amoy kandila, yabag ng sapatos mga ganun..

buti na lang wala na kami dun.
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-23-15 08:42 PM
jologzs07
Hero Member
  • Posts: 19375
  • Thanked: 366
  • Reputation: 1
buti na lang di pa ako nakaranas ganyan :o

06-23-15 10:26 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
pag sinipag ako magpopost ako ng mga sypnosis ng real life stories.. wala pa kasi ako masyado time. kinikilabutan naman ako magtype pag gabi. lol
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

06-23-15 10:50 PM
kopecool
Full Member
  • Posts: 1118
  • Thanked: 34
  • Reputation: 0
Hehe, totoo po yang sinabi nyo kahit ako nung nagtatype ako kinikilabutan, totoo ang multo, maligno o lamang lupa may bad spirit at good spirit.

07-04-15 03:47 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
13th Room Mate
This is a true to life story.

 Maaga pa para sa regular na pasukan, pero kailangan pumasok at manatili sa dormitory. Kung ang ibang estudyante ay naeenjoy ang summer, si Glaiza ay hindi.

"Ang hirap talaga mag-nursing. 'Pag minamalas ka nga naman oo."

Nagmamadali siyang maligo. Ilang oras pa bago mag 7am para mag duty, 3am pa lang ay naliligo na siya. Napakahaba ng pila sa bathroom kapag mali late siya ng gising. Tahimik ang buong paligid. Habanglalakad siya papunta sa kaniyang kwarto na nasa pinakadulo ng pasilyo ay yabag lamang ng tsinelas ang madirinig at huni ng mabining hangin na pumapasok sa malaking bintana sa pasilyo.

"Tulog pa rin sila..", mag isa pa rin ni Glaiza na gising sa loob ng kwarto. Siya ang "bunso" sa grupo. Nasa ikatlong taon ng Nursing. At panghuling boarder na nakapasok sa Rm. 13. Bale si Glaiza ang 12th room mate. May apat na kamang malalapad at tatlo tatlo silang magkakatabi sa bawat kama.

 Habang nagsusuot siya ng sapatos ay bigla siyang natigilan.

"Hmmmmmmmm..."

Napalingon siya sa mga kasama niya. Ngunit ni isa sa mga ito ay walang bumangon.

"Hay. Huwag naman sana mangyari na may mag umpisang maghilik sa kanila. Kawawa ako." Naisipan ni Glaiza na sa hospital na lamang magpalipas oras bago pumasok. May ireresearch pa siya.

Pagka sara niya ng pinto ay sinalubong siya ng mabining hangin mula sa malaking bintana sa pasilyo.

"hmmmm..."

"Huh? Umuungol na naman?" Napailing si Glaiza. Kakantyawan niya paguwi niya ang mga kasama niya.
******

"Hoy! Hindi ako yun!", nanlalaki ang mata ni Erika habang hawak ang hair brush. Si Erika ay 4th yr. Medical student.

"Mas lalo ako. Baka si Janice yun. Nakabuka kaya ang bunganga niyan pag tulog.", abala si Mayumi sa pagkukuskos ng sapatos. 3rd yr din sa kursong Nursing.

"Alam niyo namang may brace ako. Pero sigurado ako di ako yun. Baka nakaringgan mo lang Glaiza.", ani Janice na 4th yr Dentistry student.

"Baka sa kabilang kwarto. iba ang tunog mga sis." abala si Glaiza sa pag aayos ng gamit sa bag.

"Walang tao sa kabila pag gabi. Umaga sila natutulog. Dalawa lang sila diyan." Si Shaine, ang pinaka batang Nursing student. Nakatitig ito sa bintana. "May kasama tayo dito. Nandiyan lang siya.."

Natigilan ang mga babae.

"Chariiiing! Modern age na tayo hello!"

 Natigilan si Glaiza. Napatitig ito kay Shane.
"Napaka wirdo talaga ng babaeng to. Baka siya yun?", nausal niya sa sarili.
***

12:00am.

Napakamot sa ulo si Glaiza habang pakirat na tinitignan ang luminous wall clock sa loob ng kwarto.

"Okinawa Japan! Maaga pa pala. tatlong oras pa. Kainis naman."

"hmmmmmmmm...."

Napamulagat si Glaiza. Napabangon siya ng upo para titigan isa isa ang room mates niya. Si Erika, Mayumi at Shane ay magkakatabi sa unang kama katabi ng pinto. Pwang mga tulog ng mahimbing. Si Janice, Leila at Rein sa kabilang kama katapat ng pinto. At ang isa ay naka angat pa ang paa sa study table. Si Gina, Charlene at Jane ay malapit sa bintana. Pawang nakatulog din ng maayos.

At siya naman, nakapwesto sa dulo malapit sa malaking bintana na malapit sa pasilyo. Katabi niya si Louella at Marie. Wala ni isang senyales na gising ang mga ito sapagkat pantay pantay ang paghinga ng mga ito habang tulog.


 "hmmm.."

Maya't maya ay nadinig nito ang mahinang singhot at iyak ng isang babae.

"Bakit. Bakit mo ako iniwan.. Bakit?"



Napaupo ng diretso si Glaiza. "Mukhang broken heart na babae yung umiiyak. Ang lakas naman.. Saan kaya galing yun?

Ah baka sa kwarto ng dorm sa kabila. Halos maabot dito. Pambihira."

Nagtalukbong Glaiza at pinilit makatulog.

***

"Totoo ba yan? Naku kung ako sa kanya, magmove on siya. Walang mangyayari kung iiyakan lang niya noh!", ani Marie.

"Grabe, akala ko pinagtripan niyo ako."

"Eh sino naman gigising sa amin ng ganung oras? Ikaw lang ang ganun kaaga mag duty noh!" Ipinagpatuloy ni Marie ang paggawa ng assignment.

Bigla napatingin si Glaiza kay Shane. Nahuli niya itong nakatitig sa kanya ng matiim. Bigla siya kinabahan. Tumayo ito at lumabas ng kwarto.

"Wala ba kayo napapansin kay Shane? Ang weird niya ha. Kinikilabutan ako minsan."

 "Si Shane? Galing kasi yan sa kabilang dorm. Diyan sa tapat. Kaya ata lumipat kasi kinukupit yung libro niya at mga reviewer.", ani Janice.

"Eh di sana nag palipat kwarto. Bakit dorm pa?", nagtataka si Glaiza.

"Mag isa niya kasi doon, wala na yung kaclose niya dati dyan. Hindi rin daw masarap magluto yun cook." abala pa rin si Janice.

"Sabagay.."

***

3:30 am

Ramdam ni Glaiza ang pag vibrate ng cellphone niya. Babangon na sana siya ng may bigla siyang maalala.

"Ay wala nga palang pasok. Oh yes! Makakatulog din ng mahimbing." Napangiti siya habang inaabot ang katabing study table sa kaliwa. Inilapag niya ang cp niya dito. Nang bigla siya ulit natigilan.

May nakita siyang babaeng naglalakad papunta sa katapat na kwarto. Kitang kita niya ito sa bintana sa pasilyo. Mahaba ang buhok at may kipit na book binder. Nakayuko ito ng bahagya at dinig niya ang tunog ng sapatos nito.

"Stilleto? Medical student siguro. Ang aga niyang umuwi."

Hindi familiar sa kanya ang uniporme nito. Napakurap kurap siya habang nakatingin dito. At bigla siya nahikab. Nakatulog siya sa ganoong pwesto.

***

 Nagkakagulo ang magroom mates habang nakatingin sa pumpon ng bulaklak na hawak ni Marie.

"Uy may secret admirer!"

Tumirik ang mata nito sabay kibit balikat.

"Ilalagay ko na lang dito sa mesa. Mukha ng kwarto ng lalake tong room natin. Walang kaarte arte!", ani Marie.

"Itapon niyo yan. Hindi niyo alam ang ginagawa niyo."

Nahagip uli ng paningin ni Glaiza si Shane. Nakatingin ito ng matiim sa flower vase, saka pumikit.

"Hoy Shane, huwag ka ngang kj. Minsan lang to." Nakapameywang si Janice habang pumipilantik ang daliri. Napalatak ito.

"Di kaya ikaw yun sinasabi ni Glaiza na iyakin sa madaling araw? I told you naman, move on na." At nagkatawanan sila.

Pero iba ang nararamdaman ni Glaiza.
"Something's missing here.." Kitang kita niya ang panginginig ni Shane.

"Tara na nga kain na tayo sa baba."

***

 3:30 am

Nagmamadali si Glaiza sa pagpanaog sa kwarto. Kakaiba ang lamig ng oras na iyon. Sinisipon din siya.

"Nilalagnat ata ako.."

Hanggang sa narating niya ang mahabang pasilyo papunta ng kwartong tinutuluyan niya. Natigilan siya. Nakita niya ang babaeng studyante na nakita niya nung isang gabi. Nakayuko uli ito habang naglalakad. Tama siya ng sapantaha. Naka stilleto ito ng puti. Tumigil ito sa tapat ng pinakadulo sa kaliwang bahagi ng kwarto nina Glaiza.

"Medyo late siya konti ah. mag alas kwatro na."

Biglang bumukas ang pinto sa tapat ng kwarto nila sa kanang bahagi.

"Good morning!" Bati ni Jena, management student.

Napalinga si Glaiza. "Good morning din."

"Ayos ka lang? Namumula ka." Giniginaw nga ako. Grabe.

"Ang init kaya. Summer huyyy. Baka may lagnat ka kaya ka nilalamig. Bilisan mo na magbihis. Ja jogging pa ko. Babayo!" Di pa siya nakakasagot ay nakatakbo na ito.

Pagpasok ni Glaiza sa kwarto ay agad siyang nagbihis. Nang bigla siya mapatingin sa higaan malapit sa pinto.

Nakasandal si Shane habang namumula ang mukha at nakatitig sa kanya. Napalundag si Glaiza sa bigla.

"Ano ka ba Shane ginulat mo ako!" Kapa nito ang dibdib habang humihingal ng malalim.

"Nabangungot ako. Bigla ako nagising. Itutulog ko na lang uli." At nag umpisa itong umayos ng higa. Pumikit at nagtalukbong.

Abot abot pa rin ang kaba ni Glaiza habang inaabot ang sapatos. Nang matapos na niya ang pag aayos ay muli niyang naalala yun research niya na di pa niya tapos.

"Sa hospital na lang ako kakain."

Nagumpisa siyang ayusin ang bag niya. Habang inaayos ito ay may narinig uli siyang mahiwagang tinig.

"Hmmm"...

Automatikong napatingin siya kay Shane. Tumayo siya at nilapitan ito. Inilapit ang mukha sa maamo nitong mukha na payapang payapa na uli.

"Hindi siya.."

Maya maya ay narinig niya uli ang tinig ng babae.

"Bakit mo ako iniwan.. Bakit? Bakit?"

 Napakunot noo si Glaiza. Napailing ito pagkaraan. At nagumpisa ng maglakad palabas ng pinto. Ramdam niya ang lamig ng paligid. Ramdam niya na lalagnatin na talaga siya. Pero di siya pwedeng mag absent.

***

Walang choice si Glaiza kundi manatili sa kwarto. Hindi niya kinayang magfull time sa duty. Pinauwi din siya ng head nurse.

Ang alam niya, mag isa na lamang siya. Wala pa ang mga kasama niya. Nakatulog siya at nanaginip.

Sa kanyang panaginip, nasa ibang kwarto siya na may veranda. Nakahiga siya sa ibang kama. Hindi niya alam kung ano ang nagaganap pero di siya makabangon. At sa pagtingin niya ng diretso mula sa kama papuntang pinto palabas ng veranda ay may nakita siyang babaeng may hawak na rosas. Sinisinghot nito iyon. Walang ano ano'y biglang nagbago ang anyo ng bulaklak. Nalalanta iyon at unti unting natutuyo. May pumapatak ng dugo sa kamay ng babae.

Nabigla si Glaiza. Walang ano ano'y biglang tumapang ang amoy ng nalantang bulaklak. Di niya alam kung paanong nangyari at biglang nasa tabi niya yung babae. Di niya makita ang mukha nitong natatakpan ng mahabang buhok. Maraming dugo ang pumapatak sa ulo nito. Idinidiin nito sa mukha niya ang pulumpon ng bulaklak.

"Lumayas ka dito! Lumayas ka! Layas!" Umaalingawngaw sa pandinig niya ang boses ng babae. Umiiyak ito. Saka pa lang siya nakaramdam ng kaiba. Tumatapang ang amoy ng bulaklak at di siya makahinga.

 "Glaiza gising. Glaiza!" Malalakas na yugyog ang gumambala sa kanya.

Nagulat si Glaiza at napamulagat. "Anong...??"

"Ano ginagawa mo sa bulaklak bakit nasa mukha mo yan? At saka bakit basag yung flower vase. Ang gulo ng kwarto!" Nakapameywang si Marie habang umiiling.

"Dapat kasi dito itinatapon." Pakli ni Shane. Nagumpisa itong kunin ang bulaklak na tuyot na. At inayos isa isa ang mga gamit. Nalaglag ang mga kumot sa bawat kama at nagkalat ang mga libro sa study table.

"Paanong nangyari yun..? Tulog ako. Malinis pa dito kanina.." Nanghihina si Glaiza habang papikit pikit.

"Sigurado ka? Baka naghallucinate ka, nagawa mo yan ng di mo alam." Nakakunot noo si Marie. May nakita itong mantsa sa kama nila ni Glaiza. Nilapitan nito iyon.

"Dugo?" Napatitig si Marie sa bedsheet malapit sa kinahihigaan ni Glaiza.

Natigilan si Shane. Nilapitan nito si Glaiza at kinapa. Saka nito pwersahang idinilat ang talukap ng mga mata ni Glaiza.

"Anong ginagawa mo???" Napamulagat si Marie sa ginawa ni Shane.

"Dilluted eyes. Nasa state of dizziness siya. Kelangan nito mapatingin sa doctor." Saka nito pinulsuhan si Glaiza. Nakita nito ang mga tinik sa gilid ng pulso nito at may bakas ng natuyong dugo.

"Hindi.." Napakunot noo si Shane.

"Anong gagawin natin?"

"Tawagan natin si doc".

***

Pakiramdam ni Glaiza, pagod na pagod siya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang madilim ang paligid.

3:30am

Nakaramdam siya ng uhaw. Bumangon siya paupo at nag inat inat. Nakita niya sa side table ang isang plato na may takip at baso ng tubig na may takip. May papel sa ilalim niyon. Nilapitan niya iyon at kinuha.

"Reseta.. Pinatingin ako?" Napalinga siya sa mga kasama. Pawang nakatulog ng mahimbing ang mga ito.

 Nagsimula siyang kumain. Wala pa siyang panlasa. Ininom niya ang mga gamot. Naisipan niyang mag cr saglit. Malayo man ang cr ay pinilit niyang lumabas. Kakapa kapa siya sa dingding habang naglalakad hanggang cr. Inabot siya ng ilang minuto. Pakiramdam niya nangangatog pa rin siya at walang lakas. Naghilamos siya ng mukha.. Namumula pa rin siya ngunit hindi na kasing init gaya ng una. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya.

Habang pabalik siya ng kwarto, biglang sumingit sa harap niya ang babaeng mahabang buhok na nakasuot ng stilleto. Mabagal lamang ito maglakad. Eksaktong tumigil ito sa dulo ng pasilyo ng makarating siya sa tapat ng kwarto nila. Pumasok siya.

Sa kanyang pagpasok, nakita niya si Shane. Nagkatinginan sila.

"Bakit ka bumangon? Mahina ka pa." Nakakunot noo ito habang nakatitig sa kanya.

"Umihi lang ako. Isa pa medyo nakakarecover na ako."

"Mabuti naman. Sige matulog ka na." At pumikit na ito.

Lumapit siya sa kama niya at umupo. Aabutin na sana niya ang switch ng lampshade ng marinig niya ang pamilyar na ungol.

"hmmmm"...

Kasabay nito ang mahinang katok sa pinto ng kwarto nila.

Natigilan si Glaiza. Napalingon sa pinto.

Naulit ang katok.

Tumayo siya at inabot ang seradura ng pinto. Hindi pa niya ito naipipihit, ramdam agad niya ang pagikot nun. Napakunot noo siya sa pwersa.

Saktong pagbukas nito ng pinto ay nakita nito ang babaeng naka uniporme at nakayuko ng bahagya. Hindi niya ito kilala.

"Ano yun?" Nakangiti ng bahagya si Glaiza kahit nagtataka.

Bigla umangat ang mukha ng babae. Sa di malamng kadahilanan ay napaatras ng bahagya si Glaiza.

 Napatingin siya sa paanan ng babae. Naka stilleto shoes ito. Maputi ang babae at may balingkinitang pangangatawan. Maamo ang mukha nito at may chokolateng kulay na bilugang mata. Hindi ito umimik. Nakipagtitigan ito sa kanya. Hindi niya maintindihan pero bigla siya nakaramdam ng kakaiba. Bumibigat ang kanyang hininga. Para siyang nauupos na kandila. At sa kanyang kamalayan, nakita niya ang babae na nakatitig pa rin sa kanya. Pakiramdam niya nahuhulog siya sa balon ng kawalan.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Paano siya napunta sa ganitong lugar. Napadpad na naman siya sa kwartong kakaiba. May matataas na kisame at bintana. Isang payak na kwartong may veranda.

Nakita niya ang dalawang babae na nakaupo sa kama. Nagtatawanan ang mga ito. May binabasa ang mga ito na sulat. Naghahagikhikan ang mga ito habang nagbabasa. Pamilyar sa kanya yung isang babae.

"Ah siya yung nasa kabilang room.."

Ngunit nagtaka siya kung paano siya nadala nito doon. Gusto niyang lapitan ito at tanungin ngunit pakiramdam niya ay nakadikit siyang parang glue sa upuan. Walang lumalabas ng boses sa lalamunan niya.

 Maya't maya ay lumabas ito ng veranda. Naiwan ang babaeng kasama nito sa kama. Nang biglang may kumatok. Binuksan nito ang pinto at may nakita siyang lalake na may inaabot sa babae.

Inabot ng babae ang isang pumpon ng bulaklak. Mapulang mapula ang talutot ng rosas. Tinawag nito ang babae sa veranda at inabot iyon dito. Nagkatitigan ang babaeng naka stilleto at ang lalake. Kitang kita naman ni Glaiza na naglakad sa gawi niya ang kasama nitong babae. May inabot itong botelya habang nanlilisik ang mga mata. Napaigtad siya. Nagtataka siya bakit parang hindi siya nito nakikita. Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata.

 Napatda uli siya sa kanyang nakita. Nagbago ang eksena at nakita niya ang magandang babae na nakahiga sa kama at umiiyak.

"Bakit mo ako iniwan.. Bakit?" At mahina itong humihikbi.

"Huh? Siya...? Siya yun?" naiusal ni Glaiza. wala pa ring boses na lumalabas sa lalamunan niya.

Makalipas ng ilang minuto, nakita niya itong bumangon. Kinuha nito ang pumpon ng rosas na tuyot at lanta na. Saka humarap sa salamin. Pinaghahampas nito ang bulaklak sa harap ng salamin. Hanggang sa nayurak ang bulaklak at nabasag ang salamin. Tumama ang ilang bubog sa mukha nito at dumudugo na rin ang kamay nito. Patuloy ito sa ginagawa. Nagwala ito at nagsisigaw.

"Lumayas ka! Mga hayop! Lumayas kayo!"

Sa pagwawala nito ay may isang botelya ng umiikot palapit dito. Sandali itong natigilan. Inabot nito iyon. Binuksan at kumuha ng tabletas. Saka nilunok. Sinimot nito ang laman ng botelya. Saka napahiga sa sahig na puno ng bubog ng basag na salamin. nayakap nito ang mga paa. Saka ito tumahan ng iyak. Sandaling tumahimik.

Napahikab si Glaiza. Di niya alam kung paano lalabanan ang antok. Sa nagdidilim na kamalayan niya ay nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalake. Nilapitan nito ang babae at niyugyog.

Hindi nagising ang babae.

Napahiyaw ang lalake at humagugol ng iyak. Sa likod nito ay lumapit ang isang babae. Ang babaeng nakita niyang kasama ng nakahandusay. Pamilyar sa kanya ang mukha nito ng kanyang matitigan.

"Wala na siya. Wala na."

Habang yakap yakap ng lalake ang nakahandusay na babae, kitang kita ni Glaiza ang pagbabago ng mukha ng babaeng duguan. Bigla itong ngumisi. At dumilat ang matang nanlilisik. Nakatitig sa kanya.

Napasigaw si Glaiza ng ubod ng lakas.
 
Napakalakas ng sampal na dumapo sa mukha ni Glaiza. Saka pa lang niya nakita ang nagkukumpulang mga room mates na nakapaligid sa kanya.

"Huh?"

"Hay salamat at nagising ka na Glaiza. Tinakot mo kami!"

Hindi pa rin malaman ni Glaiza kung ano ang nangyayari. Noon niya napansin, nakahiga siya sa sahig.

"Pagbaba ko ng kama, nakita kita sa sahig umuungol. Gusto kita buhatin pero ang bigat mo." ani Rein, sapo nito ang pisngi habang napapakamot ng ulo.

"Tapos naghisterya ka. Ang hirap mo gisingin. Sorry sa sampal." Si Jane, hawak pa nito ang kamay na animo ay nasaktan pa ang palad sa pagsampal kay Glaiza.

"Binangungot ang bruha. Sa sahig pa. Buti di ka naihi dyan." ani Charlene. Inalalayan si Glaiza na makahiga sa kama niya.

"Papasok na ko. Mali late na ko."

"Ako din. Ingat ka Glaiza. Mag cup noodles ka na lang."

"Wag kang lalabas."

At isa isang nagsi alisan ang mga kasama niya.

Nakasandal si Glaiza sa headboard ng kama habang hinahaplos ang ulo. May bukol siya sa noo. Ramdam din niya ang pawis sa buong katawan niya. Gusto niyang magbihis. Nahagip ng panigin niya ang pinto. Nakatalungko sa likod nito si Shane. Napakunot noo siya.

"Nakita mo na siya. Nakilala mo na."

Patlang.

"Aalis na ako dito. Uuwi na ako sa amin. Ayaw ko madamay kayo." Tahimik na lumuluha si Shane.

Hindi lubos na naunawaan ni Glaiza ang sinasabi ni Shane.

 "Anong ibig mo sabihin?"

"Naipadala ko na ang gamit ko. Aalis na ako mamaya."

"Ha? Paano yung studies mo?"

"Doon na lang sa amin ako mag aaral. Para may kasama si Papa. Matagal na niya ako pinauuwi." At tumayo ito para lumabas.

Napatitig si Glaiza sa pinto. Bigla nito nakita ang isang napakabilis na animo'y puti na nagdaan sa pasilyo. Napakurap si Glaiza. Noon nito naalala ang mga naganap nung gabi. At tulala siyang napaupo sa kama. Hindi niya maarok kung totoo ang lahat o panaginip lang. Napahawak siya sa pulso niya.. May mga gasgas ito. Nakuha raw niya ito ng nagdaang gabi habang hawak ang lantang bulaklak. Naalala niya ang nakita niya ng gabing iyon. May hawak ding bulaklak ang misteryosong babae. Di niya maintindihan kung bakit ganoon. Pero bumigat uli ang pakiramdam niya.

Hapon.

Nagiinat inat si Glaiza pababa ng dorm. Naisipan niya, hindi siya agad lalakas kung hindi siya magbabanat ng katawan. Bumili siya ng hot choco sa canteen. Saka naupo sa gilid ng garden. Sa tapat mismo malapit sa kwarto nila. Napatingala siya. Sa katabing dorm ay kitang kita na may katapat itong veranda. Pamilyar sa kanya iyon. Napatanga siya.

"Anong ginagawa mo diyan ineng? Mainit dine." Ang caretaker na si Mang Pomping. May hawak itong hose at akmang magdidilig.

"Ngayon ko lang po napansin yung dorm sa kabila. Kakaiba ata ang itsura."

"Ay panahon pa ng mga Amerikano iyan. Hindi pa tayo nasasakop ng Hapones meron na iyan."

"Maganda po sana medyo napabayaan na ang itsura."

 "Ewan ko ba diyan sa may ari. Sabagay mura kasi ang upa diyan. Yun nga lang isang kwarto kasya ang Bente katao. Sampu lang ang kwarto dine. Kahit itong dorm natin Sampu lang noon naging labing lima."

Napatingala pa ang matanda sa dorm na tinitirahan nila.

"Kita mo ba iyang kwartong iyan? Bago lang yan mga yan. Tinapalan lamang. Veranda din iyan dati. Katunayan may nabuo nga dineng storya noong kelan lang matikas pa ako."

"Ano pong storya?" Napakunot noo si Glaiza. Tapos na nito inumin ang choco drink. Sumandal ito ng bahagya sa upuang gawa sa kawayan.

"May boarders dine na nag ibigan diyan." Itinuro ang veranda sa tapat at ang kwarto sa dorm nila Glaiza.

"Kaya lang di sila nagkatuluyan. Sabi ni Siyansing yung hardinero diyan sa kabila, nagpakamatay yung babae."

Napatitig si Glaiza sa matanda.

"Pinikot ng matalik na kaibigan nung babae yun lalake diyan. Sayang na babae. Sabi ni Siyansing pangatlo daw iyon sa pinakamagaling sa klase. Doktora na sana siya ngayon. Siya pa nga ang nagmungkahi sa amin ng libreng serbisyo pag uugod ugod na kami." Napakamot pa sa ulo si Mang Pomping habang umiiling.

 Biglang may naalala si Glaiza.
"Sandali lang po Mang Poms, may puntahan lang ako."

"Sige ineng magdidilig pa ako. Ingat."

Napakaripas ang takbo ni Glaiza paakyat. Di niya mawari kung bakit nagkalakas siya bigla. Nang wala siya madatnan sa kwarto ay tumakbo siya uli pababa at umikot sa paligid. Malapit sa canteen. Nasalubong niya si Shane na palabas ng pinto papuntang gate. Hinabol niya ito.

"Shane sandali!"

Napalinga si Shane. Saglit na natigilan. At muling nagpatuloy ng paglalakad. Binagalan nito ang hakbang.

"Shane may gusto ako malaman." Sinabayan ni Glaiza ang paglalakad ni Shane palabas.

"Alam ko. Pero isa lang ang masasabi ko. Wala kang dapat ikabahala. Palagay ko yun na ang huli."

"Pero di ko maintindihan. Paanong...?"

"Patay na ang ina ko. Matagal na niya pinagdusahan ang dapat niyang pagbayaran."

Nakatitig pa rin si Glaiza kay Shane habang patuloy ito sa paglalakad.

"Matagal na ako pinapakiusapan ni Papa na huwag ng babalik dito. Gusto ko lang naman mag aral sa pinasukan niyang unibersidad. Pero di ko inakala ang daratnan ko dito."

"Anong sinasabi mo?"

"Diyan ang dorm ni papa." Itinuro nito ang dorm sa kabila. "Akala ko may multo diyan kaya lumipat ako. Di ko akalaing parte pala ng pagkatao ko ang gumagambala sa akin."

Unti unti ay napapakurap at napapabilis ang tahip ng dibdib ni Glaiza.

 "Hin.."

"Walang boarder sa saradong pinto sa dulo ng pasilyo. Sira ang kwartong iyon, umuka ang flooring nung lumindol." Nagpatuloy si Shane habang may inaabot sa bag.

"Noong bago ako dito nararamdaman ko pa rin yung paramdam sa akin sa kabila..

Hindi ko alam, pero ng malaman ni Papa na dito ako nakatira ay pinapalayas niya ako."

"May.. teka aalis na rin ako" Desidido si Glaiza. Naisipan niyang lumipat sa dorm sa loob ng school na pinapasukan niya.

"Hindi siya simpleng boarder. Diyan na siya nakatira. At nahanap niya na ang gusto niyang mahanap. Gaya ng sabi ko wala na yung gusto niyang hanapin. Matagal na." Binuksan nito ang gate at lumabas. Saka bumaling sa kanya.

"Kung ayaw mo na talaga nasa iyo na yun. Umalis ka man diyan o hindi, diyan pa rin siya nakatira." Saka nito inabot sa kanya ang isang litrato na may kalumaan na.

"Sunugin mo yan sa loob ng kwarto. Isama mo yun bulaklak."

Napatingin si Glaiza kay Shane. Habang naglalakad ito palayo ay bumalik si Glaiza sa loob at dahan dahang naglakad. Tinitigan nito ang larawan. Pamilyar sa kanya ang mukha ng dalawang babaeng magkayakap habang nakangiti. Nangungusap ang mga mata ng dalawang babae. Napangiti siya. Noon niya nakita ng husto ang babae sa kanang bahagi. May hawig ito kay Shane. Naiiba nga lang ang hairstyle. Parang retro time pa. At ang babae naman sa kaliwang bahagi ang binalingan niya. Mahaba ang buhok nito at animo'y nakatitig sa kanya ang chokolateng kulay ng mga mata nito. Nawala ang ngiti ni Glaiza. Nakauniporme ang dalawa sa larawan. Agad bumaba ang tingin ni Glaiza sa paanan ng dalawa. Naka flat shoes ang babae sa kanan samantalang nakasuot ng sapatos na pamilyar sa kanya ang nasa kaliwa.

Stilleto.

Napaangat ang nanlalaking mata ni Glaiza at napatingala siya sa kwarto nila.

May nakikita siyang babaeng nakasilip sa bintana. Naaaninag sa liwanag ng palubog na araw ang kulay chokolateng mga mata nito.

--END--
« Last Edit: 07-05-15 12:00 PM by LeizeLwho »
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

07-04-15 11:14 PM
kuyaNG
Full Member
  • Posts: 1320
  • Thanked: 37
  • Reputation: 0
may pa bitin pala yon hehe kala ko tuloy tuloy na ee:)

07-05-15 12:52 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
Misis Sy Su
This is a true story.


Abala si Nardo sa pagsasalansan ng mga pyesa ng kompyuter. Nagkalat din ang mga kurdon na minamadali niyang balutin. Napakakalat ng paligid. Ganito araw araw ang shop pero wala siyang magawa. Sadyang burara ang mga kasama niya.

"Kriiiiiing.... Kriiiiiiiing".

Inabot ni Nardo ang telepono. "Hello?"

"Hello? Is this a computer shop? Repair kayo computer?"

Napakurap si Nardo habang nakatingin sa keypad ng telepono. Walang numerong nakarehistro sa trackpad.

"Ah opo opo. Gumagawa po kami ng mga sirang computer."

"Ikaw punta dito. Gawa mo computer ko. Ok? Bayad kita dito."

"Sige po mam. Sa Byernes pa po. Pakibigay na lang po ang address. Ano nga po pala pangalan niyo?"

"This is Mrs. Sy Su."

***

"Kriiiiiing..."

"Hello?" Si Bart. Ang may ari ng shop ang sumagot.

"Ohhhh you! Saan na gawa computer?"

"Po?" Napatanga si Bart sa nagtutungayaw na babae sa kabilang linya.

"This is Mrs. Sy Su. Daan Byernes wala repair computer! You come. Bayad ko din"
Pinalibot ni Bart ang naniningkit na mata sa mga tauhan niya at tinakpan ang mouthpiece.

"Sino sa inyo ang may appointment ng Byernes? May nagrereklamong babae. Mrs. Sy Su daw. Sabado na ah." Nakakunot noo ito at pinagpatuloy ang pakikipagusap sa kabilang linya.

"For a while Madam."

Napakamot batok si Nardo. At nagtaas kamay. "Ako po Sir. Nakalimutan ko po. Pinadeliver niyo kasi ako kahapon."

Napatampal sa noo si Bart. "Susme naman masisira tayo sa costumer niyan. Teka ako na nga lang ang pupunta."
 

"Pasensya na talaga Sir."

"Madam I think you should wait today. I'll go there." Ngiting ngiti si Bart kahit di niya ito nakikita ay naiimagine niyang mapapahinga ito ng maluwag.

At di siya nagkamali. Mukhang nakalma ito. "OK. I wait for you. You come fast."

***

Subalit di inaasahan ni Bart ang dinatnan niyang address. Tinignan niya uli ang nakasulat sa papel. "Namali ba ng dictate si Nardo sa tsikwang yun?" Nakasimangot si Bart habang palinga linga.

Ang harap ng bahay na dinatnan niya ay lumang luma at sarado ang gate. Halatang abandonado na ito. May makakapal na tuyot na dahon sa hardin. Nakakakilabot din ang mga lumot sa bahay na sira sira na rin pati bubongan.

 Doon siya napansin ng matandang babaeng kalalabas ng pinto sa kalapit bahay. May hawak itong aso na chihuahua. At may nakasunod diyong kabataang caregiver. Nagkatinginan sila.

"Magandang tanghali po pwede magtanong?"

"Ano yun?" Nakangiti ang matanda kahit mukhang seryoso.

"Saan po ba itong address na ito?" Ibinigay niya ang papel na pinagsulatan ng address ni Mrs. Sy Su.

Binasa iyon ng matanda. At bumaling sa abandonadong bahay. "Yan yun. Bakit ano kelangan mo kay Mrs. Sy Su?"

Nabuhayan ng loob si Bart. "Nagpaparepair po siya ng computer."

Nagulat ang matanda. "Ha? Di pa ba siya tumitigil?"

"Eh nung isang araw pa siya nangungulit."

"Naku iho di mo naintindihan. Wala ng tao diyan. Nasunog yang bahay na iyan. Nung sumabog ang computer." Nanlalaki ang mata ng matanda at biglang napaantada.

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

"Patay na si Mrs. Sy Su. Matagal na. Marami ng naliligaw dito na technician sinasabi tinatawagan daw sila. Noong nabubuhay pa si Mrs. Sy Su ay computer talaga abg libangan niya liban pa sa negosyo."

"Di nga po??" Namutla si Bart.

"Kung ako sayo magpalit numero ka na. Baka tawagan ka uli nun."

***

Nanghihina si Bart habang naglalakad papasok ng shop.

"Boss kamusta? Naayos niyo ba?" Sinalubong siya ni Nardo habang inaabutan ng isang baso ng coke. Oras na pala ng meryenda.

"Hindi."

"Ay bakit naman boss? Baka grabe na ang sira niyong computer niya." Nakangiwi pa si Nardo habang lumalagok ng coke.

"Hindi lang sira. Pati siya may sira." Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Hindi pa rin siya makapaniwala paanong nakakatawag ang taong patay na.

"Kriiiiiingggggg..."

Inabot ni Wally ang telepono. Nakipag usap saglit sa kabilang linya saka bumaling sa kanila. "Mrs. Sy Su daw po."

Nagdudumali si Bart na inabot ang telepono.
"Oh you why you not come?! Ano oras na wala ayos computer!"

Ibinagsak ni Bart ng ubod ng lakas ang telepono. Napalingon ang mga tauhan niya at napatanga.

"Magpapalit numero tayo simula bukas."

Nagtataka pa rin ang itsura ng mga tauhan niya.

"May customer tayong multo."
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

07-05-15 05:23 PM
gomugomuno
Full Member
  • Posts: 503
  • Thanked: 61
  • Reputation: 0
Pasali. Share ko lang para sa mga di naniniwala sa multo,asuwang at engkanto. Present to past..

Potrero, Malabon:

Naglalakad kami ng kaklase kong lalaki pauwi kami galing ng school. 7 pm. Panahon ni Cory. Madalas ang brownout. Buwan lang noon ang maliwanag.

May nakasalubong kaming lalaking naglalakad. Ng ilang metro na lang ang layo sa amin. Kinalabit ako ng kaklase ko. Deadma lang ako. Pero ng malampasan namin ang lalaking iyon...Tumakbo na ako kasunod ang kaklase ko.

BAKIT???

Ang mga kamay ng lalaki ay sayad sa lupa at kinakaladkad ang mga kamay nya!

Lapu-lapu St. Monumento, Caloocan:

1am. Wala ng jeep byaheng Malabon. Doon ang sakayan.

"Magta-traysikel na lang ako..."

Napakalinis ng kalsada. Napakatahimik ng oras na yun. Walang katao-tao maliban sa akin at ilang batang palaboy na natutulog sa gilid ng bangketa. May munting barong-barong sa gilid 5 metro ang layo sa akin.

May dumating na traysikel. Pinara ko sabay sabi kung saan ako papunta. Noong sasakay na ako, nakita ko na may asong kumaripas ng takbo mula sa barong-barong. Malakas ang pagmumura sa barong-barong at maya-maya'y lumabas ang isang lalaki na may dalang itak kasunod ang asawa nyang buntis pala.

"May nakita kang tao?" tanong nya sa trysikel driver ko. Umiling ang driver. " Putsa! May nakita akong tao sa ilalim ng katre namin. Kitang-kita ko e!"

"Pero may nakita kaming aso, pre." habol ng driver. "Galing sa inyo.  Malaki saka kulay itim."

Umalis na kami.

Napatawa ako sa sinabi ng driver pagbaba ko ng traysikel.

"Di alam ng mokong hehe. Literal na inaswang ang asawa nya haha!"

SJDM, Bulacan:

11 pm. Umaambon-ambon sa labas. Malamig ang hangin pero di ako dalawin ng antok. Patay ang ilaw sa kwarto ko dahil may liwanag naman mula sa bintana na galing sa ilaw ng poste ng Meralco.

Katapat ng higaan ko ang bintanang yun. Inuumpisahan ko ng magbilang ng tupa ng biglang mamatay ang ilaw sa poste ng Meralco.

Napabangon ako. Brownout.

Ilang saglit lang ay may liwanag na dumaan sa bintana ko. Ilaw ng sasakyan at bumubusina pa. Pagkalampas ng sasakyan ay muling nagkailaw sa labas. Natulog na ako.

Kinabukasan, tinanong ko si Ermat kung nagbrownout ba kagabi. Hindi daw dahil nanood pa sya ng programa ni Kuya Germs.

"Namatay kasi ang ilaw sa poste kagabi kaya akala ko..."Di ko na tinapos ang sasabihin at nagtimpla na lang ng kape.

Pero pagkapananghali, may kwento na si Ermat tungkol sa "brownout" kagabi...

" Naku, si Biring ( Dalagang kapit-bahay namin.) inaswang daw kagabi. May nakita raw malaking ibon na nakadapo dyan sa poste ng Meralco sa labas kasama ang bf nya na may kotse. Kaya daw pala madilim tinakpan ng impakto ang ilaw. Pagtapat daw nila sa poste ay binusinaan nila at bigla raw lumipad. Di ba may sinasabi kang "brownout" kanina?"

Tatawa-tawang nagkibit lang ako ng balikat.

Nasa tabi lang natin sila. Hindi sa nananakot ako. Pero totoo sila at sa susunod na ishe-share ko, sasabihin ng mga hindi naniniwala sa aswang na...

"Sana'y hindi ako makatagpo ng aswang in a wrong time...and in a wrong place."

At sana'y hindi ka nag-iisa kapag mangyari yun...!

...AT SANA AY MAKATAKBO KA PA!!!
.
.
.
...TULAD NAMIN !!!!
« Last Edit: 07-05-15 05:42 PM by gomugomuno »
Code: [Select]
[You are not allowed to view links. Register or Login]
SpeedTest

07-05-15 06:24 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
:thumbsup: salamat sa pagshare.

share pa kayo ng kwento. next time na uli ako magpost.
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

07-13-15 06:34 AM
chie1983
Jr. Member
  • Posts: 89
  • Thanked: 2
  • Reputation: 0
guys patulong sana... last month napapansin kong may kakaiba sa paligid ko.. kaso iniignor kolang.. pero  ngayung week nato ilang beses ko ng napapanaginipan nakikita ko katawan kong nakahiga sa kama.. ang alam ko iinum lng ako ng tubig pag balik ko sa kama ko nakikita ko sarili kong nakahiga tapus bigla nalang akong magigising sa takot.. diko alam kung panaginip or tutuo.. sinabi kona sa nanay ko.. kaso imbes na tulungan ako sermon inabot ko.. tumigil daw akong mag bisyo..
help sana.. natatakot nakong matulog magisa gaya ngayun gising pako may klase ako mamaya.. :( sana may tumulong..

07-13-15 01:23 PM
LeizeLwho
Full Member
  • Posts: 2922
  • Thanked: 59
  • Reputation: 0
may bisyo ka nga ba? kung meron itigil na po. madalas ang bangungot ay dahil sa bisyo, stress, health issue at minsan, depression din.

ang ating concious mind kasi ng tao masyado aktibo. yun mindset natin dun humuhugot yun emosyon natin, nasasagap ito ng ating subconcious. madalas, dito nagrereflect ang inner emotions natin kaya pag natutulog tayo nagkakaroon tayo ng panaginip na kakaiba.

ang maipapayo ko lamang po ay bawasan niyo po ang sobrang pagiisip. masyado makapangyarihan ang isip ng tao, di lang niya alam, ang subconcious ang mas may control dito dahil "kapusod" nito ang ating emosyon.

bago kayo matulog iwasan po magisip ng sobra, magalit, malungkot, matakot o kung anumang emotion na negatibo. reverse psychology lang po ang katapat.

subukan niyo po magisip ng magagandang bagay. makipagusap sa mga kaclose pero huwag itopic ang mga nakakatakot. magsoundtrip kayo hanggang sa makatulog. kung takot sa dilim, wag patayin ang ilaw. iwasan niyo ang mga bagay na alam niyong magta trigger ng takot ninyo. pero mas magandang harapin ang takot tama?

kumain ng "happy" foods gaya ng pansit, pasta, guyabano, apple, carrots, broccoli, cabbage, mushroom, chicken. bawasan po ang sobrang cholestrol mga maanghang maaalat matatabang pagkain, magtubig na lamang imbes na kape, alak at softdrinks.

try niyo maglibang at ifocus ang sarili sa mga bagay na gusto niyong gawin. kasi kung matatskot kayo matulog, baka mauwi sa depression yan. wag naman sana.

binasa mo ba lahat ng nakalagay dito? iwasan mo muna magbasa at manood ng horror. goodluck po :)
Donít get sucked in. Let peace interlace your
rhythm of life.
 

[You are not allowed to view links. Register or Login]
:yupi: :lagot:

07-13-15 08:13 PM
kopecool
Full Member
  • Posts: 1118
  • Thanked: 34
  • Reputation: 0
[You are not allowed to view links. Register or Login]
may bisyo ka nga ba? kung meron itigil na po. madalas ang bangungot ay dahil sa bisyo, stress, health issue at minsan, depression din.

ang ating concious mind kasi ng tao masyado aktibo. yun mindset natin dun humuhugot yun emosyon natin, nasasagap ito ng ating subconcious. madalas, dito nagrereflect ang inner emotions natin kaya pag natutulog tayo nagkakaroon tayo ng panaginip na kakaiba.

ang maipapayo ko lamang po ay bawasan niyo po ang sobrang pagiisip. masyado makapangyarihan ang isip ng tao, di lang niya alam, ang subconcious ang mas may control dito dahil "kapusod" nito ang ating emosyon.

bago kayo matulog iwasan po magisip ng sobra, magalit, malungkot, matakot o kung anumang emotion na negatibo. reverse psychology lang po ang katapat.

subukan niyo po magisip ng magagandang bagay. makipagusap sa mga kaclose pero huwag itopic ang mga nakakatakot. magsoundtrip kayo hanggang sa makatulog. kung takot sa dilim, wag patayin ang ilaw. iwasan niyo ang mga bagay na alam niyong magta trigger ng takot ninyo. pero mas magandang harapin ang takot tama?

kumain ng "happy" foods gaya ng pansit, pasta, guyabano, apple, carrots, broccoli, cabbage, mushroom, chicken. bawasan po ang sobrang cholestrol mga maanghang maaalat matatabang pagkain, magtubig na lamang imbes na kape, alak at softdrinks.

try niyo maglibang at ifocus ang sarili sa mga bagay na gusto niyong gawin. kasi kung matatskot kayo matulog, baka mauwi sa depression yan. wag naman sana.

binasa mo ba lahat ng nakalagay dito? iwasan mo muna magbasa at manood ng horror. goodluck po :)
tama po ito, ganyan din ako. Thanks ts hit ko kayo.