naniniwala ka ba kay willy
sino si willy sayo para paniwalaan mo??
depende sa paniniwalaan.
hindi lahat ng aral ni willy ay pinaniniwalaan ko dahil ang iba ay galing pa rin kay soriano.
pero yung ibinubulgar niya patungkol kay soriano, inaalam ko muna kung may katotohanan at saka ako babanat!
yung pagtri-trim ng mga babaeng add ngayon na hanggang baywang ay sa program ni willy santiago sa radio niya ibinubulgar at ina-upload niya sa youtube. dahil ang aral ni soriano sa mga buhok ng babaeng add ay walang putulan. yan ang naririnig ko kay soriano. at kung walang katotohanan ang pagbubulgar ni willy ay magiging kasiraan niya sa kanyang mga miyembro at tiyak na lalayasan siya!
tutol ka ba saan sa pag pa -TRIM nang buhok
oh sa kahabaan nang buhok na ga bewang..
ang tinututulan ko yung aral ni soriano (dati) na walang putulan!
dahil wala akong nababasa sa biblia na ang mga babae ay bawal mag-trim ng buhok.
ang buhok sa ulo ng mga tao ay humahaba at dapat na putulin.
may gupit para sa babae at may gupit rin para sa lalake.
kaya nga sa buhok nalalaman kung babae o lalake.
kung mapansin natin si TS ang kanyang takatika ay magpasama
ginagamit niya yung mga source na ni siya hindi naman niya mahayag na kanyang pinaniniwalaan
hindi? nasabi ko na yan dati dito.
walang mababasa sa biblia na bawal putulin ang mga buhok ng mga tao liban sa mga nagpanata ng pagka-nazareo.
dahil kapag ang tao babae man o lalake, na lahat ng buhok nila sa ulo ay bawal masayaran ng talim. may napapanata na may takdang panahon bago niya putulin at may nagpapanata naman na habang buhay na hindi maaaring maputol ang anomang buhok na nasa ulo.
si soriano lamang ang nakaringgan ko na ang mga babaeng sumasampalataya ay walang putulan ng buhok at HAYAAN ANG NATURE ANG MAGDIDIKTA NG BUHOK NG BABAE AT HINDI ANG SARILI.
sabi po kase nang biblia..
''Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip''
ayon po sa pag aaral nang siyensiya
kung ang isang babae ay inialis sa kanya ang pagpapagupit nang 10 taon
gaano na kahaba ito..
60inch mula sa pag ka kalbo..
mga limang talampakan siguro ito
papaano kung mababa ang taas nang isang babae papaano kung sa sitwasyong iyon ay
na tatapakan na niya nang kanyang buhok sa kahabaan nito..
maari po ba itong matawag na kaayusan
GAYON sa biblia may utos
''Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.''
ganun po kase katwiran nang biblia
ngunit hindi po kase natin maiaalis sa gumawa nang thread na sa kahit ano katwiran ang iyong sabihin ay
kanya itong papahintulutan
nais po kase niya ay
'' taong walang kabuluhan taong masasama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig''
ganun po wala kabuluhan hindi ko na nga po sana sasagutin ngunit binabangit niya po ang aking pangalan sa kanyang thread
karangalan po kase sa parte niya yung mga patunog na merun siyang mga bagay na iniiwasan nang isang pusero
baka po mapagkamalian pa ako..
sinagot ko po ang thread upang makita nang mga bumabasa ang katwiran nang biblia ukol sa mahabang buhok nang isang kababaihan sa biblia
katwiran o palusot?
ang sabi ni soriano... ang mga babaeng sumasampalataya ay hindi dapat magpagupit o magpaputol ng buhok, dahil yon ang kapurihan niya at ang lambong na sinasabi ni apostol pablo!
ang katwiran ni soriano AY HAYAAN ANG KALIKASAN ANG MAGDIKTA NG HABA NG BUHOK NG BABAE AT HINDI ANG SARILI!
kasi sabi niya ay hihinto rin naman daw ang paghaba. eh ano kung umabot daw ng talampakan, ang mahalaga daw ay masunod ang iniuutos ng biblia.
pati ang pabagu-bagong aral ni soriano ay pinagtatanggol ninyo pa. eh kitang-kita ang kontradiksiyon!
ano yan, nagpapauto kayo?
kaya tuloy ang nasusulat ay natutupad sa inyo ...
Mat 23:15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi;
at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. biro mo yung kasinungalingan niya, pinagtatanggol pa ninyo.
hahanapin ko sa akin library ang sinabi ni soriano noon tungkol sa aral ng mga buhok ng babae.
na sinasabi niya na hindi dapat maputulan at hayaan ang kalikasan kung saan siya hihinto.
kung kalikasan ang magdidikta ng haba, bakit pinakikialamanan na niya?
bakit nalaman na ba ni soriano ang pagkakamali niya na hindi sa walang putulan ang mga buhok ng mga babae kundi sa ayos ng buhok ng mga tao para makilala kung babae o lalake?
yung tinutukoy ng biblia hindi lamang sa haba ng buhok kundi kasama rin kung papaano inaayos.
pero kaugalian ng mga tao noon, mas mahahaba ang mga buhok ng babae kaysa sa mga lalake.
at walang nasusulat na bawal magpagupit ang mga babae!
kaya isa lang ang nalalaman ko...
si soriano manloloko!