Pera o pag ibig?
Kapag nasa planetang earth tayo, hindi siya pwede paghiwalayin dahil kapag nawala ang isa ay mamamatay tayo. Maliban kung we are all heaven. Walang pera sa langit. Ang meron lang tayo ay pag ibig. E kaso, realistic lang naman e noh? Hindi siya pwede e separate dahil kung walang pera, e papaano naman mabubuhay ang mga mahal natin sa buhay. Kaya nga tayo nag ta trabaho para kumita ng pera, para sa pangangailangan, para sa pampaaral ng mga anak and so on and so forth--para din sa mga kaibigan. Nasa atin iyon kung papaano natin dadalhin.
Kapag pag ibig na lang at puros pag ibig at we do not need money at all, ewan ko na lang kung mabubuhay tayo niyan dahil mamamatay tayo sa gutom, sa poverty and so on and so forth. Ano yun? Suicidal?
Same lang, e nasa concrete world tayo so, same lang talaga. Huwag lang sosobra isa sa kanila dahil ang sobra is nakakasama. Dapat equal at fair, balance kung baga.
P.S.
Pwede naman maging choice ang pag ibig kung iniisip natin na langit ang mundo. You know kapag langit ang mundo, everything is perfect. Mabubuhay lang tayo dahil sa eternal and everlasting love na we do not need money at all pero idealistic naman yun. Pwede naman kaya lang kase...... hirap e. Hindi naman talaga langit ang mundo. Hindi e.
Nagsusurvive nga tayo dito sa earth para manatiling buhay. Lots of suffering, ika nga.