Poll

Nagustuhan nyo po ba?

Yes
30 (83.3%)
No
6 (16.7%)

Total Members Voted: 36

Topic: My GhostFRIEND [Ongoing] (Read 20877 times)

03-06-16 03:18 PM
zer0112
Full Member
  • Posts: 412
  • Thanked: 21
  • Reputation: 0
Chapter 9 -  Gwapo ka sana kaso

"Hey aaron ako to si ~~~"

Agad kong inend yung call. bwisit na yan. sino kaya tong mokong na to. walang magawa
sa buhay sigur too at nabobored kaya ko binaba agad pero napaisip padin ako kasi
sa pagkakasalita nya parang kilala nya ko.

"Yuhooo. aaron. aalis ba tayo o aalis??? " sabi ni rina

"Aa. oo rina. pasensya na hehe."

Sumakay na ako ng kotse. Wala pang 1hr tulog na yung dalawa dahil nadin sa pagod
 lalo na si clarence kasi 24 hrs syang alerto dahil nag aala siya sa kalagayan ni rina.
Habang nagdridrivie binuksan ko muna yung radio. Sinet ko lang yung volume kung saan ako lng makakarinig
pra hindi maistorbo sa pagpapahinga sina clarence at rina.

Grabe. Puro pang broken hearted ang tugtan ngayon kada station. ano kaya mga nakain
ng mga dj nato bakit puro ganto tugtugan. Pra tuloy ako naging emo sa kalagayan nato. hindi
bagay sakin. Papatayin ko na sana ang radio ng sa huli kong paglipat sa station naintriga ako

" Hello. Mr Rick. How can i help you? my problema kaba about lovelife? pag pera hindi kita
matutulungan hehe." sabi ng dj

" Dj popoy. may gusto sana akong ishare sayo. baka matulungan moko."

"Ano yun mr rick?"

"My tumawag kasi sakin knina na hindi ko kakilala. Akala ko nantritrip lang. Ibaba ko na sana yung
phone ko knina pero nagpakilala siya. classmate ko siya nung high school. bale crush ko siya date hehe.
matanong ko lng dj popoy. ano ibig sabihin nun?? may pag asa kaya ako sa kanya kung liligawan ko?
kasi sa dami daming maalala nyang tawagan ako pa saka nalaman nya no. ko ng hindi ko nalalaman.

Nagulat ako sa sinabi nung caller. parang parehas nung nangyari sakin knina. coincidence lang ba to.

"Hmmm. Well.. Opinion ko lng mr rick. why you dont give a try. wla naman mawawala diba and besides
wala ba syang boyfie ngayon? "

"Wla dj popoy kaya parang iba nararamdam ko. hehe. "

"Yuunn ohh. Parang coc lang yan mr rick. attackin muna. baka attackin pa ng iba. yung loots na matagal
mo na inaasam ma 0 star pa. ikaw rin hahaha"

"Kaso dj nahihiya ako. Tagal na namin d nagkita and besides crush ko siya kahit ngayon. Parang wlang
mukha ako na ihaharap sa kanya."

"Oi wag kang pa torpe torpe. walang mangyayari sayo pag ganyan. hanggat may chance grab it before its
too late." sabi ko with fighting spirit

Nadala ako sa usapan ng dalawa sa radyo. napaka torpe kasi nung caller. chance na yun. chance.
palalampasin pa nya. baka hindi na maulit yung pagkakataon na yun kung d nya susugaban.

"Kung ganyan ka walang mangyayari sayo mr rick. paano nlng 1 day si classmate crush mo nagka bf na??
paano gagawin mo. oppurtunity na yan. ikaw rin. ayaw mo naman siguro maging matandang binata. " sabi ng dj

"Yep. tama si dj. "  sabi ko sabay thumbsup habang nagdridrive

"Kaso. paano ko po sisimulan dj popoy?"

"Simple.. Be friends with that girl. parang nag aaral ka lng ulit ng elementary to high school. Make it slowly.
Wag ka magmadali. in gods perfect time malay mo. maging kayo diba? "

"Aa. ok po dj popoy. maraming maraming salamat. bukas na bukas. yayain ko siya mag friendly date.
kakapalan ko na yung mukha ko hehe. salamat po ulit. "

" Youre welcome mr rick. goodluck sa friendly date nyo bukas. Wag ka masyado ma tense ha. haha.
Wag kalimutan. Be gentle. Wag mo dainin sa dahas. haha again tnx for calling "

Galing nun dj magbigay ng payo. napaisip tuloy ako sa childhood friend ko dati. crush na crush ko sya kahit
ngayon kaso ang huling balita ko sa kanya nasa states na sya nakatira kasama ang parents nya. naalala ko
padin yung mga ginagawa namin dati. nag isip bata nanaman ako. Nagkapagtataka. Asan na nga pala si lyn?
Nagulat ako ng bigla syang magsalita.

"Akala mo kung sino tong napaka galing pag dating sa babae. Sa tingin ko torpe ka din " sabi ni lyn sabay tawa

" Wtf. sumusulpot ka nlng bigla and besides kilala mo ba ako ng lubusan ha? d mo alam campus crush ako. " sabi ko
ng may halong pagyayabang

" Campus crush daw. Bakit wala kang girlfriend ngayon? naku.. style mo bulok aaron haha" sabi ni lyn sabay hagikgik ng tawa

" Sige. sabihin mo na mga dapat mong sabihin. Tingnan natin maiinlove ka din sakin. ayy. nga pla multo ka. pangit na multo. haha"
sabi ko sabay tawa ng nakakainis

"Tseee. paano ako maiinlove sa arogante at mayabang na tulad mo at tsaka dpat sabihan mo  ang sarili mo hindi ako na
maiinlove.  " sabi ni lyn sabay tingin sakin

Tiningnan ako ni lyn sa mata. Nakuha nya ang atensyon ko. Maganda talaga si lyn walang duda. Medyo kahawig nya si Nadine lustre.
Mga ilang segundo ko siyang tinitigan. Hindi ko napansin na may tatawid pala na aso. Nataranta ako kaya iniwas ko agad para hindi
masagasaan ang aso. Nagising si clarence at rina

" Bro. Anong nangyari? "

" Oo nga aaron. Ano yun bakit biglang yumogyug yung kotse?"

" Sorry guys. may tumawid kasi na aso d ko napansin pasensya na hehe. " sabi ko habang nagkakamot sa ulo.

" Ok ka lang ba bro?? Kung napagod kana palit muna tayo. "

" Hindi bro. Ok lang ako. Kaya pa. ikaw ang kailangan magpahinga kasi wala kapang tulog simula kahapon. dont worry. "

" Naku aaron. Nagpapaka malakas ka nanaman. Pag tayo naaksidente nito. naku. yare ka sakin "

" Hay naku rina. Ok nga lng ako. paulit ulit. Kaya ko pa nga. Magpahinga na kayo muna. tutal medyo malapit naman na tayo. "

" Sige bro. Wag kana mag alala rina. Magpahinga ka na muna. tingnan mo tumataas na temperature mo. " sabi ni clarence sabay
hawak sa ulo ni rina.

Sa may frontseat nakaupo si lyn. tuwang tuwa sya sa reaksyon ko kanina. hindi kasi sanay ako makipag eye contact sa isang tao lalo
na kapag babae pwera nlng kay rina at sa auntie ko.

" Bwisit na multo ka. Kung buhay ka lang ngayon kokotongan talaga kita" pabulong ko sabi sabay akma ng kamay ko sa kanya.

Tawa padin siya ng tawa. Hindi sya makaget over sa sinabi ko. Kung hindi ka lang maganda ..... tsk


*** 1hr later ****

Dumating na kami sa bahay nila rina. Agad inakay ni clarence si rina at ako naman pinark ko muma yung kotse. Bigla nlng nawala si lyn
pagkatapos nya kong pagtawanan. May araw din sakin tong multo na yun. Makakaganti rin ako. Pagkatapos kong maipark yun kotse agad
pumasok sa bahay nila rina. Kinausap kame ng mama at papa ni rina. Nag alala sila ng sobra sa kalagayan nya. Sinabi namin ni clarance
kung anong nangyari sa kanya at sinabi din naming d naman masyadong malala yung nangyari sa kanya. Ng malaman namin na ok na ang
sitwasyon at nagpapahinga na si rina sa kwarto nya napagdesisyon na namin ni clarence na umalis para makapagpahinga nadin.

"Bro ako na magdrive. Pra makapagpahinga ka. Pasenya na ha. " sabi ni clarence

" Sige bro. Eto naman parang iba kayo ni rina sakin. Wala sakin yun. Ang importante nakauwe na si rina at nakapagpahinga na. " sabi ko

Sumakay na kaming dalawa ni clarence sa kotse. Habang nagdridrive si clarence my bigla siya sakin tinanong.

" Bro. May itatanong lang sana ko. " sabi ni clarence

" Ano yun bro. Go ahead. Wag lang pera. Wala pakong budget hahaha" sabi ko

"Hindi pera kailangan ko. Itatanong ko lang sana about kay rina "

" Ano naman yun bro?? "

" Alam mo naman siguro bro. Since na mga bata tayo Matagal ko ng gusto si rina kaso laging wrong timing.. Nagdadalawang isip
din ako. Baka 1sided love lang tong nararamdaman ko. Wala nakong ibang matatanugan kundi ikaw. Is this the chance to tell rina
that i love her??? "

" Juice colored bro... Sino bang hindi nakakapansin na matagal mo ng gusto si rina. kahit mga langgam alam na gusto mo siya kasi
ang sweet nyo. Nasasayo yan bro. Give it a shot, take a risk. Humanap ka ng good timing kung saan malalaman mong sasang ayon ang lahat pero
wag masyadong matagal bro. d mo alam maunahan kapa ng iba ikaw din "

" Alam mo na pla bro. hahaha corny ko no? haha. Tama ka. baka magsisi pako sa huli. Kailangan kong lakasan ang loob ko. wla naman mawawala kung
d ko susubukan diba?. "

" Thats the spirit bro. Yan ang gusto ko sayo haha. Basta kung kailangan mo ng tulong andito ako. " sabi ko sabay thumbsup.

" Thanks bro. Maasahan ka talaga haha. Oops. Andito na tayo sa inyo. "

" Aa. oo nga haha. Thanks din bro. So, paano yan? mauna na ako. paano ka??? "

" Ok lang ako bro. Thanks again. Kita kits nlng this nxt sem "

" Sige bro salamat. Basta wag kang panghihinaan ng loob haha. Sige bro ingat ! "

Bumaba na ako ng kotse habang umaalis si clarence ay kumaway muna sakin. Sa wakas andito nako sa bahay namin. Makapapagpahinga nadin.
5pm nako nakauwe. Pag dating ko ng bahay binuksan ko agad ng pinto. Dala ko ung duplicate key incase na wla sila.

" Yuhooo. Anybody home? " sabi ko ng medyo malakas.

Umalis ata sila lolo at auntie. Nagsimba siguro.. umakyat muna ako ng kwarto ko at humiga muna. Habang nakahiga tumingin muna ko sa kisame.

" Anong iniisip mo aaron? " sabi ni lyn habang nakahiga din sa kama.

" ***. Kung saan saan ka sumusulpot. nagiging habit mo na yan. Saka tresspassing tong ginagawa mo. Kwarto ko to. So pls knock on the door first kung
papasok ka. "

" Paano kung ayaw ko? And besides im a ghost. I cannot touch things. " sabi ni lyn habang nakaupo

" Kung mabait at malambing ka sana ok lang kaso hindi e. sakit ka sa ulo.Pag ako nainis tatawag ako ng ispiritista.
Tingnan natin galing mo. haha " sabi ko habang naka cross arms ng nakahiga.

" Sige subukan mo. Oras na ginawa mo yan babangungutin ka gabi gabi " sabi ni lyn habang nakatingin sakin ng masama

" Threat ba yan?? Hahaha. Woooh. Sorry na po. Takot na takot ako sayo hahaha. "

"Tseee. Hmmpp. " sabi ni lyn sabay biglang nawala.

"Asar talo. hahahaha. " sabi ko sabay tawa ng malakas

Umalis si lyn dahil nadin siguro nainis sya dahil sa expression ng mukha nya malalaman mo na. Kumuha muna ako ng libro sa shelve
ko pra makapag libang libang. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.



"Lyn? ikaw ba yan???" sabi ko sa babaeng nakatalikod.

"Aaron.. "

"Lyn? anong nangyari sayo? "

Lumakad si lyn papalayo. Sinundan ko si lyn dahil nadin concern ako kung ano nangyari sa kanya.
maya maya pa huminto sya at umupo. Nilapitan ko siya at nakita kong umiiyak siya.

"Ui lyn. Anong nangyari sayo. Bakit ka umiiyak?  " sabi ko na may halong pag aalala

Hindi sya sumagot. umiiyak padin sya. Hindi ako sanay na makakita ng taong umiiyak lalo na pag babae.
Nag iisip ako ng paraan paano icomfort sya para tumigil na sya sa pag iyak.

"Kung may nagawa ako sayo pasensya na. Kung nasaktan kita pasensya na. pls lyn. stop crying. hindi bagay
sayo ang umiiyak. I promise. Magiging mabait at iintindihin na kita. Sorry. "

Tumigil na sa pag iyak si lyn. Mga ilang segundo tumingin sya sakin. Ang ganda talaga nya hindi nakakasawa.

"See. Mas cute ka pag hindi ka umiiyak. " sabi ko sabay hawak sa mukha nya habang pinupasan ang luha nya sa
mata.

Parang may mali. Hindi ko alam bakit. Nagulat nalang ng biglang nagbago ang mukha ni lyn.. Hindi na sya ito
Parang naging gremlin ang itsura nya. Inalis ko agad ang kamay ko sabay takbo.

"Tulong.  Tulong. May impakto. Tullllooooonggg !!!!" sigaw ko habang tumatakbo.

Maya maya pa. Na corner ako ng impakto na to. Wala nako ibang tatakbuhan.

"Lord. Tulungan nyo ako. ayoko pang mamatay. madami pakong gustong gawin sa buhay. hindi pako nagkakagf "
sabi ko sabay nagdadasal habang nanginginig sa takot

Dahan dahan lumalapit ako impakto papalapit sakin. Huminto ito sa hindi ko malaman na dahilan. Naubusan siguro ng
Baterya o gasolina. Baka de susi na laruan lang to. Made in china kaya madaling nasira.

"Woooah. Katik nako dun. hahaha. Akala mo ha. " sabi ko sabay lapit at sinipa

Biglang gumalaw ito at nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sakin. Napaatras ako dahil sa takot. Dapat pala hindi ko na
sinipa. Ito pa nagtrigger para gumalaw ulit tong impakto na to. Dahan dahan lumalapit sya sakin. Na corner nanaman ako. maiihi
nako sa pants dahil hindi ko na kaya tong takot na nararamdaman ko.  Maya maya tumalon ang impakto papunta sakin at sinabing


"BUUUUUULLLLLAAAAAGGGGGAAAAA"

"Waaaaahhhhhhhh" sigaw ko



Napatayo ako sa kama. Shet. Binangungot ako. Hingal na hingal ako. Grabe. Akala ko totoo na. Ngayon lang ako naka experience
ng panaginip na ganto. Ayoko na mauulit. Nakita ko sa hindi kalayuan si lyn. Iniihit ng tawa. Kaya pala parang iba ang nararamdaman
ko kanina at nakapagtataka bakit si lyn ang napapanaginipan ko. Siguro siya ang may kagagawan ng panaginip na yun


"Lyn. Ikaw yung may kagagawan  ng pananginip ko kanina no? umamin ka? " sabi ko ng medyo galit

"Ha? Ano? hahahaha. Wala akong alam dyan and besides sabi mo matapang ka? " savi ni lyn habang tumatawa

"Umamin ka. Ikaw yun. Walang duda. Gumaganti ka no? "

" Hello mr. detective. Wag kang magbintang kung wla kang ebidensya. hahahaha"

" Ano ganun pla ha. Tatawag nako ng ispiritista pra mapalayas ka dito sa kwarto ko. "

"Ui. aaron wait. Ako nga yun knina sa panaginip mo. Gumanti lang naman ako sayo kanina at sinabi mo pang
matapang ka. Kung hihingi ka ng apology ko na uulitin yun kahit kelan. "

" Peace offering? at ako pa ang unang mag aapologize sayo? "

"Sino ba nauna mang asar? diba ikaw? kwits lang tayo sa ginawa mo sakin. "

"Paano kung ayoko. Wla akong tiwala sayo. binablackmail mo lang ako. tatawag na talaga ko ng ispiritista."

"I promise. Ako na unang magsosorry sayo para maniwala ka. Sorry sa ginawa ko knina. alam kong hindi tama yun
. Hindi ko na uulitin. Sorry. " sabi ni lyn  sa malumanay na boses

"Yung lang??  wala na?? "

"Sorry din sa panghihimasok sa buhay mo. Sorry kung minsan Nakakasagabal nako sa buhay mo sa pagiging
makulit ko. Kung ano desisyon mo wala nakong magagawa. Kung tatawag ka talaga ng ispiritista ok lang. Sorry ulit. " sabi ni lyn
na parang iiyak na.

"OK sige na. Sorry din Lyn. Sorry kung medyo rude ang pakikitungo ko sayo. Sorry din kung nasasaktan ko ang feelings
mo minsan. Sorry. "

Lumapit ako kay lyn sabay abot ng kamay ko.

"So. Friends na tayo from now on. Promise mo wag mo na uulitin yun ha. "

Inabot ni lyn yung kamay nya papunta sa kamay ko.

"OO aaron. Hindi na talaga. So pde nako umistay sa kwarto mo?" sabi ni sabay ngiti

" Sige basta  first . off limits ka sa cr ha. Baka bosohan moko dun. "

" Oo naman. Ganun ba pagkakatingin mo sakin. Hindi ko gagawin yun. promise. "

" Second. Wag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina. "

"Ayyy. Ang kulet. Gwapo ka sana kaso makulet ka "

" Ano yung sinabi mo lyn?? "

" Wala sabi ko ang kulet at ang bingi mo. "

" Ha? tapos last. Huwag mong panghihimasukan ang lovelife ko. Unuulit ko. Lovelife
ko. Okay?? "

"Okaayyyy. may magagawa ba ako. "

" So deal with it kung gusto mo mag stay dito sa kwarto ko. "

" Ok deal. hihihi. " sabi ni lyn habang nakangiti

"Magkakasundo naman pala tayo. Kung ganto tayo lage d sana d tayo nag aaway. "

"OO. nga noh? hihihi"

"Ano yung sinabi mo knina lyn?? Gwa... ano yun kaso makulet ako??"

"Sabi ko Gwaaap...

Naputol ang usapan namin ng biglang may nagdoorbell.

"Wait lyn. May tao ata sa baba. Baka sila auntie at lolo yun. Balik nlng ako
mamaya tuloy nating tong pag uusap natin.

Bumaba na muna ako  pra tingnan kung sino ang tao sa labas. Sa kwarto ko si lyn may sinabi
habang pababa ako ng hagdan..

"Gwapo ka sana kaso bingi ka. " bulong ni lyn habang nakahawak ang dalwang kamay nya sa baba.

***KRING**** ***KRING***

"Sandali. Ayan na. " Sigaw ko.

Agad kong binuksan ang pinto. Hindi ko inasahan kung sino ang makikita ko.

"Hi. Aaron. Its been a long time" sabi nya sabay yakap sakin

"Cindy? "


*End of Chapter 9*
« Last Edit: 03-06-16 05:08 PM by zer0112 »
Please Read :P
[You are not allowed to view links. Register or Login] Dedicated to someone special to me. :)

[You are not allowed to view links. Register or Login]

03-28-16 07:00 PM
zer0112
Full Member
  • Posts: 412
  • Thanked: 21
  • Reputation: 0
Chapter 10 - Pa - Fall   

"Hi. Aaron. Its been a long time" sabi nya sabay yakap sakin

"Cindy? "

"Yup. Its me. Buti naaalala mo pa ako. " sabi ni cindy sabay pisil sa magkabila
kong pisngi

" Syempre. Makakalimutan ko ba yung makulit na batang babae na madalas ako
asarin sa bandang huli siya yung maasar at iiyak haha. "

" Hindi ka parin nagbabago. Bully ka parin pagdating sakin. Yung ang namimiss ko
sayo lalo na yung.. hahaha" sabi nya habang idiniin pa yung pagpisil sa pisngi ko

" Arayyy. Masakit na yang pagpisil mo sakin. Parang may kasama ng galit yung
ginagawa mo "

" Sorry naman. ikaw kasi haha. namiss lang talaga kita. sobra.. " sabi nya habang inalis
yung mga kamay sa pisngi ko habang nakatingin sa akin

Nagkatitigan kaming dalawa. Napansin ko na mas lalo pa syang gumanda. Hindi ko alam
bakit nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya. Parang nanumbalik yung
nararamdaman ko sa kanya dahil siya yung first love ko.

"Helloo. Aaron? What happen to you?  May sakit kaba? Bigla ka nlng natahimik." sabay nya
sabay nya sabay kaway sa magkabila kong mata.

" Aa. Sorry cindy. Na mental block lang ako haha. Namiss din kita. "

" Na mental block o nagandahan ka sakin. aminin mo hihi "

"  May iniisip lang talaga ko kaya namental block ako.. sorry "

" Hmmmp . Ayaw pa aminin. By the way. Si rina at clarence kamusta na? "

" Ok naman si clarence. Pero si rina may sakit. "

" I feel sad for rina. Baka this week dalawin ko siya. Miss ko na din silang dalawa. "

" Mas okay nga kung dadalawin mo si rina at clarence. Matutuwa yun pag nalaman
nila na nakauwe ka na ng pinas. "

" Mas okay kung sasamahan moko. Para kompleto na tayo hihi. "

" Aa. aa.."

" Sige na. Sige na clarence. Wala ka naman sigurong lakad this week. sumama ka na
unless my girlfriend ka na?? " sabi ni cindy sabay hawak sa braso ko.

" Girlfriend?? San mo naman nabalitaan yun ? "

" Wala lng. imposible naman na walang magkagusto sayo. Gwapo mo kaya. hihi " sabi ni
cindy sabay ngiti sakin

" Naku nambola pa sya. Osige na sasamahan na kita. Happy now? "

" Waahh. Thanks aaron. " sabi ni cindy sabay kiss sa checks ko.

Nagulat ako sa mga pangyayari. Biglang nanigas ang buong katawan ko. Pilit kong ginagalaw
ang buong katawan ko pero wla. Daig ko pa yung naistroke.

" Aaronn?? Aaronn?? Yuhoo.. " sabi ni cindy sabay kaway ng kanan nyang kamay sa mata ko.

" Ha.. Ano. Ano? Anong nangyari cindy? " 

" Eto naman. Bigla ka kayang nablangko? Akala ko kung anong nangyari sayo.."

"  Aa. ganun ba hehe.  Ganto talaga ko. hehehe. May araw talaga kong ganto hehehe. "

" Weh. Hindi nga? Dahil dun sa kiss ko sa checks mo nagkaganyan ka? Wag mong sabihin. hihi. "

" Hala. hindi ha. "

"Aminin. Crush mo pa din ako noh? hihihi. wag kana mahiya. hihi "

" Crush?? Pde pa siguro kung crash hahaha. Hindi ako magkakacrush sa iyakin at asar talo "

" Hmmmp. Ok sige. "  Sabi ni cindy sabay irap.

" Kitams. asar talo ka talaga. haha"

 " Sige lang. sooner or later maiinlove kadin sakin. hihihi. "
 
 " Ambiyosa ang peg. hahaha. "
 
 " Hmmmp.... Btw panget. Mauna na ako. May dinner date pa kame ng family ko.. Baka gusto mo
 sumama. Kaso bawal panget dun. " sabi ni cindy sabay dila sakin
 
 " Gusto ko sana kaso wlang maiiwan sa bahay. Nxt time nlang "
 
 " Okie.. So ill go first for now. wag mo kalimutan yung promise mo na sasamahan moko kila rina
at clarence ha"
 
 "Opo. Ms beautiful. I promise. Baka naghihintay na sila sayo. Ingat ka sa byahe. "
 
 " Opo. Mr Ugly dumpling. Mag ingat ka din dyan. Kita kits nalang " sabi ni cindy sabay kiss ulit sa
 checks ko habang tumatakbo paalis
 
 " Oi. Oi. Sumosobra kana. Pang aabuso na yan " sigaw ko.

 " Bonus na yan. hahaha. Kunwari ka pa na ayaw mo hihi.  " Sabi ni cindy sabay kaway sakin habang
 pumasok na sa kotse nya.
 
 Bigla kong hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hindi ako makapaniwala. Shet ang swerte ko ngayong
 araw. Hindi lang isa. dalawang beses nya kong hinalikan. Parang nanaginip lang ako ngayon pero hindi. kinurot
 ko pa ang sarili ko kung panaginip nga. Hindi totoo talaga. Hindi nya alam na matagal ko na syang crush simula
pa nung mga bata pa kami pero lalo pa ako nainlove ngayon sa kanya kasi lalo syang gumanda. kung tatanungin nyo
sino ang kamukha ni cindy ay si ellah cruz. Sobra saya ko talaga ngayon pero napaisip padin ako. Friendly kiss lang
 siguro yun pero kahit na. Masayang masaya ko ngayon. Parang nanalo ko sa poker. Grand slam hehe.
 
 Bago ko pumasok ng bahay napansin ko si lyn sa may bandang hagdan na nakatitig sakin. Siguro kanina pa sya dun at
 nakita nya si cindy. Maya maya pa bigla syang umirap at bigla nagdisappear. Ano kaya problema ng babaeng multo na yun
 bakit nya ko inirapan? wala naman akong ginawa sa kanya. kababati nga lang namin kanina. Wag ko ng isipin yun.
 
 Pumasok nako sa loob ng bahay. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumuha muna ako sa fridge ng makakain. Softdrinks at tinapay ang
kinuha ko. Pumanik muna ko ng kwarto pagkabukas ng pinto napansin ko si lyn na nakatingin sa may bintana parang malamim ang iniisip
nya. kingat ko yung isang tinapay at lumapit sa kanya.

" Anong problema mo? napakalalim ng iniisip mo??"

" Wala naman. Napaisip lang ako. Kung naging kagaya mo lang sana ako."

" Kagaya? Na ano??"

" Na tao.. Yung mga nagagawa mo.. gusto ko rin sana masubukan.."

" Aa. Ganun ba. Paano mo mararanasan yun. Multo ka diba? Hindi mo kayang
Makahawak ng gamit, Makaramdam. "

" Kaya nga. *sigh*  Gusto lang sana maging normal na kagaya mo. "

" Sa problema mo na yan. Wala ako maitutulong sayo pero kung may itutulong ako sayo
wag ka mahiya magsabi. Andito lang ako. What are friends for diba?? "

" Salamat aaron. Kahit papaano pala may good side kadin. "

" Ano akala mo sakin. Napaka samang tao?? Hindi ako ganun. Akala mo naman sakin sobrang
sama na tao. "

" Hahaha. sorry sorry. Salamat din itinuring mo akong kaibigan sa mga ginawa ko sayo. salamat
aaron. "

Biglang lumapit si lyn at hinalikan nya ko sa labi. Hindi ko alam bakit pero bigla kong naramdaman
yung labi nya dumampi sa labi ko. Ewan ko bakit pero iba ang pakiramdam ko
sa halik nya. hindi ako nakaramdam ng  kung ano man. Bago lang sakin tong
pakiramdam na to. Basta. Hindi ko maipaliwanag.

" Para saan yun? Bakit moko hinalikan." sabi ko sabay hawak sa labi ko

" Pasasalamat. "

" Ganun... "

Hindi ko na naubos yung kinakain ko kanina pagkatapos ng mga nangyari. Si lyn biglang
nawala. Humiga muna ko sa kama dahil sa masama ang pakiramdam ko. Hindi naman sa
may sakit ako hindi lang ako komportable sa narardaman ko. Napaisip tuloy ako kay lyn.
Kung naging normal lang siya siguro may pagkakataon ako ng magka gusto sa kanya. Sa
ganda nya siguradong mafafall ka... Isa nako sigurado dun.. Kaso mali. mali. Bakit ako
magkaka gusto sa isang baliw na multo. Ano ba pinagsasabi ko. Arrrgghh. May sakit siguro ko
kung anu ano na pinag iisip ko.. Nagpagulong gulong ako sa kama. Maya maya pa nakatulog na pala ako.



"Aaron.... "

"Aaron.... "

"Aaron.... "

Nagising ako dahil sa tinig na tumatawag sa pangalan ko. Medyo inaantok pa
ako kaya hindi ko masyado maaninag kung sino man yung tumatawag sakin.

" Aaron..  Halika dito... Tingnan mo. Dali.. "
« Last Edit: 04-12-16 10:49 PM by zer0112 »
Please Read :P
[You are not allowed to view links. Register or Login] Dedicated to someone special to me. :)

[You are not allowed to view links. Register or Login]

03-28-16 07:17 PM
shiin
Newbie
  • Posts: 1
  • Thanked: 1
  • Reputation: 0
up natin para ganahan si idol

04-12-16 10:43 PM
zer0112
Full Member
  • Posts: 412
  • Thanked: 21
  • Reputation: 0
  Karugtong na chapter 10. Ayaw ma post sa uc mini. sorry mga ka pd :ty:



" Kung kelan dis oras ng hating gabi saka ka mang iistorbo sa pagtulog.  " sabay
higab ng malalim

Babalik na sana ko sa pagkakatulog ng bigla nya kong hinila papuntang terrace.

" Tingnan mo oh.. hihihi " sabay turo sa langit

Namangha ako sa nakita ko. Kung kanina inaantok ako biglang nagising ang diwa ko
dahil sa ganda ng tanawin. Hindi ko alam kung tama ko pero eto ata yung tinatawag nilang
aurora. Ang alam ko sa south at north pole lang makikita to. Ang ganda pala nito pag
inperson mo makikita kaysa sa youtube mo papanuorin. Hindi ka magsasawa. Maya maya pa biglang
lumiwanag dahil naalis yung mga ulap na tumatakip sa buwan. Full moon pala ngayon. Duon ko palang
napansin kung sino gumising sakin si lyn pala. Ng tumama sa kay lyn yung liwanag ng buwan natulala
ako sa mga sumunod na nangyari.

" Ang ganda diba? " sabi ni lyn sabay ngiti sakin.

Hindi ko alam pero parang na starstruck ako sa kanya. Yung ngiti nya iba ang tama sakin. Ewan ko bakit
pero biglang bumilis yung heartbeat ko. Bigla kong nilagay yung kanang kamay ko sa dibdib ko. Bigla nalang
akong nagkaganto dahil sa isang ngiti lang. Napatingin ako ulit kay lyn.  Ang nakakapagtaka pa. Parang may
 nagbago kay lyn. Nagbago yung physical appearance nya na dating parang projection lang pero ngayon parang
 isang normal na tao na. Habang tumatagal ang pagtitig ko kay lyn ay bumibilis ang heartbeat ko. Nakatingin padin
 sa langit si lyn at biglang nagsalita.
 
 " Aaron.. Alam mo first time ko lang nakakita ng ganto. Ang ikinikasaya ko pa kasama kita na makita itong
 pagkakataon na to. Salamat. " sabi ni lyn habang nakatingin padin sa langit
 
 Mas lalo syang gumada ngayon gabi. Sa haba ng kanyang buhok na kumikinang pag tinatamaan ng liwanag ng buwan
at pag tikwas nito dahil sa ihip ng hangin. Ang mapupulang nyang labi at higit sa lahat ang kanyang ngiti na makalaglag panga.
Habang tumatagal  Bumibilis ng bumibilis ang heartbeat ko sa hindi ko malaman na dahilan. Naguguluhan nako sa nararamdaman
ko pati katawan ko kasama nadin. Hindi ko marinig ang ingay ng paligid puro (tug. tug. tug.)  Yung buong katawan ko parang na
manhid pero nagulat nalang ako ng kusang kumilos ang magkabila kong paa papalapit kay lyn.  Pilit kong pinipigilan ang pagkilos ng
paa ko pero wala. Parang Na disable sa ngayon yung utak ko. Yung puso ko ngayon ang naghahari sa katawan ko. Nang makalapit ako
kay lyn biglang huminto na ang mga paa ko. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Tumingin ako kay lyn at tumingin din sya sakin.


" TUG "

" TUG "

" TUG "

Sa hindi kalayuan samin ni lyn. May nakita kong bulaklak. Pinitas ko ito at inilgay sa tenga nya. Grabe mas lalo syang gumanda.

" Uhhmm "  sabi ni lyn sabay hawak sa pisngi nya

Hinawakan ko ang pisngi nya. Ang lambot nito pati ang kamay nya. Habang nakaganon ako kay lyn parang sasabog na yung puso ko.
 Sa pangayayari na ito parang i feel that earth stop its rotation. Habang magkahawak ang kamay namin sa pisngi nya inilapit ako ang
 muka ko sa muka ni lyn.. Habang inilalapit ko ito. Biglang pumikit si lyn..

"TUG" "TUG" "TUG" "TUG" "TUG" 

Tinungo ko ang mapula at malambot na labi ni lyn.....

Maya maya pa....





*KRING* *KRING* *KRING*

"arrggghhh" sakit ng ulo ko. Anong nangyari kagabi.
Bakit dito ko sa upuan nakatulog..."

Sobra sakit ng ulo ko. Para kong may hangover. Wala ako malalala.
Ang huli kung natatandaan nakausap ko pa si cindy tapos nun wala
na.. Tumayo muna ko para kumuha ng tubig sa ibaba. Pagkatayo ko
nahulog sa shorts ko yung bulaklak na na binigay kay lyn

Hindi na napansin ni aaron. Pero hindi nya alam lahat ng nangyari kagabi ay
totoo.


* END OF CHAPTER 10*
« Last Edit: 04-12-16 10:51 PM by zer0112 »
Please Read :P
[You are not allowed to view links. Register or Login] Dedicated to someone special to me. :)

[You are not allowed to view links. Register or Login]

04-23-16 09:30 AM
scarface02
Semi-Newbie
  • Posts: 39
  • Thanked: 22
  • Reputation: 0
thanks sa update  t.s

11-14-18 01:54 AM
time_splitzers
Full Member
  • Posts: 2967
  • Thanked: 977
  • Reputation: 1
ganda ng story... may kasunod pa poba
Ang buhay prang sandwich..
minsan masarap, minsan
matamis,
pro pg ang buhay mo ay walang
lasa
icpin mo nlang ham yan! hehehe..