Topic: Suicide Letter [Nice Story] (Read 41075 times)

12-02-12 04:49 PM
mindfreak
Full Member
  • Posts: 3615
  • Thanked: 1610
  • Reputation: 16

Chapter 6:Who Are You?


"Mapapatawad kita kapag sinamahan mo ko this time,"

"Kung ganon lang naman pala kadali, walang problema. O pano, saan ba ang sunod na punta natin?"

"Sa bahay namin," Nabigla ako sa sinabi niya,

"Seryoso ka?" Tinaasan niya ako ng kilay,

"Ano sa tingin mo? Tara na nga, bago pa magbago ang isip ko," sabi niya at pinaspasan niya ang kanyang lakad.

Hinabol ko agad siya, "Wait. Sigurado ka ba talaga? Sa case mo, I think it's not a good idea. Shan, mas mabuti pang 'wag na lang kasi tingnan mo nga, wala nang dahilan para balikan mo sila. Try to think of it first bago mo gawin 'yan. Makinig ka, ni hindi nga natin alam kung anong madadatnan natin don. Malamang masaktan ka pa ulit. Naku, I'm sure di lang 'yan aabutin mo. Pustahan pa tayo,"

"Pwes, kung ayaw mong sumama, e di pupunta akong mag-isa. Choice ko 'to kaya wag kang kokontra. Gusto ko lang silang makita at kahit ano pang madatnan ko don, it's not anymore a big deal for me. Jeth, pamilya ko sila at kahit ano pang mangyari hindi 'yan mababago. Sa madaling salita, kahit na may nagawa silang mali, may karapatan pa rin akong kamustahin sila," sabi niya.

Sinabayan ko siya sa paglalakad, "Okey, I respect your decision. Samahan na kita. Basta, pangako mo wag kang iiyak sa harapan ko kapag nakita mo na sila. Aaminin ko Shan, nag-aalala talaga ako tuwing nakikita kitang umiiyak. Hindi ko nga alam kung bakit, pero feeling ko responsibility na kita. Shan, hindi ako nagbibiro. I'm telling the truth,"

Lumingon siya sa akin at tumingin sa mga mata ko nang seryoso, "Jeth?"

Nabigla ako kasi first time niyang makatitig sa akin ng ganito ka seryoso, "Bakit?" tanong ko.

"Bakit mo 'yan sinasabi sa akin?" Ngayon lang ako natauhan sa sinabi ko. Hiyang-hiya ako sa mga sandaling ito, "Wala, nevermind. Tara na,"

Lumabas na kami ng mall. Walang ni isang umimik sa amin. Siguro malamang dahil don sa nasabi ko sa kanya kanina. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Parang pinapatay ako sa sobrang sa sobrang awkward ng lagay namin ngayon.

Ilang minuto na rin ang lumipas, wala pa ring pagbabagong nangyari. Hindi nagtagal, hindi ko na natiis ang sitwasyon namin kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Galit ka pa rin ba sa family mo?" tanong ko.

"I don't know. Kaya nga gusto ko silang makita ngayon para malaman ko kung tama pa bang magtanim pa rin ako ng galit sa kanila up to now," sagot niya.

"Gaano ba kalayo mula dito ang bahay niyo?"

"Hindi naman masyadong malayo. Mga three miles away from here lang ata," sagot niya.

"So, di na natin kailangan magcommute? What do you think?"

"It's up to you. Basta sa akin, kahit alin pwede na,"

"Ay onga pala," sabi ko sabay kamot sa ulo ko. "Muntik ko nang malimutang multo ka nga pala. O siya, magtaxi nalang tayo para di hassel," sabi ko sabay para ng taxi.

Tahimik kami sa loob ng taxi. Di talaga ako sanay sa ganitong katahimikan to think na kasama pa ko siya at madalang lang na di kami mag-imikan. Saka lang siya nagsalita nang sabihin niya sa akin ang address ng bahay nila.

Sinaksak ko ang headset sa tenga ko sabay tingin kay Shan. "Di ba ayaw mo ng aircon?"

"I don't know. Wala naman akong kakayahan para mafeel yung lamig at init ng paligid,"

"Pero nabanggit mo kanina sa mall na ayaw mo ng malakas na aircon?"

"Yah, pero di naman totoo yun. Ang totoo, gusto ko na talagang lumabas ng shop that time. Nasabi ko lang yun para may maging reason ako sa 'yo. Siya nga pala, para di ka na ulit magtanong, I want you to know na limited lang ang senses namin. Nakakakita kami, nakakarinig at nakakapagsalita pero sad to say wala kaming pang-amoy and of course wala din kaming kakayahang humawak ng mga bagay. Nabanggit ko na ang mga ito sa 'yo noon di ba? I think that explains everything already,"

"Ganon? Pero naguguluhan pa rin ako. Remember the day that you scare me sa kwarto? Pano mo naman nalock yung pintuan kung totoo ngang wala kayong
kakayahang humawak ng bagay?"

"Yah, I remember. Pero nagkakamali ka, ang totoo niyan hindi naman ako ang may kagagawan non. Lumabas ka ng kwarto that time di ba? Pagbalik mo, nilock mo yung pintuan. Nakakatawa talagang isipin, kasi parang niloko mo lang sarili mo that time,"

"As far as I remember, pumasok ako ng kwarto na may dalang mug ng kape pero di ko maalala na nilock ko yung pinto. Still a mystery, huh," sabi ko sabay himas sa baba ko.

"Ayoko na, Jeth. Nakakabaliw kang kausap. Alam mo, sa lahat ng nakilala ko, ikaw lang yata ang may ganyang ugali. Yun bang mga simpleng bagay ginagawa mong komplikado,"

"So, meaning espesyal ako para sa 'yo kasi ako lang ang nakilala mong may ganitong ugali?" sabi ko sabay ngiti.

"Ewan ko na talaga sa 'yo. Walang akong sinabing ganon ha. Ikaw, ang weird mo. Kung ano- anong pumapasok diyan sa kokote mo,"

Tumingin ako sa labas. Ito na nga yung subdivision na tinutukoy ni Shan. Hindi nagtagal, huminto ang taxi sa tapat ng isang malaking bahay. Lumingon ako kay Shan at nakita ko siyang sumenyas sa akin.

Nauna na akong bumaba ng taxi. Nakita kong may sinabi pa siya sa driver bago siya bumaba.

"Anong sinabi mo?" tanong ko.

"Wala. Nagpasalamat lang ako kay manong kasi nilibre niya ako ng isang sakay," sabi niya sabay ngisi.

"Natural. Di ka niya nakikita. May gana ka pa talagang magpasalamat huh, sa tingin mo narinig niya yun?"

"Malay natin,"

Tiningnan ko ang buong paligid. Nalilito ako dahil napapagitnaan kami ng dalawang malalaking bahay.

"Alin ba diyan ang bahay niyo? That red one or that maroon one," sabi ko at sunod-sunod na tinuro ang dalawang bahay.

"Hulaan mo," sabi niya sabay tawa.

"Both?" tanong ko.

"Hindi. Isa lang. Anong akala mo sa 'min, negosyante ng real estate?"

"Naku, malay ko ba kung anong negosyo niyo. Sige na, sirit na," sabi ko.

"Mahirap ba yung pinapahula ko o sadyang di ka lang talaga marunong manghula? Anyway, the one na may red roof. 'Yan yung bahay namin, ngayon alam mo na,"

"Anong gagawin natin ngayon? Tatayo na nalang ba tayo dito at maghihintay na sumapit ang pasko?" pasarcastic kong tinanong.

"Ano pa nga ba e di magdoorbell ka," nakapamewang niyang sinabi.

"Haaah? E kung gamitin mo nalang kaya yung ability mo na magpalusot-lusot sa mga walls?"

"Nagagamit ko lang ang ability na yun kapag nasa kwarto ako. Hindi ko talaga alam kung bakit. Siguro kasi don ako nakulong for almost one year,"

"Talaga lang ha. So, di talaga ikaw yung nasa banyo kanina?"

Nagulat siya sa sinabi ko, "Haaah!!? Anong pinagsasabi mo? Ang kapal mo din, ano? Anong akala mo sakin? Duh, di ko gawain yun no,"

"Hmmn, parang guilty ka yata. Aminin mo na kasi. Maiintindihan ko naman kung ba't mo yun ginagawa," sabi ko sabay ngisi.

"Ang daldal mo. Anong oras na ba?"

"Aba, malay ko ba. Wala naman akong relo at hindi nakaset ang orasan ng cellphone ko. Pero ikaw ha, nakakahalata na ako sa 'yo kasi bigla kang lumiko sa usapan," tukso ko.

"Shut up!"

"Ikaw yun no?" pangungulit ko.

"Pwede ba tigilan mo nang kababanggit sa isyung 'yan! Ano bang pinuntahan natin dito. Kahit kailan wala ka talagang kwentang kasama,"

"Sige na nga, titigil na. So, di ba sabi mo kanina magdodoor bell ako? Ano namang sasabihin ko kapag may nagbukas?"

"Depende sa kung sino ang magbubukas,"

"Sige, give me a short briefing muna para naman di ako magmukhang tanga kapag nakaharap ko ang either isang member sa family mo,"

"Ganito lang 'yan kasimple. Kapag maid ang nagbukas, obviously sasabihin mo na may sadya ka sa parents ko. Kapag si Ate naman ang nagbukas, magkunwari kang kaibigan mo 'ko then umpisahan mo ang conversation by telling her na nagpaparamdam ako sa 'yo matagal na. Kapag parents ko naman, ganon din sabihin mo pero may idadagdag lang ako. I'm pretty sure na si Papa ang magbubukas, at kung siya nga sabihin mong nagpaparamdam ako sa 'yo at may binaggit ako na kailangang magbati ang lahat ng family member sa panig ng Mom and Dad ko upang matahimik ang kaluluwa ko. So, yun lang. Sige na, pindutin mo na ang doorbell,"

"Wait. Sample nga muna," sabi ko.

Nag-iba bigla ang itsura niya. Di ko matantya kasi mukha siyang natatawa pero mukha namang nalulungkot.

Napabuntong-hininga siya, "Jeth, ordinaryong mamamayan lahat ng kasapi ng family ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Just be yourself lang,"

"Pano kung magtanong pa sila?"

"Asus, anong silbi ng utak mo kung di mo gagamitin. Naku, kung buhay lang sana ako di lang talaga batok aabutin mo sa kin. Sige na please, ikaw nalang talaga ang pag-asa ko Jeth,"

"Oh heto na, pipindutin ko na," sabi ko tapos manginig-nginig na nilapit ang daliri ko sa doorbell.

"Ano ka ba Jeth, relax. Wala kang dapat ipag-alala, nandito naman ako sa tabi mo,"

Nabaling ang atensyon ko sa kanya, "Anong sinabi mo?"

"OA na yan ha. Sige na, pindutin mo na," Hindi nagtagal, nakasampung pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng gate.

"Sigurado ka bang ito yung bahay niyo? Para namang walang tao e,"

"Meron 'yan. Pindutin mo pa,"

Hindi ko siya sinunod sa halip ay huminto ako sa pagpindot, "Ang kulit mo rin no? Di mo ba nakitang nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas. Shan, tara na. Umuwi na tayo, wala tayong mapapala dito,"

Sumimangot siya, "Ayoko,"

"Tama na ang drama. Tara na,"

Maluha-luha ang kanyang mga mata nang muling tumingin sa akin, "Pero Jeth, gusto ko talaga silang makita," sabi niya.

"Ano ka ba? Maghunus-dili ka nga. Tara na, huwag mong antayin na maubusan ako ng pasensya sa 'yo,"

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya, "Jeth, sinabi ko na sa 'yo di ba? Na hindi sila basta bastang tao sa buhay ko. Pamilya ko sila. Kahit na may nagawa silang kasalanan sa akin, hindi nito mababago ang katotohanan. Kaya huwag kang magsalita diyan na parang wala kang pamilya. Ikaw na nga mismo ang nagsabing magkaiba tayo kaya malabong mangyari na may alitan kayo ng pamilya mo. Naiindintihan mo naman siguro ako di ba?" sabi niya sabay hagulgol.

"Hindi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may gana ka pa ring magpunta dito? Oo, may pamilya din ako. Pero Shan, wag kang lumiko sa usapan. Iba ang kaso mo. Tatanungin kita, maituturing mo pa rin bang pamilya mo sila sa kabila ng nagawa nila sa 'yo, ha?"

"Tanggap ko pa rin Jeth kahit na masakit. Kaya nga nandito ako kasi gusto kong makita ang kalagayan nila. Oo, may nagawa nga silang mali sa akin. Pero sa tingin mo ba sa lahat ng panahon na nakasama ko sila ay pawang pasakit nalang binigay nila sa kin. Hindi, nagkakamali ka kung yun ang akala mo. Minsan na rin akong naging masaya sa piling nila kahit na sa huli naging malupit ang turing nila sa akin,"

Hindi ko maunawaan kung anong gusto niyang ipabatid sa akin. Naguguluhan talaga ako sa mga sandaling ito.

"Isang malaking kalokohan. Akala ko ba galit ka sa kanila?" ginulo ko ang buhok ko. "Ano ba talaga? Hindi kita maintindihan,"

"Hinding-hindi mo talaga ako maiintindihan, Jeth. Kasi wala ka pang alam sa mga pinagdaanan ko." huminga siya ng malalim, "Aaminin ko na Jeth, maliit lang ito na parte ng tunay na dahilan ng pagpapakamatay ko. Kaya ganon nalang ako kung magpatawad sa kanila ngayon. Taliwas nga ito sa mga sinabi ko sa 'yo nung una kasi noong mga panahon iyon, di pa ako lubusang nagtitiwala sa 'yo. Pero sa mga sandaling ito, I swear nagsasabi na talaga ako ng totoo. Nagkataon lang talaga na itong problema ko na may kinalaman sa family ko ay sumabay dito sa isa ko pang problema na siyang main reason talaga. Basta ganon, I don't want to elaborate kasi I don't know kung tama bang ishare ko ito sa 'yo."

Naupo ako sa malapit na shade, "Tell me about your family,"

"Okey. The one that I called Ate was just my step sibling. My biological mother was killed by unknown reason. Then pagkatapos non, biglang sumulpot itong step-mother and step sis ko. Hindi naman naging masama ang naging turing ng step mother ko sa akin not to mention my step-sis. Aminado akong napamahal na rin ako sa kanya, pero lately lang, nagkaroon ng conflict in between my Dad and my step mother so nagseparate sila. Nanatili si Ate sa panig ni Dad at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Kaya I decided na mangupahan ng apartment to get rid of Ate. Nagstay ako sa apartment for almost one month. Then, nabalitaan ko nalang na namatay ang step mom ko. And then they started pointing fingers at me. They really question me kung bakit hindi ako dumalo sa funeral. Ang mas masakit pa sinabihan ako ni Ate na wala daw akong utang na loob sa mom niya. Good timing rin na dumating yung isa pang problema sa buhay ko. At that time, I felt my heart broke into pieces kaya I decided to end my life there. See, kung lubos mo talagang iisipin parang di naman talaga kasalanan nila ang nangyari. Kung meron man, oo dahil kay Ate," sabi niya at nakita kong may luhang lumusot sa kaliwa niyang mata.

"Ngayon naiintindihan ko na. Don't worry Shan, I'm in your side," sabi ko sabay ngiti.

"Thanks, Jeth. Gumaan bigla ang pakiramdam ko pagkatapos kong masabi sa 'yo ang lahat,"

"Seriously, may feelings din kayong mga multo?"

"I don't think so kung lahat ba may feelings. Basta ang alam ko, meron ako nito. Maybe itong pagkakaroon ko ng feelings is just a punishment para marealize ko ang pagkakamali ko,"

"Hanggang kailan ka ba mananatili dito sa mundo?"

"Hindi ko alam, Jeth. But the one above told me na dapat maging handa ako palagi,"

"You should have asked Him about that,"

"I did pero ganon pa rin sinagot niya,"

"Kinulit mo dapat,"

"Oo, pero wala, ganon pa rin sinasagot niya e,"

"Hindi mo sana tinigilan. Yung tipong saka mo ka lang titigil sa pagtatanong kapag binigyan ka niya ng specific answer,"

"Ba't ba ang kulit mo? Tsaka, panay ang sermon mo sa akin. Ako itong multo pero parang ikaw naman yata ang binabagabag diyan. I think something is wrong with you,"

"Hindi kasi e. Isipin mo, hindi ba unfair yung ginagawa nila? Hindi silanagsasabi kung kailan ka nila kukunin. Parang hindi talaga magandang pakinggan. What do you think?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Ang weird mo talaga. Sobrang weird. Ngayon ka lang nagkaganito. I think something is wrong with you talaga. Tell me, my sakit ka ba?"

"Wala akong sakit. Ganito lang talaga ako kapag lumalim na ang conversation. By the way, wala ka ba talagang balak ishare yung isa mo pang reason kung ba't ka nagsuicide. I think, hindi na yun big deal sa case mo ngayon,"

"Ayoko. Please forget about that thing. I don't want to kill myself again,"

"Malamang mabigat na problema 'yan,"

"Sinabi mo pa,"

Tumayo na ako, "Tara na nga. Bumalik nalang tayo dito tomorrow,"

Sumimangot ulit siya, "Okey,"

Tamang-tamang pagtayo ko, biglang nagbukas ang gate ng kabilang bahay. Yung bahay na nasa tapat ng bahay nina Shan. Lumabas mula dito ang isang lalaki. Kasing tangkad ko siya at sa palagay ko, kasing edad ko lang din siya.

Lumingon ako kay Shan. Hindi maipinta ang mukha niya sa mga sandaling ito. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang ang tingin niya'y nakapako sa mukha ng lalaki. Naguguluhan ako kung anong nangyari kay Shan. Hindi naman ako pwedeng magtanong, baka mapansin ng lalaki.

Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki. Huminto siya sa paglalakad nang mapansin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay titig sa akin.

"Who are you?"

       --- END OF CHAPTER 6 ---
« Last Edit: 01-22-13 08:55 AM by mindfreak »

12-02-12 06:19 PM
_kevin_
Full Member
  • Posts: 313
  • Thanked: 27
  • Reputation: 1
ayan na.. Hmm pwede na t0ng gawing pelikula sir.
Hehe ayan na ang thrill. Hehe .hehe.

12-02-12 06:58 PM
Kramparadz
Full Member
  • Posts: 2074
  • Thanked: 770
  • Reputation: 10
astig naman nito. parang may mali doon sa date kung kelan sya nagpakamatay, same year?? o baka di ko masyado naintindihan..

eto yong part na sinasabi ko,

 
Quote
"Yup. What date na ba ngayon?
Di
ba November 11, 2012? So
almost one year na kasi I
committed suicide on November
16, 2012.

« Last Edit: 12-02-12 07:07 PM by Kramparadz »

12-02-12 07:16 PM
mindfreak
Full Member
  • Posts: 3615
  • Thanked: 1610
  • Reputation: 16
nagkamili lang..hehe pero 2011 naman nakalagay dun sa suicide letter. :)

12-02-12 08:39 PM
_kevin_
Full Member
  • Posts: 313
  • Thanked: 27
  • Reputation: 1
tao lang po. Hehe 11 sana ang nandun diba? Hmm kelan namin mababasa yung kasunod akda?

12-02-12 10:20 PM
queenie
Hero Member
  • Posts: 12845
  • Thanked: 172
  • Reputation: 1
Naku, sino kaya yun?

12-03-12 12:09 AM
gerzz
Full Member
  • Posts: 875
  • Thanked: 54
  • Reputation: 0
Update pa boss kabitin ng story ..

12-03-12 03:46 PM
_kevin_
Full Member
  • Posts: 313
  • Thanked: 27
  • Reputation: 1
bos wala na ba update? Hmm

12-03-12 04:01 PM
earthangel
Sr. Member
  • Posts: 5450
  • Thanked: 326
  • Reputation: 6
[You are not allowed to view links. Register or Login] [You are not allowed to view links. Register or Login]

12-03-12 05:53 PM
screambomb
PinoyDen Agent
  • Posts: 2927
  • Thanked: 1355
  • Reputation: 20
update na sir bitin eh :kawali:
« Last Edit: 12-03-12 05:54 PM by screambomb »

If You Like My Post or Thread Then Push The tnx
Button.

12-03-12 05:58 PM
crybabay
Full Member
  • Posts: 805
  • Thanked: 44
  • Reputation: 0
nakakabitin..more please!ganda na oh!
ordonez

12-03-12 06:44 PM
iskittzo
Hero Member
  • Posts: 18585
  • Thanked: 669
  • Reputation: 14

I believe in love at first sight because I'm a MOM. :wub:

[You are not allowed to view links. Register or Login]

12-03-12 07:12 PM
Kneilandrew
Full Member
  • Posts: 3591
  • Thanked: 370
  • Reputation: 5
pa. Subscribe din dito.. Ganda ng plot.



12-03-12 07:44 PM
mindfreak
Full Member
  • Posts: 3615
  • Thanked: 1610
  • Reputation: 16

Chapter 7: Thank You


Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki. Huminto siya sa paglalakad nang mapansin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay titig sa akin.

"Who are you?"

Sa mga sandaling ito, di ko alam kung sasagutin ko ba siya o sasapakin sa mukha. Hindi ko kasi nagustuhan ang pagtitig niya sa akin. Kung makatitig kasi siya parang may malaking utang ako sa kanya.

Nilapitan ko agad siya pero siyempre nanatili pa ring kalmado ang mga galaw ko.

"Ahm, excuse me. Itatanong ko lang sana kung sa'n yung mga nakatira diyan," sabi ko sabay turo sa bahay nina Shan.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. At the same time, nagbago din ang facial expression niya. Kung kanina, galit na galit ang itsura niya ngayon nama'y mukhang masayahin na.

Tumawa siya tapos tinapik tapik ako sa balikat. Aba loko 'to ah. Wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. Susumbat na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Nagbibiro lang ako, pre. Ah by the way, hinahanap mo siguro si Mr. Villamonte, no?" tanong niya.

Pasimple akong sumulyap kay Shan na nasa may di kalayuan. Hihingi sana ako ng tulong sa kanya, pero hindi naman niya napansin ang pagsulyap ko. Nakatingin kasi siya sa malayo at parang may malalim siyang iniisip. Nagtaka ako ng sobra dahil ugali na niyang makiusyuso kapag may kausap ako. Pero ngayon, naninibago ako kasi di man lang siya lumapit sa akin.

"Oo, tama ka," napilitan ako na sagutin yung tanong ng lalaki.

"Sad to say, si Mr. Villamonte ay naconfine sa ospital. By the way, anong kailangan mo sa kanya?"

Di ko alam kung anong isasagot ko. Muli akong sumulyap kay Shan, pero ganon pa rin ang nakita kong itsura niya. Mapipilitan na naman ako sa pagsagot sa tanong ng lalaki. Bahala na.

"Ah. Isa akong journalist at nagtatrabaho sa isang pagawaan ng diyaryo. May kailangan lang akong itanong kay Mr. Villamonte. Pwede ko bang kunin ang address ng ospital kung nasan siya ngayon?"

Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa kagaya ng ginawa niya kanina.

Nagbago ulit ang facial expression niya, parang nagtataka na para ring natatawa. Naisip niya siguro kung anong koneksyon ng mga sinabi ko sa kanya sa kay Mr. Villamonte. Pero ano namang pakialam niya, kapit bahay lang naman siya?

"Kung ganon, Sir. I suggest na kausapin niyo nalang siya after his recovery. Malamang hindi pa niya kayang magsalita sa ngayon. Kaya useless din kung pupuntahan mo siya sa ospital,"

"Ganon ba? Pero hindi lang naman si Mr. Villamonte ang sadya ko, pati na rin ang buong pamilya niya. So, pwede ko na bang makuha ang address?"

"Ganon ba? Okey, sure. Pero yung address lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. Di ko kasi alam kung anong numero ng silid niya. Mas makabubuting ikaw nalang magcheck. Pero kung gusto mo, pwede mo namang kunin sa akin ang contact number ng mga kamag-anak niya nang sa ganon mas maaga mong malaman ang room number niya,"

"Ah, hindi na. Kami este ako nalang ang magchecheck. Yung address nalang ng ospital. Yun nalang kukunin ko,"

Binigay naman niya sa akin ang buong address ng ospital. Medyo may kalayuan din pala.

"Sige pre, mauna na ako. May lakad pa kasi ako," sabi niya sabay ngiti. Napakamot ako ng ulo,

"O sige, sige. Salamat nga pala," sabi ko at tuluyan na siyang umalis. Nilapitan ko si Shan,

"May problema ka yata?"

"Wala,"

"Sigurado ka?"

"Iniisip ko lang kung nasan sila at anong ginagawa nila ngayon. By the way, kamusta? Anong sinabi sa 'yo?"

"Di ka ba nakinig kanina?"

"Hindi e,"

"Kilala mo yun?"

"Hindi rin. Bakit? May nabanggit ba siya na tungkol sa 'kin?"

"Wala naman. Pero kapit bahay mo yun. Panong di mo kilala?"

"Bagong lipat malamang. Almost one year akong hindi nakalabas ng kwarto, kaya wala na masyado akong update sa mga nangyayari sa labas. So, anong pinag-usapan niyo kanina?"

"Tinanong ko lang kung nasan sila. Pero alam mo, habang nag- uusap kami, napansin kong sobrang weird niya. Akala ko nung una suplado pero nalaman kong mabait naman pala. Kasi binigay naman niya sa akin ang address ng ospital. Kung makatitig kasi yung lalaking yun kanina akala ko nanghahamon ng suntukan. Pero nung tinanong ko siya, nag---,""

"Jeth, hindi naman siya ang sadya natin dito. Please tell me kung anong sinabi niya about kay Dad,"

"Shan. I'm sorry to tell you, ang sinabi niya sa akin nasa ospital daw ang Dad mo," Gulat ang itsura niya habang nakatingin sa akin,

"Anong nangyari? Tinanong mo ba?"

"Hindi. Pero sabi niya nakaconfine daw. Nalimutan kong itanong kung bakit. Dapat kasi nandon ka kanina nung nag- uusap kami para mapaalala mo sa akin ang tanong na 'yan. Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Kanina ka pa di umaalis diyan at parang ang layo ng nilapad ng isip mo simula kanina. Sabihin mo nga, may problema ka ba? Parang may tinatago ka kasi sa akin e," sabi ko sabay himas sa baba ko. Tulala ulit siya,

"Worried lang talaga ako bout sa family ko. Nung nabubuhay pa kasi ako at before ako umalis ng bahay, wala naman akong napansing kakaiba sa kalusugan niya,"

Rumireflect sa sinabi niya ang itsura niya ngayon. Sa lahat ng pagkakataong magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaworried.

"So, anong plano mo ngayon?" tanong ko.

"Gusto kong makita si Dad. Gusto kong malaman kung anong sakit niya. Jeth, matutulungan mo ba ako?"

"Oo naman, as always Shan. Tara, puntahan na natin yung ospital na sinabi ng lalaki kanina," sabi ko at inalok ko siyang maglakad.

"Jeth, alam mo, pinapagaan mo ang loob ko. Hindi ko alam kung pano kita masusuklian sa lahat ng tulong na ginawa mo. I'm talking to you seriously,"

Nabigla ako sa sinabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Tinitigan ko siya sandali. May gusto din akong sabihin sa kanya pero parang may pumimigil sa mga labi ko para magbuka.

"May problema?" tanong niya.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Dala ko pa rin ang pakiramdam na dulot ng sinabi niya.

Naglakad kami ni Shan papuntang gate ng subdivision. Tamang-tama lang dahil may mga taxing nakaparada dito.

"May pamasahe ka pa ba? Kasya pa ba papuntang ospital? Mga eight miles din 'yun mula dito,"

Sinilip ko ang pitaka ko, "Yah, kulang nga at sa tingin ko pang last ride na 'to. Don't worry, magpapadrop tayo kay manong sa malapit na ATM machine,"

Kagaya nung kanina, tahimik ulit kami sa loob ng taxi. Walang nag- imikan at tanging music sa taxi ang tanging ingay na maririnig sa loob. Pwede ko naman siyang kausapin kasi nakasalpak naman ang earphones sa tenga ko pero wala lang talaga akong lakas ng loob para mag-open ng kwento.

Huminto kami sa tapat ng mga nakahanay na ATM machine. Ang bait ni manong driver kasi hinintay pa niya kaming matapos sa pagwiwithdraw kahit na nakapagbayad na ako sa kanya para sa ride kanina.

Muli kaming pumasok ng taxi at gaya nung kanina, wala pa ring ni isang umimik. Tumutugtog sa mga sandaling ito ang kanta ni Taylor Swift na may pamagat na Back To December. Nalaman ko ang pamagat nito kasi hindi sa avid fan ako ni Taylor Swift kundi dahil sa nabanggit ng DJ ng FM Station ang title ng kanta bago niya ito pinatugtog.

Bagay na bagay ang kanta sa sitwasyon ni Shan. Speaking of Shan, nakita ko siyang nakatingin sa labas ng windshield. Balisa ang itsura niya at pakiramdam ko may malalim siyang iniisip ngayon. Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga siya nakitang nagkakaganito.

Naiinip na talaga ako kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Shan, pano kung di naman kagaya ng mga sinabi mo ang itinanong nila sa 'kin. Anong isasagot ko? Hindi pa nga natin alam kung aabot ba ako sa ganong punto kasi baka hindi nila ako pagbigyan. Kasi tingnan mo nga kung sino ako sa paningin nila? Hindi ko sila lubos na kilala at lalo rin sila sa akin. Siyet, mahirap yata 'yang pinapagawa mo,"

"Jeth, sorry talaga at nadamay pa kita. Wala na kasi akong ibang malalapitan. Obvious naman siguro yun di ba? Wag kang mag- alala, babawi ako sa yo next time. Pero kung gusto mo, pwede ka namang magback-out at aasikasuhin ko nalang mag-isa itong problema ko," malungkot niyang sinabi sa akin.

Napabuntong hininga ako, "Sana kanina mo pa 'yan sinabi. Ano nang magagawa ko, nandito na tayo?" sabi ko kaya mas lalo lang siyang nalungkot.

Hindi nagtagal, nakarating na kami ng Quezon City. Pinarada ni manong ang kotse pagkatapos ay bumaba na kami.

Matamlay si Shan nang pumasok kami ng ospital. Nagtanong kami sa management kung anong number ng silid ng Dad ni Shan. Hindi naman nila ito pinagkait sa amin. Hindi nagtagal, nasa harap na kami ng mismong silid. Pareho kaming napabuntong-hininga.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam e," sagot siya.

Napabuntong hininga ulit ako at naupo sa kalapit na mahabang upuan. Natahimik ulit kami. Napansin ko siyang palakad- lakad sa harap ko at di talaga mapakali. Hindi nagtagal, nairita na ako sa ginagawa niya.

Sinalpak ko ang mga earphone sa tenga ko, "Pwede ba, itigil mo nga yan!" sigaw ko sabay na tumayo at naglakad. Nabigla siya sa sinabi ko,

"Jeth, saan ka pupunta?" tanong niya.

"Magbabanyo lang. Huwag kang mag-alala, babalikan kita dito," sagot ko.

Nandito ako sa may hallway ngayon. Nagsinungaling ako kay Shan kasi wala naman talaga akong balak na magpunta ng banyo. Naasiwa lang talaga ako sa pinapakita niyang pag-aalala sa ama niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa di ko namalayan na nasa may lobby na pala ako ng ospital. Nahagip ng mata ko sa may di kalayuan ang isang pamilyar na babae. Sinundan ko agad ng tingin ang naturang babae.

Nagkasalubong kami at nilagpasan lang niya ako. Hindi ako nagkakamali, siya nga. Ngunit bago pa man siya makalayo ng lubusan, tinawag ko siya. Wala na akong pakialam kung ano mang isipin niya at ng mga taong nandito.

"Miss Villamonte," sigaw ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Mga ilang sigundo rin siyang tumitig. Kakaiba ang tingin niya at tila kinikilatis ang bawat detalye ng mukha ko. Sa palagay ko, hindi nga ako nagkamali sa pagtawag.

Lumapit siya sa akin, "Sino ka? Ba't mo ako kilala?"

Gumanti rin ako ng tingin sa kanya, "Ikaw ang step sister si Shaniah?" tanong ko.

Bigla niya akong hinila patungo sa isang lugar ng hospital na wala masyadong tao.

"Sino ka? Bakit mo kilala ang kapatid ko?" tanong niya.

"Jethro ang pangalan ko at dating kaibigan ng kapatid mong si Shan,"

Nagcross ang kanyang mga braso, "Jethro?"

"Jethro Ricafuente. Tungkol sa kapatid mo, alam mo b---"

"Kaano-ano mo si Alfonso Ricafuente?" tanong niya.

"He's my father. Bakit?"

Nabigla siya pagkatapos ng sinabi ko. Hinawakan niya ako ra magkabilang balikat, "Tell me, ano bang alam mo sa mga nangyayari ngayon?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "Wala. Hindi ko alam,"

Nag-iba ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga sandaling ito. Naglakad siya palibot sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin.

"Well, Mr. Jethro. According to my Dad's legal counsel, Alfonso Ricafuente is one of the main suspect in the crime that happened six years ago. Alam mo ba yun? Malamang because he's your father. Pero ang nakakagulat, up to now in due process ang kasong ito. Alam mo kung bakit? Kasi naduduwag ito si Alfonso at sa tuwing nagkakaroon ng hearing, wala siyang ibang alam kundi ang manuhol ng representative at mga pipitsuging legal counsel,"

Nagimbal ako dahil sa sinabi niya at parang nayanig yata ang utak ko dito.

"Seryoso ka ba? My Dad is a Legal Practitioner. Alam niya ang tama at mali sa mga ginagawa niya. Kaya imposible ang lahat ng mga sinasabi mo?"

Sumingkit pa lalo ang mga mata niya at patuloy pa rin siya sa paglalakad, "Saan ba ang Dad mo ngayon?"

"Out in this country. He's already a barrister somewhere in Europe," sagot ko.

"How about your Mom?"

"She's dead already,"

"Nadawit din ang Dad mo sa isang issue kung saan he sign an authorization para sa isang courier na hindi alam ng lahat na ang laman nito ay pawang mga drogang pinuslit galing sa ibang bansa. How was that for you Mr. Jethro?"

"Teka, wala akong alam sa mga sinasabi mo. Huwag mo ngang gawing kalokohan ang buhay ng Dad ko! Walang kang patunay sa mga
binibintang mo!"

"Oh really, bakit ka nandito? And what's the story behind you and my sister?" tumigil siya sa harap ko at tinitigan ako ng masama.

"She's my late friend,"

"Nililigawan mo ba dati ang sister ko?"

"No, friends lang. No more no less,"

"So bakit ka pa nandito?"

"Nagpaparamdam ang ka---"

"Shsh. Wala ako sa mood para sakyan ang mga joke mo ngayon. Anyway, wala kang dapat ipag-alala. Wala akong pinapanigan ngayon. Kalimutan na nating nag-usap tayo," sabi niya sabay talikod.

"Wait. Do you love your sister?"

Lumingon siya sa akin, "Not really," sagot niya kaya nagulat ako.

"Ganon? E di pakamatay ka na rin," sabi ko.

Bumalik siya sa harap ko, "What did you say?"

Hindi ko siya sinagot sa halip ay naglakad na ako palayo. Tulala ako sa mga sandaling ito. Mag- isa lang akong naglalakad ngayon sa hallway ng ospital. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko ang sarili kong nakatayo mga five meters away mula sa room ng Dad ni Shan.

Gaya ng inaasahan ko, nandon pa rin si Shan at malamang nag- aantay pa rin sa akin. Medyo guilty ako pero kahati naman nito ang sama ng loob na dinulot ng mga narinig ko mula sa kapatid ni Shan kanina.

Nakalagay sa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay ko habang nakatungo ang aking ulo. Hindi na ako lumapit dahil nakita ko sa may di kalayuan ang kapatid ni Shan. Mukhang hindi niya ako napansin kasi direstso lang siyang pumasok ng room. Samantala, walang nagawa si Shan kundi panuorin lang na pumasok ang kanyang kapatid.

Napansin ako ni Shan kaya agad siyang tumakbo palapit sa akin.

"Jeth, san ka ba talaga galing? Your so late. Ayan tuloy, sinayang mo ang oppurtunity na makausap si Ate,"

Hindi ako umimik. Tumingin ako sa mga mata niya at bahagya ko siyang nginitian.

"Sorry, may tumawag kasi kanina sa phone ko,"

"Okey ka lang?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya, "Wag kang mag-alala. Nakasalubong at nakausap ko ang Ate mo kanina and she told me na your father is in the state of
recovery already. Hindi niya sinabi kung anong sakit pero hindi na yun mahalaga. Ang importante ay ang kanyang lagay ngayon. Tara, let's go home," sabi ko at nauna na akong naglakad.

"Jeth!" sigaw niya.

Lumingon ako,

"Bakit?"

"Thank you,"

        --- END OF CHAPTER 7 ---
« Last Edit: 01-22-13 08:57 AM by mindfreak »

12-03-12 08:42 PM
_kevin_
Full Member
  • Posts: 313
  • Thanked: 27
  • Reputation: 1
 Thank you din sa update akda.

12-03-12 11:33 PM
queenie
Hero Member
  • Posts: 12845
  • Thanked: 172
  • Reputation: 1
Kakabitin yung update :D
« Last Edit: 12-04-12 01:29 AM by queenie »

12-04-12 02:45 PM
Kneilandrew
Full Member
  • Posts: 3591
  • Thanked: 370
  • Reputation: 5



12-04-12 05:55 PM
_kevin_
Full Member
  • Posts: 313
  • Thanked: 27
  • Reputation: 1
tao po. May update na ho ba jan? Hehe

12-04-12 09:35 PM
Curi0us_gurl
Full Member
  • Posts: 444
  • Thanked: 28
  • Reputation: 5
w0w may bagong aabangan..nice po otor.. :saludo:

12-04-12 11:09 PM
gerzz
Full Member
  • Posts: 875
  • Thanked: 54
  • Reputation: 0
Excited na sa update., otor .. :rock: