Walang problema yun sir, hangad ko lang ay makatulong.

tama ka precise talaga ang iOS kaya kapag nagkamali ka kailangan mo balikan isa-isa yung ginawa mo, pero once na na-resolve mo yung issue, nakatatak na yun sa utak mo at bihira ka na lang magkamali uli. Ang nagpa-complicate lang naman sa issue ng iPhone mo ay yung ipad baseband at unlock. Pero kung factory unlocked ang isang iphone dire-diretso lang ang lahat.

naalala ko tuloy yung 3GS ko dati, bago pa lang ang iOS 4 nag-flash agad ako ng ipad baseband at madalas ang DFU loop na issue dati, di pa masyadong alam kung ano ang dahilan, araw-araw akong nag-research, halos isang buwan ko di nagamit 3GS ko dahil lang sa 4.3.3 dfu loop, which is ako rin naman ang naka-resolve, muntik pa akong ma-banned sa isang blog site dahil ayaw maniwala sa akin ng site owner sa resolution na ginamit ko. Impossible daw!
